if you can't say it, BLOG it!
MALAPIT na.. Magugulat ka..   
Thursday, September 27, 2007
HELLO PHILIPPINES AND HELLO WORLD..

Ako si R.A..bente singko, katamtaman ang pangangatawan, kayumagging hilaw, sinuka ng kalikasan, mukang pato na di maipaliwanag, bulbulin, mala addict ang hulma pero pag nakilala, punkista lang pala..
ako si R.A, ang walang kupas na nagbibida-bidahan sa anumang larangan ng buhay.. nagmamagaling, nagmamarunong..
ako si R.A, ang taong nagpapasaya at nagpapalobo ng papulasyon ng mga mental institutions sa pilipinas (ibang levelling itoh!)
ako si R.A, astig na malupet, walang sinabi ang four layer ng crayola sa kulay ng mga characters na nakapaligid sa akin. Gaya ng aking pamilya. Ang aking ina na addict na addict sa pinoy big brother at nakikipaglaban para lang manalo si vino bello ng search for a star in a million. Ang tatay kong mahilig manood ng CSI at mga crime/suspense movies at kahit pati private-I ni gus abelgas, walang patawad. Ang kapatid kong naburyo dahil sa text. Ang mga kapitbahay naming nagfufumeeling na mayayaman, nagsisimba kada linggo, pero kada lunes, giyera ang drama nila na parang may shooting ng action na pelikula. Ang mga kapitbahay din naming nambibintang na lahi kami ng mangkukulam.. ang anak nilang dalawa ang butas ng wetpaks, ang dalaga nilang nagfufumeeling maging singer at commercial endorser ng isang shampoo, na magkakaron ng instant hit dance craze na ipapauso balang araw ala jaboom twins, ang binata nilang anak na nag-aahit ng kilay kahit maton na maton ang hitsura.. at ang pinsan nilang may kapangyarihang manira ng kabayo ng plantsa at magpahinto ng mga asong nagtotorohan sa kalsada, at siyempre ang aso nilang may kasong rape with homicide. Astig din at iba ang mga kaibigan ko.. may kaibigan ako na nagtataglay ng kapangyarihan na magwaksi ng mga pasa at bali sa katawan, may takot sa toothbrush at toothpaste, may kaibigan din akong mahilig mangaskas ng burat sa kung kaninong likod, mayroon ding nagtataglay ng pagmumukang crossbreed ng kabayo at manok, merong kaibigang tinitimbang ang beklog ng boypren nya kung mas mabigat ba sa mangga, meron ding kaibigang piniprito ang instant pancit canton, kaibigang walang relihiyon, kaibigang mahilig magpalibre pero ayaw manlibre, kaibigang ayaw maamin na may sumasabog na atomic bomb sa kilekile at kaibigang mahilig sa mga taartits at mga showbiz chismis to the max. ako si yo2ng.. pakialamero at mahilig pagdiskitahan ang mga bagay na nananahimik, sinasaliksik ko ang family planning program ng mga kuto, iniintriga ang totoong katauhan nila darna at krystala, ang totoong relasyon nila imaw at chaka doll, pati na din ang kasarian ni pong pagong at big bird. Nagmamagaling ako sa paggawa ng mga imbensiyong papatay sa mga garapata ng aso, gumagawa ng mga escape plan para sa mga holduppers, at binabantayan ang pagbubuntis hanggang pegle-labor ng mga dyaskeng kisses na feeling ko baog sila kase di pa sila dumadami.. marami na rin akong mga kinalaban, at ang ilan sa kanila ay mga teachers ko sa mga kinaiinisang subjects, ang teacher ko sa livelihood economics na mukhang bading na bulldog, ang pakikipagsapalaran ko sa hiphop na guro.. ang mga balisang ibon na umaawit, ang dahilan ng pag-utot, ang advanced na oras sa bundy clock ng opisina, at mga kwentong galing sa mga teleserye at fantaserye. Ilan lang ang mga yan sa mga naging makukulay sa pakikipagsapalaran ko sa buhay..ang mga kwento ko, maaring maging kwento mo, kwento ng kakilala mo, o kwento ng kakilala ng kakilala mo..
ako po si R.A, at ito ang pinoy big brother, este, ang mundong aking kinagagalwan.. hello philippines, and hello world..
posted by R.A. @ 7:43 PM  
About Me

Name: R.A.
Home: Philippines
About Me: i was born to make the world a better place to live in.. im the type of person who would do anything in the name of love!!(azuz) ako din yung tipo ng tao na malambing.. haha! Kontento na ako sa buhay ko ngayon, salamat sa mga taong nagbibigay ng kulay ng aking buhay.. to my friendsters, family at sa mga kaaway ko!!! salamat sa inyo.. halos madaig ko na nga ang 4 columns na Krayola sa sobrang kulay ng buhay ko eh..at sa mga nang-iwan sakin... sorry nalang kayo dahil mas lalo akong gumwapo ngayon.. hindi niyo na ako matitikman!! wawa kayo!!at sa mga present ko...just kip on hangin with me coz im gonna show you zum luv! punta naman tayo sa mga likes ko.. MY FAVORITES foods: spag, sandwiches, tortillos na black ,chicharon, sitaw, baked macaroni & pizza. cigarettes:marlboro & peace lights perfume:polo sport, calvin klein & pureplay superheroes: SPIDERMAN & X-Men anime:GTO, fruits basket, shaman king, naruto & hunterX hunter colors:black & white, red & blue and brown pastime: texting, net browsing, daydreaming.. hahaha! beverage: c2 green tea (lemon & apple flavor), no hard drinks ako.. no softdrinks din..
See my complete profile
Previous Post
Archives
Shoutbox

I can not be complete anymore, i cant be whole anymore.. =(

Links
Powered by

Free Blogger Templates

BLOGGER