if you can't say it, BLOG it!
MALAPIT na.. Magugulat ka..   
Sunday, September 30, 2007
GETBACKERS TO THE RESCUE..
Hindi ko malaman kung bakit ba parang sunod-sunod na may nawawala sa akin at sunod-sunod ang kamalasan sa buhay ko.. Una, ang pouch ng cellphone ko na leather, tangina pinagipunan ko pa yun dati, di ako kumain ng dalawang araw tas ganun na lang, biglang “poof!” nawala sa karimlan, siyet.. second, yung pendant ng kwintas ko na di ko alam kung san nahulog.. nampotah sterling silver pa yun, un un ankh na symbol, siyet pinakagusto ko pa naman yun na pendant na bigay sa kin. Tas third, yun keychain ng penshoppe pouch bag ko, ewan ko kung saang jeep o tricycle siya nahulog, basta nakakabwiset, mga mahahalagang things pa naman ang nawawala sa akin.. fourth, putanginang siyet na malagkit, yung SIM card ko, na may sa maligno ata sa loob ng opis, kase nung change SIM ako, biglang nahulog yung ipapalit kong SIM, at nung pulutin ko na.. patay! Biglang nawala, di ko na nahanap, nakaunlimited pa naman yun.. binaliktad ko lahat ng mga drawers at kung ano pa sa loob ng opis, wala talaga ang tangnang SIM. Fifth, ang celphone kong bubulok-bulok tang-ina, for the third time pinarepair ko ule, at waldas ang pera ko sa phone na to.. naku kung may pera lang ako, bibili sana ako ng bago, pero kulang pa sweldo ko pambili ng lighter, tangina. Akalain mo ba namang humahabol pa sa Xmas ang bwiset na phone na to, nagbblink-blink ang display niya, na wala ka nang makita kundi half lang nung screen.. Sabi nung nagrepair, palitan ang ribbon ng phone ko, kase nasira na daw, tas nung pinalitan na, yun pa din, nung chineck ang LCD, patay! Dun ang defect.. sabi siguro gang june na lang ang LCD ng phone ko, tas papalitan na. E tinanong ko kung magkano ang LCD ng sa phone ko, tang-ina para ka ng bumili ng bagong phone.. nahilo ako dun sa sinabing bayad kung sakasakali.. siyet wala akong pambili ng bagong phone.. sixth, three times akong nagnosebleed. Monday ng 8pm, Tuesday ng 9pm at Thursday ng 4am.. oo pati madaling araw, akala ko nga nun sipon lang na tumutulo, nung parang malagkit, tiningnan ko, siyet, iba na, kulay pula na, sabi ko, “dugo itoh!” ayun, naghysterical ako, di na ko nakatulong magdamag.. haay, bwiset!! Tapos eto pa ang pamatay, im lost with love.. hehe, korni na naman.. alam ko bwiset talaga ako sa mga bagay na toh.. tas malapit ng maubos ang bigay sa aking Pureplay na pabango, sana pag naubos na yun, makalimutan ko na rin siya.. haaay buhay.. hirap ng ganito ooh.. parang muka akong tanga araw-araw.. naalala ko yung sinabi nung isang getbacker, sabi:

“lahat ng bagay sa mundo, nawawala at naglalaho – alahas, kotse, pera, lahat lahat.. pati pag-ibig. Ito ang dahilan kung bakit hindi tayo makuntento – palaging naghahanap. Pero ito rin ang dahilan upang tayo ay tumatag, ang dahilan kung bakit tayo nagiging tao – sa emosyon..”

naalala ko rin yung conversation ni San Cai at Yahmen sa Meteor Garden, ang sabi ni Yahmen:

“bakit mo tinatanong kung nawawala ba ang pag-ibig o kung ito ba ay panghabangbuhay?! Kung ako ang sasagot niyan, sasabihin kon oo, nawawala ang pag-ibig.. kase dito sa daigdig, ang lahat ay may hangganan, kasama na diyan ang pag-ibig.. pero sa taong nagmamahal ng totoo, ang hangganan ay salita lamang. Dahil ang pag-ibig sa kanyang puso ay ‘di kailanman mawawala sapagkat kahit hangganan ay hahamakin, maging kamatayan ay susuungin sa ngalan ng pag-ibig..”

Sabi ni San Cai:
“hindi ko maintindihan ang sinasabi mo Yahmen, akala ko ang kaibigan ko lang na si schoolmate XingHua ang magulo, pati ikaw pala..”

Tapos, sumagot si Yahmen: “mararanasan mo rin ang ganitong emosyon, dahil lahat ng tao, sa tanang buhay nila, mararanasan nila isang bese ito sa buhay nila.. pagdating sa panahong iyon, tsaka mo lang ako maiintindihan..”

Ayun, siguro yun na ang explanation.. patay tayo diyan, tumpak ang mga dialogue.. siyet..
posted by R.A. @ 9:12 AM  
About Me

Name: R.A.
Home: Philippines
About Me: i was born to make the world a better place to live in.. im the type of person who would do anything in the name of love!!(azuz) ako din yung tipo ng tao na malambing.. haha! Kontento na ako sa buhay ko ngayon, salamat sa mga taong nagbibigay ng kulay ng aking buhay.. to my friendsters, family at sa mga kaaway ko!!! salamat sa inyo.. halos madaig ko na nga ang 4 columns na Krayola sa sobrang kulay ng buhay ko eh..at sa mga nang-iwan sakin... sorry nalang kayo dahil mas lalo akong gumwapo ngayon.. hindi niyo na ako matitikman!! wawa kayo!!at sa mga present ko...just kip on hangin with me coz im gonna show you zum luv! punta naman tayo sa mga likes ko.. MY FAVORITES foods: spag, sandwiches, tortillos na black ,chicharon, sitaw, baked macaroni & pizza. cigarettes:marlboro & peace lights perfume:polo sport, calvin klein & pureplay superheroes: SPIDERMAN & X-Men anime:GTO, fruits basket, shaman king, naruto & hunterX hunter colors:black & white, red & blue and brown pastime: texting, net browsing, daydreaming.. hahaha! beverage: c2 green tea (lemon & apple flavor), no hard drinks ako.. no softdrinks din..
See my complete profile
Previous Post
Archives
Shoutbox

I can not be complete anymore, i cant be whole anymore.. =(

Links
Powered by

Free Blogger Templates

BLOGGER