if you can't say it, BLOG it!
MALAPIT na.. Magugulat ka..   
Wednesday, October 03, 2007
Bakit May Bahaghari: Ang Buhay Ko (Season I)

(this blog entry is merely exaggerations of what happened to me, but is based on true facts)

“Noong bata pa ako, tinuruan ako ng lolo ng tango. Ang mama ko tinuruan ako ng pasadoble at rumba. Pinagsama-sama ko kaya ako ngayo’y bobo. Kaya ang tawag nila sa akin, Toto’y Bobo..”
Teacher: ‘yan kase, panay sayaw ang inaatupag..
Totoy Bobo: naman!

Noong bata ako, nag grade1 ako sa public school. Masaya ang public school. Walang worry sa assignments. Seven lang kaming magkaklasmeyts before. Walang masyadong inaalala. Yung school namin before, parang community school lang. Mga total population ng lahat ng grade level eh siguro umaabot ng 50+ ganyan..(cheap talaga siya) hindi uso nun ang kinder, ang casa, ang nursery.. wala lang siya, grade 1 na talaga.. first day of school, eh ayan, hinahatid pa ako nun ng mama ko before siya pumunta sa office.. naalala ko pa, wala talaga akong kakilala non kase wala akong ka-batch na neighborhood sa amin. Pag kunwari uwian na kame, hinihintay kong sunduin ako nun. Hindi ko pa kase alam ang daan pauwi. Sa school, marami akong natutunan, ang magtanggal ng damo, ang mag-plant ng pechay at talong, ganyan. Palaging ganun ang routine. Ang magkaron ng teacher na terror na may anak na parang kamukha ni Chucky (kulang na lang ang kutsilyo). Ayun! parang yun lang ang natutunan ko nung grade 1 ako sa public school. Nung graduation namin, e di may special citation ako sa religion klas namin, (nakalagay sa programme) pero nung presentation na, biglang dinelete ang award ko..Outstanding Scout na lang, Second Honors, Best in Science, Most Hardworking, Most Patient, at lahat ng most, mostly ako ang nakakuha.. (hay naku, pag public talaga hinahanapan ng mga award para lang magkaaward lahat. Seven kaming clasmates, may honor ang lima, bobo ang dalawang natira. Akalain mo, sana top 10 na lang! Nu ba naman yan..

dahil sa incident na yun, nagtransfer ako sa Divine, isang private Catholic School. Nakuha akong mag grade two dun. Culture shock ako.. iba ang dating, nakasapatos na ako whereas before, tsinelas lang. Ang dinaraanan ko semento na, before, putik na may mga pupu ng baka. Aba may guard pa, may ID, may uniform. Kelangan ng lunch box, kelangan ng artbox, andaming kelangan. Bawal ang pera, dapat baon lang. May library card, kelangan mag-pray every subject, before and after. Sabi ko nun, magpapari ba ako? Nung grade two ako, naging first honors ako, sa academics, sa theology class ko. Bale dalawa ang awards every recognition day (four ang recognition day namin every school year) e di before pinning ng award, excited akong binibigay ang sulat sa mama ko para siya ang mag-pin sa akin.

Nung Grade 3 ako, dadalaw daw sina Susy at Geno sa school namin (Sustagen Mascot). E di kailangan ng proof of purchase na Sustagen para magkaroon ka ng gift mula sa kanila. Nung pumunta kami ni mama sa grocery, nagpabili ako pero sadly, hindi ako binilhan ng mama ko kase, before kase may lactose intolererance ako, e yung Sustagen before, parang high sa lactose content ganyan, kaya di ako binilhan. Tapos e di dumating na ang araw na pagbisita ng dalawang mascot, e siyempre, sa class namin parang achiever ako, tapos ako lang ang walang hawak na box ng Sustagen, e inggitero ako nun. Ang saya saya ng mga classmates ko, parang ako lang ang nagmumukmok dun sa tabi ng playground. Nainis ako, tinulak ko ang mascot na si Susy, sa pagtulak kong ganun, bagsak ang ulo.. nakita namin lalake ang nasa loob. Hehe.. dahil dun, patay ako sa teacher namin.

Nung Grade four ako, nagreshuffle sila ng students. Yung mga achiever every secton, ilalagay sa star section.. inevict ako sa supposed-to-be kong section at inilagay sa star section. Wala na naman akong kakilala except siguro sa five or six na dati kong classmates. Bagong adjustments, at dahil hindi ako masyadong nakacope up sa adjustment, naging tenth ako sa first recognition day namin (totoo) at nung second recognition wala na akong citation.. nahiya ako nun sa mama ko.. dati rati pumupunta siya sa recognition para I-pin ako ng award kaya di ko na lang siya pinapunta. Teacher ko ang nagpin sa akin. Eto na ang simula ng pagrerebelde ng isang nerd (ako yun)..

Grade five na ko. E di super addict addict na ko nun sa WarpZone (parang local version ng Time Zone noon dito sa amin) palagian na ako dun. Sawa na akong mag-aral. Parang mas gusto ko ng maglaro ng maglaro ng Street Fighter, ng Battle Reals, ng Shanghai Knights ganyan (mga uso nun, wala pang Counter Strike at Ragnarok). Di ako kumakain pag recess para makabili ng token ganyan. Wala lang naman, dahil dito, natawag mama ko sa school, sinabihan ako. Super nakakahiya talaga big brother I swear..hehe!! tapos may classmate din ako na puro sketching din ang alam gaya ko, di nakikinig sa teacher namin puro drawing lang ng drawing sa notes niya ganyan. E noon chinecheck pa naman ng teacher ang mga notes namin, e magka seatmate kame, eh naiingit ako sa kanya kase ang galing na niya kaya join din ako sa pagsketch sa notes ko para makapractis. Nung checking na ng notes, ayan, puro drawing ang notes namin pareho, walang maipakita. Ayan, Stand in the corner ang DRAMA namin. Kakahiya big brother.. Dito rin sa grade na to nagkaroon kami ng school play, Hearts on Fire, yung mga scenes galing sa Bible (syempre alangan namang rated x ang topic).. e di auditioning para sa mga main characters, hindi ako nakuha, di kase ako marunong kumanta at sumayaw, e wala kaya akong talent, essay writing lang at sketching. Sabi nila kase, pag magaling ka na sa visual arts, parang dumb ka na sa performing arts..Okey lang naman, at least marami kaming di nakuha sa main cast, go na naman ako sa supporting.. wala talaga.. sa extra ako nailagay, sa production. Kasama ang seatmate kong “stand in the corner” ang naging drama namin. Sa production.. Tigahawak ng sanga ng kahoy, tang-ina nakakahiya for the third time..

Grade six, feeling ko baka hindi ako grumadweyt, nagpakatino ako (ng konti). Sa mga favorite subjects ko lang.. science at visual arts.. mga periodical test ko nun pineperfect ko sa mga subjects na to (yabang mo dod! –cass ikaw ba yan, hehe).. Tapos e di akala ko wala ng mga gagawin sa akin sa school na ikakahiya ko ganyan. Nung praktis na namin para sa graduation, e di ba may baccalaureate mass, e kailangan ng mga first reading, mga responsorial psalm, mga prayer of the faithful ganyan. Hindi ako ninerbiyos na ako ang gagawa sa isa sa mga yun kase before, every first Friday mass ginagawa ko na ito, either prayer of the faithful ganyan o kahit ano, nasubukan ko na. Naging sakristan na din ako (once lang) kaya okey sa kin kahit ano. Meron na pala, yung mga honor graduates ang gagawa, ang kulang na lang, yung offertory at hahawak sa incense.. tang-ina, ako ang pinili ng mga bwiset kong classmates na humawak ng insenso, e may hika pa ako.. siyet.. bwisit na bwisit talaga ako nun.. the day after. Kase kelangan ng pictures para dun sa cover ng invitations sa graduation, e top 15 daw yung dapat andun, isa ako sa top 15 ng graduationg class.. sinabi may pictorial.. naku patay, ayawko sanang magpapicture kase may phobia ako sa camera.. hehe.. e wala akong nagawa.. baka hindi ako grumadweyt.. tapos on the day of graduation, naiyak ako siyet.. di dahil mamimiss ko ang mga klasmates ko pero kase ako lang ang walang medal. Lahat sila meron.. may loyalty award at school service award ganyan.. ako lang ang wala. Tapos mga iba tamang pinapaflash pa sa ilaw ang napakalaking gold medal nila.. sarap sakalin.. buti na lang, kahit papano, may corsage ako nun.. yun lang.. medyo ganun-ganun lang ang nangyari sa elementary days ko.. sa wakas na-evict din ako sa school na humulma sa katauhan ko (ikaw na yan?!) dahil sa divine, naging loner ako, dahil sa divine, nagpakabanal ako inside school, dahil sa divine, nakita ko ang nagmilagrong puno ng akasya, dahil sa divine, naging divinian din ang kapatid ko.. abangan sa season 2 (high school naman)
posted by R.A. @ 6:05 PM  
About Me

Name: R.A.
Home: Philippines
About Me: i was born to make the world a better place to live in.. im the type of person who would do anything in the name of love!!(azuz) ako din yung tipo ng tao na malambing.. haha! Kontento na ako sa buhay ko ngayon, salamat sa mga taong nagbibigay ng kulay ng aking buhay.. to my friendsters, family at sa mga kaaway ko!!! salamat sa inyo.. halos madaig ko na nga ang 4 columns na Krayola sa sobrang kulay ng buhay ko eh..at sa mga nang-iwan sakin... sorry nalang kayo dahil mas lalo akong gumwapo ngayon.. hindi niyo na ako matitikman!! wawa kayo!!at sa mga present ko...just kip on hangin with me coz im gonna show you zum luv! punta naman tayo sa mga likes ko.. MY FAVORITES foods: spag, sandwiches, tortillos na black ,chicharon, sitaw, baked macaroni & pizza. cigarettes:marlboro & peace lights perfume:polo sport, calvin klein & pureplay superheroes: SPIDERMAN & X-Men anime:GTO, fruits basket, shaman king, naruto & hunterX hunter colors:black & white, red & blue and brown pastime: texting, net browsing, daydreaming.. hahaha! beverage: c2 green tea (lemon & apple flavor), no hard drinks ako.. no softdrinks din..
See my complete profile
Previous Post
Archives
Shoutbox

I can not be complete anymore, i cant be whole anymore.. =(

Links
Powered by

Free Blogger Templates

BLOGGER