Part III: Ang Kasunod (Seryoso itoh!)
medyo pag ikukuwento ko pa lahat, baka maubusan ang blogspot ng memory, hehe. Kaya napagdesisyunan ko, mga significant events na lang ang ieemphasize ko..
nung first year ko sa HS, naging hindi madali sa akin ang lahat. Andiyan yung parang hindi ka komportable sa mga tap sa paligid mo, yung naiinggit ka kase yung katabi mo kumpleto lahat ang gamit. Yung art kit nila may mga pastel, 10 layers ng crayola, kulang na lang canvass.. hehe.. tapos andiyan yung feeling mo ikaw ang ginagawang topic ng katatawanan..
pero nung kalaunan, naging medyo medyo malapit na rin ako sa mga mangilan-ilang klasmeyts ko.. ako ang ginawang clown at bunso ng mga klasmeyts ko, feeling ko nga un ako si Imaw, dun sa Encantadia, sobrang siguro 4’11” lang height ko nun.. kaya siguro parang sa tingin nila sa akin nun, not existing.. hehe..
guidance counselor namin nun ang tita ko. Hindi ko makalimutan yung time na may nakaaway ako, babae..klasmeyt ko. Eh siyempre sa liit ko nun, tapos anlaki nun tas parang brusko ang dating..patay ako.. hindi ko na kase maalala kung ano ba yung pinag-awayan namin nun. Tapos after ako, next namang kinaaway nitong klasmeyt kong babae na to e si Alwoks Pindo. Eh siguro dala lang ng kabataan (wow ha!) ang mga pangyayaring ganito.. hehe.. pero sa ngayon, super friends na kami ni Carmencita..
nung 2nd year ako, di ko makakalimutan ang pinaggagawa sa amin ng bading na teacher namin sa livelihood economics.. ginawa kaming mga basurero sa payatas at ginawang gardeners at pinakuha ng mga anu-anong bagay.. gagong yun, ngayon ko lang narealize, ginawa kaming uto-uto nun. Wala akong natutunan sa kanya na naiaaply ko sa buhay ko ngayon..
nung 3rd year ako, siguro dito na ang turning point ng career ko (nakanaman siyet!) kase siguro dito ang umpisa ng closeness ng class namin nun. Dito nagsimula ang mga terms na “youre so annoying!”, “okey ka lang?” at kung ano ano pang pinapauso ng grupong Boobsie Boombastic Embutido Gang, ang mala-SPICE GIRLS na grupo sa class namin nun. Naging Class Vice-President namin ay isang weirdong nakakatuwang friend ko, si Gaylong.. marami akong natutunan kay Gaylong na malaswa at mga bagay na tungkol sa totoong buhay.. ang pagbasa ng Playboy magazine, ang pagsasagawa ng mga bagay na ikakasaya ko, ang mga kwento sa tiktik at bulgar.. at mga bagay na kaharutan at ka-epalan.. siya ang naging mentor ko.
Nung 4th year ako, dito ko naramdaman na kami ay iisa.. dito nagsimula ang mga adventures, at sinasabi ko, kulang ang space na to para I-lay down ko lahat sila isa-isa.. Nasaksihan ko rin ang pag-aaway ng klase ng dahil lang sa away ng dalawang mag-friends. Ang away ng dalawa, naging away ng buong klase. Nagkampikampihan at naging dahilan ng pagkawatak at paghahati ng klase sa dalawa. Ang pagaarumentado ng dahil sa tinapa. Mga maliliit na bagay na napalaki ng mga sitwasyon.
Pero ang lahat ng mga ito ay naging pansamantala. Sa kabila ng mga pangyayari, ito ang naging dahilan upang maging mas-close pa kami sa isat-isa.. pinagtibay ng panahon, pinagbigkis ng mga pangyayari. Kami ang mga Newtonians, ngayon, bukas, at magpakailanman (mel tiangco itoh!)
Coming Soon..Bakit May Bahaghari: Ang Buhay Ko (Season III) College years na itoh!!!
|