Bakit ba pag nakamove-on na tayo, tsaka lang nagbubutt-in ang mga consequences ng mga nagawa natin, kumbaga sa earthquake, aftershocks.. mahirap pala pag pilit mong babalewalain ang mga bagay at pipiliting iwaksi sa pag-iisip. Parang kumain ka na rin ng itlog na di nabalatan.. ang hirap pa nito, kung kelan okey ka na, saka magsusulputan pa ang mga bagay na ikakasama ng araw mo.. magulo di ba?!
Pero eto lang yun, alam ko wala na siyang balak na balikan ang nakaraan namin, na kahit friendship ay hindi na niya maaaring iofer sa akin.. dati talaga, pinangarap kong ako ang prince charming sa fairy tale niya, pero siguro di lang talaga ako ang happy ending sa buhay niya.. Sabi ng friend ko, ang fairy tale laging happy ending na kung tingin ko nag-end na at sad ang ending o conclusion, di pa talaga yun ang totoong ending, may chapter 2 pa. pero sa kaso ko, sa kaso namin, even fairy tales are not good enough..
Sabi niya, “bat mo naman nasabing kahit fairy tales eh may sad ending din?” Sabi ko, bakit naman hindi ako maniniwalang may sad ending din ang mga fairy tales, e kami mismo, naranasan naming magkaroon ng sad ending. Sabi nga dun sa kanta ni Avril na rakrakan girl, “you were everything, everything that I wanted, we were meant to, be supposed to be but we lost it, all of the memories blah blah just fade away, all this time we were pretending, so much for my happy ending..” Siguro nung sinusulat niya tong kantang to, dumadaan din siya sa road na dinaraanan ko nun..
Sabi nung friend ko, “ano ba kase ang fairy tale story niyo?” Sinabi ko, ganito..
“isang araw habang papunta ako sa kaharian nila, sakay ng kabayo ko at hawak ang mga kumpol ng mapupulang rosas, nakita ko siyang nakabitin sa isang bangin, sumisigaw at humuhingi ng tulong. Dali-dali kong pintakbo ang sinasakyan kong kabayo para tulungan ang pinakakmamahal kong prinsesa. Inabot ko ang kamay niya, at sinabing kumapit siya. Nagulat ako nung pagtingin ko sa baba, naandun din ang isang prinsipe na nag-aalok ng tulong sa prinsesa ko. Sinabi kong kumapit siya sa pagkakahawak sa kamay ko. Akala ko sa akin na siya, pero nabigla ako ng hinayaan niya ang pagkakakapit niya sa kamay ko, at nagpahulog siya sa bangin at sinalo ng prinsipe na nasa baba. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa pangyayaring yun, inihulog ko ang mga rosas sa baba, sumakay sa kabayo, at umalis na lang ng kusa..”
“Hindi pa yun yung ending nun, meron pa.. sana hinintay mo..” ang sabi ng friend ko. “Sa tingin mo magkakaroon pa ng happy ending ang story na yun? kung ikaw ang gagawa ng ikalawang chapter niya, paano mo gagawing happy ending yun, kung mismong naging happy ending na ng prinsesa ko at nung isang prinsipe, siguro hindi yun ang fairy tale story ko, fairy tale story nila yung dalawa” ang nasambit ko.
|