if you can't say it, BLOG it!
MALAPIT na.. Magugulat ka..   
Sunday, November 25, 2007
ANG PAGDURUSA NI PINGOY.. (Teleserye ng Isang Aso)
si pingoy na siguro ang pinakaminahal kong aso sa lahat. siya kase ang pinakasweet sa lahat kahit pa bruskong brusko.. wala kase syang paki masyado sa kung anumang sasabihin nung ibang mga aso sa kanya. never kong inisip ni sa panaginip na darating sa puntong puwede kaming magkahiwalay.. never..

lately sa hindi malamang kadahilanan ay bigla na lang naging berserk ang aso namin. mga ilang buwan na din ang nakakalipas. nagtext sa kin ang tatay ko para sabihing kinagat ni pingoy ang isang batang bumili ng ice candy sa bahay. at iyak ng iyak ang bata daw.. laking pasalamat lang namin at hindi nakagat ang bata. yun nga lang natrauma talaga ang bata at syempre bumingo si pingoy saken. yun ay para lang malaman niya na hindi tama yung ginawa nya.

hindi din naman nagtagal ung pagiging grounded ni pingoy sa mga mata namin dahil lang dun. sa laki ba naman ng pagmamahal namin sa kanya ay imposibleng hndi makahanap ang puso nmin ng dahilan para mapatawad siya, bigyan ng rason at intindihin. back to normal, back to same ol’ pingoy. hanggang sa nagulat na lang kami sa bagong inasal ni pinggoy kay sinister. pagkalipas ng ilang linggo after nung insidente niya dun sa batang bumili ng ice candy. Dahil dito, parang naalarma na sila papa sa nangyayari kay pinggoy..

kinabukasan, habang nakahiga pa rin ako sa pagkatulog, may narinig akong sigaw.. “kuya, kuya, si pingoy kakatayin na..” paglabas ko, nakita ko na lang na maraming kalalakihang sunog-baga sa labas ng bahay.. nakita kong tinatali na nila si pingoy at humahalinghing sa akin na parang magpapatulong.. ayokong makita at marinig ang mga pangyayari sa labas.. agad kong isinara ang kwarto upang pilit na takasan ang isang sitwasyon na kahit kelan hndi ko ninais na makita, lalo na ang mapakinggan. tinatalian na si pingoy. hndi para alagaan ng iba, kundi para tapusin na ang buhay.

tinakpan ko ang mga tenga ko para hndi marinig ang pagpupumiglas ni pingoy. kumanta ako ng bayang magiliw at nalaman kong hndi pala ito makakatulong para matakasan ang kasalukuyang pinagdadaanang hirap ni pingoy. bagkus nalaman ko lang na hndi ko na pala kabisado ang kumpletong titik ng pambansang awit. nakakahiya pero yun ang totoo.

hndi matapos tapos ang panaghoy ni pingoy. maaaring nakatakip nga ang mga tenga ko pero parang may isip ang mga panaghoy nya na pumapasok sa butas ng ilong ko, pusod, pati pores na balat para manghingi ng tulong.
pero huli na ang lahat…

hinataw si pingoy ng dos por dos sa ulo at nagsimula nang maging madilim ang lahat…para sa kanya. “wala na si pingoy..nilisan nya na ang bahay ni kuya…”

mula sa araw na toh, wala ng babati saken pag-uwi ko ng bahay.. wala nang maharot na kalaro ko.. wala nang magiting na bantay sa bahay.. wala nang magkakalat ng mga lagas na balahibo na kadalasang sumasama sa kinakain namin..

wala na si pingoy at hindi na sya babalik kahit kelan..maraming salamat sa pagsubaybay nyo sa maikli pero nakakaimpress na kwentong-buhay ng aso ko.. ang kwento nya ay hndi nman naiiba sa mga kwentong alam natin, may simula at may katapusan gustuhin man natin o hinde..maraming salamat para sa pinakabibong aso… sanay manatili sa mga puso natin ang mga ngiting dinulot nya.

W A K A S
Pingoy
January 28,2003 – November 25,2006
posted by R.A. @ 1:36 PM  
About Me

Name: R.A.
Home: Philippines
About Me: i was born to make the world a better place to live in.. im the type of person who would do anything in the name of love!!(azuz) ako din yung tipo ng tao na malambing.. haha! Kontento na ako sa buhay ko ngayon, salamat sa mga taong nagbibigay ng kulay ng aking buhay.. to my friendsters, family at sa mga kaaway ko!!! salamat sa inyo.. halos madaig ko na nga ang 4 columns na Krayola sa sobrang kulay ng buhay ko eh..at sa mga nang-iwan sakin... sorry nalang kayo dahil mas lalo akong gumwapo ngayon.. hindi niyo na ako matitikman!! wawa kayo!!at sa mga present ko...just kip on hangin with me coz im gonna show you zum luv! punta naman tayo sa mga likes ko.. MY FAVORITES foods: spag, sandwiches, tortillos na black ,chicharon, sitaw, baked macaroni & pizza. cigarettes:marlboro & peace lights perfume:polo sport, calvin klein & pureplay superheroes: SPIDERMAN & X-Men anime:GTO, fruits basket, shaman king, naruto & hunterX hunter colors:black & white, red & blue and brown pastime: texting, net browsing, daydreaming.. hahaha! beverage: c2 green tea (lemon & apple flavor), no hard drinks ako.. no softdrinks din..
See my complete profile
Previous Post
Archives
Shoutbox

I can not be complete anymore, i cant be whole anymore.. =(

Links
Powered by

Free Blogger Templates

BLOGGER