if you can't say it, BLOG it!
MALAPIT na.. Magugulat ka..   
Monday, November 12, 2007
ANG MGA ADBENTYURS NI NOGNOG (Part III of IV)
Dahil sa mga nangyaring kamalasan sa buhay ni Nognog, parang naisip na niya na siguro wala talaga at hindi totoo ang sinabi ng lola niya na kapangyarihan..

Dahil dito, habang nasa bakasyon siya sa bahay ng lola niya, naisipan niyang magsideline. Naisipan niyang maging taxi driver, hiniram niya ang taxi ng tiyo niya na kapitbahay din nila. Ang tiyo naman niya, pinaubaya sa pamangkin ang pagmamaneho.

Isang araw, habang nasa biyahe si Nognog, may nakita siyang isang matanda na nasa gilid ng daan, may hawak na basket. Dahil dito, parang nabuhayan ng loob ang binata sa kapangyarihang inaasam niya.

“siguro, eto na ang matandang nasabi at nakwento sa akin ni lola..” ang namuo sa isipan niya..

mainit ang araw na yun, at ang matanda’y parang kanina pa naghahanap ng masasakyang tricycle, walang payong..

“ah, eto na siguro, isasakay ko siya dito sa taxi, at ng makita ko kung siya nga ba ang matandang yun, baka testing niya lang to kung may tutulong nga sa kanya o mag-ooffer ng sakay, tapos baka ibigay na niya ang bote ng kapangyarihan..”

huminto si Nognog sa tapat nung matanda. At sinabing sakay na siya..

“Amang, salamat ha, kanina pa ko naghihintay ng masasakyan papuntang palengke kaso wala akong mahanap.. napakabuti ng iyoing puso..” ang sambit ng matanda.

“Ah! Wala pong anuman yun lola..” ang nasabi ni Nognog.

Habang naghihintay at nakikiramdam si Nognog ng mangyayari, napansin niya sa may salamin sa kotse na parang kamot ng kamot ang matanda. Ng pinansin niyang mabuti sa salamin, parang may sakit sa balat ang matanda.. may leprosy siya..

Biglang kinabahan si Nognog kase baka mahawaan siya nito.. kaya namuo ang isang simpleng solusyon sa kanyang isipan..ang hindi na kunin ang bayad ng matanda sa takot na baka mahawaan siya..dalawa ang punto niya, kung sakaling siya ang nagbibigay ng kapangyarihan, magiging mabuti ang tingin sa kanya ng matanda kase hindi na siya pinagbayad. Kung sakaling hindi naman siya ang matanda, at least di siya mahahawaan ng sakit..ng nasa palengke na sila..

“lola, wag na po, sa inyo na lang po ang pera..” ang pangiting sinabi ni Nognog.
“Aba naku salamat iho, talagang busilak ang kalooban mo, at dahil diyan..” ang pa-suspense na nasabi ni lola.
“at dahil dun, ano po..?!” ang excited na tanong ni Nognog..
“At dahil diyan. Bibigyan kita ng mahigpit na hug..” sabay yakap kay Nognog ng pagkahigpit-higpit..

biglang nagflashback kay Nognog ang mga nangyari sa kanya simula nung bata siya.. parang animoy mamamatay na siya at huling araw na niya sa mundo. Nangalti ang buong katawan ni Nognog..

abangan ang huling kabanata sa buhay ng bida-kontrabidang si Nognog na binalutan ng malas..
posted by R.A. @ 11:21 AM  
About Me

Name: R.A.
Home: Philippines
About Me: i was born to make the world a better place to live in.. im the type of person who would do anything in the name of love!!(azuz) ako din yung tipo ng tao na malambing.. haha! Kontento na ako sa buhay ko ngayon, salamat sa mga taong nagbibigay ng kulay ng aking buhay.. to my friendsters, family at sa mga kaaway ko!!! salamat sa inyo.. halos madaig ko na nga ang 4 columns na Krayola sa sobrang kulay ng buhay ko eh..at sa mga nang-iwan sakin... sorry nalang kayo dahil mas lalo akong gumwapo ngayon.. hindi niyo na ako matitikman!! wawa kayo!!at sa mga present ko...just kip on hangin with me coz im gonna show you zum luv! punta naman tayo sa mga likes ko.. MY FAVORITES foods: spag, sandwiches, tortillos na black ,chicharon, sitaw, baked macaroni & pizza. cigarettes:marlboro & peace lights perfume:polo sport, calvin klein & pureplay superheroes: SPIDERMAN & X-Men anime:GTO, fruits basket, shaman king, naruto & hunterX hunter colors:black & white, red & blue and brown pastime: texting, net browsing, daydreaming.. hahaha! beverage: c2 green tea (lemon & apple flavor), no hard drinks ako.. no softdrinks din..
See my complete profile
Previous Post
Archives
Shoutbox

I can not be complete anymore, i cant be whole anymore.. =(

Links
Powered by

Free Blogger Templates

BLOGGER