if you can't say it, BLOG it!
MALAPIT na.. Magugulat ka..   
Wednesday, November 21, 2007
ANG PAMBIBWISET NG MGA HATHOR..
ang mga daga na ata ang pinaka kadiri sa lahat ng mga peste sa buhay (although mahigpit nyang ka-head to head ang ipis).madumi,mabaho,isinumpa.at sa mga dagang ito magmumula na naman ang walang kakwenta kwentang adbentyurs.

hindi ko maipaliwanag kung bakit biglang naging tambayan ng mga daga ang bahay namin..cguro dahil na din sa kapabayaan namin with regards sa seguridad.. date kase nung mangilan ngilan pa lang rat couples ang nagdedate sa mga sulok ng bahay, di kase namin pinagpapapatay at inaalala.. hanggang sa cguro may isang ungas na daga ang namalita na cool na tambayan ang loob ng bahay namin... inakala nila siguro na hindi kami tutol sa pamumuhay together ng mga tao at daga..at dahil dun,nagsimula na ang mga perwisyong dulot nila sa mundo namin. Nanganganib ang aming kaharian.. nanganganib ang Lireo..

hindi na ako nakatiis sa mga pambababuy nila sa bakuran namin.isang gabi,hinamon ko silang lahat na magpakita at ako ang harapin nila.

“mga putangina nyong mga daga kayo!magsilabas kayo jan! tapusin na natin to once and for all”(nakakaintindi sila ng taglish)

bigla na lang naglabasan ang mga dyaskeng daga fully equipped ng mga plakards(Yo2ng: tuta ng kano!),mga pinamumudmud na kopya ng hello garci cds at isang malaki at napakapanget na effigy ko (siyempre, once again, cinematic itoh!).. tangna ayaw talaga nilang magpagapi sa mga mortal!dali dali akong tumakbo sa loob ng bahay upang kunin ang aking sandata (yung mas matigas na sandata) habang gigil na gigil.sa sobrang gigil ay muntik na ako magpaiskedyul sa dentista kinabukasan dahil halos magtangga durog na ang mga ngipin ko sa harap…sa wakas! at nasambot ko na ang sandatang lilipol sa mga binabakokang na mga rats! ang ARNIS!!! (na gamit ni Miguel sa Sugo).

agad akong lumabas sa Lireo na may angking kabilisan.sumakay ako sa hangin.tumayo ako sa gitna ng Lireo habang pinaliligiran ng mga nagngangalit din na mga daga.tinawag ko si Miming, ang pusang kalye na alaga ko..

nagkatinginan kming dalawa..malagkit at waring nagkakasundo ang aming mga diwa na karnehin na ang mga daga..nakita ko ang alimpuyo ng apoy sa mga mata nya.. nagbyutipul eyes naman ako..nagkindatan..(panahon na!)

“sa kapangyarihan ng sandata ko, ako ang iyong sugo, RA!”

lumutang ako sa lupa ng mga tatlong dangkal lang at umikot ikot.lumiwanag at humangin.nakita kong manghang mangha ang mga daga sa pagbabagong anyo ko habang ang ilan nman sa knila ay naghihipanan ng mga mata dahil napuwing sa alikabok.ramdam kong nanuot sa aking mga ugat ang kapangyarihan ng mga arnis. SYET!naramdaman kong naghuhumiyaw na sumanib sakin ang mga spirito nina ronald gan, lito lapid, ronnie ricketts (kasama si dinky doo at mariz) at roi vinzons(ang mga taartits na pilit na nagpapalawig at bumubuhay sa sining ng arnis sa pamamagitan ng pagsasapelikula).

nakita ko ding lumutang si Miming sa ere..nagliwanag at nagbago ng anyo.mula sa pagiging simpleng pusang kalye,ngayun ay isa na syang galit na galit na pusa!!!(meow! laki ng improvement noh?).ngayun ay handang handa na kami dahil after ng 30minutes na transformation sequence..eto na kmi ngayun..galit na!

hinabol namin ang mga daga! nagtakbuhan sila sa loob ng sako ng basura.walang awang pinaghahampas ko ang sako ng arnis at kung naroon lamang ang massacre movie director/producer na sina carlo j. caparas at donna villa,alam kong good take ung mga eksenang yun.nirapido ko talaga pero mukang nakatakas ung mga daga!narinig ko sa di kalayuan si Miming.putangina! kaylangan ko syang tulungan! pinaghahabol ko ang mga remaining daga habang winawasiwas ang tila hindi naman effective at puro good publicity lang na arnis.labu labu kaming lahat..kulang n lang mga pulis at ending credits ng pelikula.naging pisikal ang labanan..nakakahingal..nakakapanlumo..dahil nakatakas ang mga daga at pinakyuhan pa kame.bigla na lang ako napaluhod at tumangis.hindi namin naubos ang mga putanginang daga.pero pansamantala..alam kong magtatanda sila.na hindi kami papayag na sakupin nila ang rancho negro.hindi kahit kelan…

itutuloy..(ang tutuo wala na tong kasunod,para maganda lang ung ending note hehe)
posted by R.A. @ 6:41 PM  
About Me

Name: R.A.
Home: Philippines
About Me: i was born to make the world a better place to live in.. im the type of person who would do anything in the name of love!!(azuz) ako din yung tipo ng tao na malambing.. haha! Kontento na ako sa buhay ko ngayon, salamat sa mga taong nagbibigay ng kulay ng aking buhay.. to my friendsters, family at sa mga kaaway ko!!! salamat sa inyo.. halos madaig ko na nga ang 4 columns na Krayola sa sobrang kulay ng buhay ko eh..at sa mga nang-iwan sakin... sorry nalang kayo dahil mas lalo akong gumwapo ngayon.. hindi niyo na ako matitikman!! wawa kayo!!at sa mga present ko...just kip on hangin with me coz im gonna show you zum luv! punta naman tayo sa mga likes ko.. MY FAVORITES foods: spag, sandwiches, tortillos na black ,chicharon, sitaw, baked macaroni & pizza. cigarettes:marlboro & peace lights perfume:polo sport, calvin klein & pureplay superheroes: SPIDERMAN & X-Men anime:GTO, fruits basket, shaman king, naruto & hunterX hunter colors:black & white, red & blue and brown pastime: texting, net browsing, daydreaming.. hahaha! beverage: c2 green tea (lemon & apple flavor), no hard drinks ako.. no softdrinks din..
See my complete profile
Previous Post
Archives
Shoutbox

I can not be complete anymore, i cant be whole anymore.. =(

Links
Powered by

Free Blogger Templates

BLOGGER