if you can't say it, BLOG it!
MALAPIT na.. Magugulat ka..   
Tuesday, November 13, 2007
ANG HINANAKIT NI BAKEKANG (Sanaysay itoh!)
Isa siguro sa pinakamalungkot sa status sa mundo ay yung malaman mong panget ka. Pag panget ka kase, pwedeng hindi ka seryosohin, pwedeng hindi ka pakinggan, and on some worst case scenario, pwedeng hindi ka irespeto. At ang lahat ng yun ay dahil lang sa kadahilanang hindi ka attractive at hindi sinuwerteng mabigyan ng matangos na ilong, ng mapupungay at nangungusap na mga mata, makinis na balat at magandang labi. Masakit man pakinggan pero yun ang katotohanan. Pag hindi kanais-nais ang hitsura mo, bagsak ka sa universal term na PANGIT. Samantalang pag may hitsura ka, maraming variations ang pwede mong bagsakan. Pwedeng cute, charming, pogi, maganda, gwapo, malakas ang sex appeal at crush ng bayan. Pag may mga class pictures, unang napapansin sa sangkaterbang estudyante ang ulikba, bingot, luwa ang mata, dapa ang ilong, sargo ang labi, ngusong kabayo, at mga mukhang abnornal at retarded. Sila din ang madalas na gawing pang-asar o pampasaya sa mga induction of class officers at ninonominate bilang muse o escort, pinagtritripan. Bihirang isipin kung masipag ba silang estudyante at mabait na kaklase. Pag may umutot sila ang unang napagbibintangan Pag nasa field trips, sila ang front act para sa mga bagay na pinapa-try ng guide, halimbawa, ang paghaplos sa likod ng buwaya sa zoo, ang pagkain ng kakaibang exotic food, etc. sa TV at pelikula, mga panget ang kadalasang binabatukan o hinahampas ng diyaryo sa ulo, ginagawang joke, nilalagyan ng pie sa muka, pinapadamit ng basahan, tinatapid, pinapahabol sa aso and yet binabayaran ng mababa at dala dala ang titulong “extra” sa loob at labas ng trabaho nila. Sa department store, nilalampasan nung mga guard kapkapan yung mga magaganda’t guwapo lalo na kung matikas at sosyal ang hitsura, pero pag panget ka, maaabala ka ng mga twenty seconds dahil paghihinalaan kang magnanakaw o teroristang may dalang bomba, at minsan pati coin purse mo gagalugarin ng patpat nila. Kahit sa Santacruzan, wala kang makikitang sagalang panget. Bakit? Kase deprived ang mga pangit na magsuot ng mga gowns at barong, pwera na lang kung first communion nila o di kaya ikakasal o magdedebut yung isa sa mga kamag-anakan nila at sila’y naimbita, at kung minsan nga, pinaghihinalaang mga gate crashers din. Ang mga panget never naging hot commodity sa mga FLAMES at mga HOPE na yan.. Pag pangit na dalawa ang ikakasal, sinasabing Kapwa Ko Mahal Ko, pag Pangit ang isa sa ikakasal, sinasabing Pera lang ang habol.. Masaya ako na malungkot.. nakakaawa ang mga pangit at ginaganito sila ng mundong kanilang ginagalawan.. Masaya ako dahil hindi pangit ang tingin ko sa sarili ko. At pag papipiliin ako between PANGIT ANG MUKHA PERO MAGANDANG UGALI at MAGANDANG MUKHA PERO PANGIT ANG UGALI, hindi ako magdadalawang isip na piliin ang nararapat at tingin ko ay tama. Ang PANGIT NA PAG-UUGALI PERO MAGANDA ANG MUKHA.. Hehe.. Joke!!
posted by R.A. @ 1:32 PM  
About Me

Name: R.A.
Home: Philippines
About Me: i was born to make the world a better place to live in.. im the type of person who would do anything in the name of love!!(azuz) ako din yung tipo ng tao na malambing.. haha! Kontento na ako sa buhay ko ngayon, salamat sa mga taong nagbibigay ng kulay ng aking buhay.. to my friendsters, family at sa mga kaaway ko!!! salamat sa inyo.. halos madaig ko na nga ang 4 columns na Krayola sa sobrang kulay ng buhay ko eh..at sa mga nang-iwan sakin... sorry nalang kayo dahil mas lalo akong gumwapo ngayon.. hindi niyo na ako matitikman!! wawa kayo!!at sa mga present ko...just kip on hangin with me coz im gonna show you zum luv! punta naman tayo sa mga likes ko.. MY FAVORITES foods: spag, sandwiches, tortillos na black ,chicharon, sitaw, baked macaroni & pizza. cigarettes:marlboro & peace lights perfume:polo sport, calvin klein & pureplay superheroes: SPIDERMAN & X-Men anime:GTO, fruits basket, shaman king, naruto & hunterX hunter colors:black & white, red & blue and brown pastime: texting, net browsing, daydreaming.. hahaha! beverage: c2 green tea (lemon & apple flavor), no hard drinks ako.. no softdrinks din..
See my complete profile
Previous Post
Archives
Shoutbox

I can not be complete anymore, i cant be whole anymore.. =(

Links
Powered by

Free Blogger Templates

BLOGGER