if you can't say it, BLOG it!
MALAPIT na.. Magugulat ka..   
Wednesday, November 07, 2007
ANG MGA ADBENTYURS NI NOGNOG (Part I of IV)
Isang mabagyong gabi, may isang bus na medyo may kalumaan na papuntang probinsiya kung saan nakasakay si nognog. Magbabakasyon kase siya sa lola niya dun kase sembreak nila sa school. Paboritong paborito ni nognog ang lola niyang yun sa lahat kase bukod sa dun siya lumaki, siya din ang nagsislbing childhood superhero ni nognog.

Sabagay, medyo exceptional nga ang lola ni nognog, kase sa edad ngayon na 88, buhay pa siya, at wag ka (peyborit expression ng friend ko,, hehe) kaya pa niyang umakyat ng buko, magsibak ng kahoy, magbunjee jumping, rapelling, chinese garter at kung ano-ano pang kahimalaan. Oh di ba? Sinong hindi magsasabing katangi-tangi ang lola ni nognog. Sa itsura niyang kulubot na ang balat, at ang boobs na pwede ng isampay, at ang buhok na naluto sa chlorox, sinong hindi mabibigla na kaya pa niyang gawin ang mga bagay na yun.. pero maraming bulong-bulungan sa barrio nila sa sikreto ng matandang hukluban.

Sabi ng iba, mangkukulam daw ito saka may sa demonyo. Pero ang totoo, may agimat ang matanda. Ayun na din sa kwento niya kay nognog, nung bata pa ito, minsan daw kase nakasabay sya ng matandang babae sa bus na may dalang bote sa kasagsagan ng napakatinding bagyo. Inakay daw ni lola ang matanda pababa ng bus kase mukang hirap na hirap na ito. Pagkababa daw ng bus,ibinigay daw ng matanda sa kanya ang bote at agad na pinainom. Mula nun, naging malakas na ang lola ni nognog. Hindi siya tinatablan ng kahit anong sakit at nananatiling malakas kahit pa nagkakaedad ito. Yun ang matagal ng minimithi ni nognog. Ang magkaroon ng agimat ng katulad sa lola niya. Sabi ng lola niya,balang araw daw, alam niya, makikisakay ule ang matandang yun sa bus upang ibigay naman sa iba ang kakaibang kapangyarihang nakapaloob sa bote.

Biglang nagising si nognog sa pagkakatulog sa bus sa lakas ng kulog. Sobrang lakas ng bagyo. Medyo pa siya sa bahay ng lola niya. Napalingon siya sa gawing kanan niya at may napansin na matandang babae na may hawak na bote na nakatutok sa bibig nya na animo iniinom unti-unti.

Bigla siyang kinilabutan sa nasaksihan. Isang matangkad na bote na parang bote ng wine, naalala niya bigla ang kwento ng lola niyangbalang araw alam niyang ipapasa ng mahiwagang matanda ang kapangyarihang nasa bote, sabi niya “isang mabagyo at napakalamig na gabi tapos nasa bus ako? Putangina! Siya na ata yung matandang sinasabi ni lola. Ako na siguro ang magmamana ng kapangyarihan.”

Bigla napatingin sa kanya ang matandang nasa tapat niya. Biglang nagbyutipul eyes si nognog na parang nagsasabing “hello po, ako po ang susunod na recipient nyang kapangyarihan niyo.” Pero inisnab siya ng lola, taray ng lola niyo! Hehe. Hindi pa din sumuko sa pagpapapansin si nognog, ayaw niya na pakawalan ang pagkakataon. Lam niya kase na oras na para maipasa sa kanya ang kapangyarihan lalo na at napapansin niyang medyo nanginginig na sa lamig ang matanda na parang matitigok na. Tumabi bigla si nognog sa matanda at agad hinawakan na ang mahiwagang bote. Pero nanlaban ang matanda na parang ayaw sa kaniyang inigay.

Hindi na mapigil si nognog, talagang nag-agawan sila ng matanda sa bote. “lola, ako po ang susunod na magmamana niyan kaya ibigay niyo yan sa aken!!!”, sabi ni nognog. “tumigil kang bata ka!!” sigaw ng matanda. “hindi pwede, hindi ako papayag!! Akin na yan, ang paghuhumiyaw ni nognog. At nakuha nga ni nognog ang bote at agad naman niyang ininom ang punong punong bote.

“bwahaha!! Sa akin ang kapangyarihan!” ang nasabi niya sa isip niya habang nilalagok ng walang patid ang medyo maalat at buo-buong kapangyarihan. Bigla siyang hinampas ng matanda sa ulo at nabitawan ang hindi pa nauubos na kapangyarihan sa bote. “ang baboy mo walanghiyang bata ka!!! Bakit mo inagaw sa akin yang duraan ko ng plema at ininom mo pa?! Lam mo bang ang hirap maghanap ng duraan dito sa bus?! Mga wala kayong galang sa matatanda!! Pakyu kayo!”, ang sigaw ng matanda..”

abangan ang susunod na kabanata sa pakikipagsapalaran ni nognog.. (medyo mahaba kase ang kwento kaya divided by parts itoh!!)
posted by R.A. @ 2:45 PM  
About Me

Name: R.A.
Home: Philippines
About Me: i was born to make the world a better place to live in.. im the type of person who would do anything in the name of love!!(azuz) ako din yung tipo ng tao na malambing.. haha! Kontento na ako sa buhay ko ngayon, salamat sa mga taong nagbibigay ng kulay ng aking buhay.. to my friendsters, family at sa mga kaaway ko!!! salamat sa inyo.. halos madaig ko na nga ang 4 columns na Krayola sa sobrang kulay ng buhay ko eh..at sa mga nang-iwan sakin... sorry nalang kayo dahil mas lalo akong gumwapo ngayon.. hindi niyo na ako matitikman!! wawa kayo!!at sa mga present ko...just kip on hangin with me coz im gonna show you zum luv! punta naman tayo sa mga likes ko.. MY FAVORITES foods: spag, sandwiches, tortillos na black ,chicharon, sitaw, baked macaroni & pizza. cigarettes:marlboro & peace lights perfume:polo sport, calvin klein & pureplay superheroes: SPIDERMAN & X-Men anime:GTO, fruits basket, shaman king, naruto & hunterX hunter colors:black & white, red & blue and brown pastime: texting, net browsing, daydreaming.. hahaha! beverage: c2 green tea (lemon & apple flavor), no hard drinks ako.. no softdrinks din..
See my complete profile
Previous Post
Archives
Shoutbox

I can not be complete anymore, i cant be whole anymore.. =(

Links
Powered by

Free Blogger Templates

BLOGGER