if you can't say it, BLOG it!
MALAPIT na.. Magugulat ka..   
Tuesday, November 06, 2007
NGAYONG GABI NA SIGURO..
Siguro eto na ang pinakakorni kong entry..
Siguro eto na ang pinakadrama kong posting..
Siguro eto na ang pinaka-“di inaasahan” na maikukuwento ko..

Kase ngayong gabi, eto na ang pinakamalungkot kong gabi..
Kase habang sinusulat ko to, eto na ang pinakamadramang phase ng buhay ko..
Kase eto lang ang outlet ko, ditto ko lang nailalabas ang nararamdaman ko..

At sa gabing ito, maisusulat ko ang pinakamalungkot na kwento..

Dahil hanggang ngayon, siya pa rin ang iniisip ko, siya pa rin ang laman ng puso at utak ko. Oo, korni na kung korni, madrama na kung madrama. Pero, ito ang totoo. Ang katotohanang habang sinusulat ko to, masakit isipin at balikan ang nakalipas, mga pangyayaring dumaan na, at muling ilahad at sariwain. Oo, madrama ako ngayong gabi, wala kayong pakialam.. kanya-kanya to..

Ako yung tipo ng tao na nagsasarili na lamang sa mga pangyayari na di masyadong nakakapagpasaya, yung tulad ng mga dalamhati ganyan ganyan, sinosolo ko. Pero siguro sobrang hindi ko kayang solohin to, at feeling ko nga sasabog ako pag di ko nailabas ito. Oo korni ako, buti na lang may friend akong kumuha ng kursong Psychology, si Macaroni Pempeno. Aksidente kong nailabas sa kanya ang mga thoughts sa isipan ko, ang tunay na nasa loob ko. Nahiya nga ako sa kanya, dahil nagging serious actor ako sa harapan niya, kase nakilala niya ako bilang comedy actor, at alam niyang nagkamit ako ng Best Actor in a Single Role at Best Front Act in a Comedy Sequence Awards. Pero sadyang mahirap talagang ikubli ang mga nangyari, lalo na sa mismong lugar na pinupuntahan namin dati ni Happiness.

Kahapon, parang narinig ko ang boses niya, nung tingnan ko para sabihin sanang, “Hoy Kesha, miss na kita, mahal pa rin kita..”, na-realize ko, pinaglalaruan pala ako ng utak ko. Ganun kop ala siya kagrabeng namiss. Ng sobra sobra.. Sobra-sobra na kahit pati phone ko, basta tuwing tumutunog, hinihiling ko na siya sana ang nagtext sa akin, o nagpamiskol. Hindi pa rin ako makapaniwala kase sa break-up thing na nangyari sa amin. Andaling malaman kung namimiss ko talaga ang isang tao. Yung kunwari pag may nakita akong bagay, or place na related sa mga nangyari o sa kanya, parang downhearted na ako in an instant na di ko maexplain sa sarili ko.

Tama ang sabi sa akin ni Macaroni Pempeno. Kasalanan ko kase. Oo alam ko kasalanan ko, pero nagawa ko yun dahil sobrang ni-love ko talaga siya ng sobra.. pero bakit ganun.. di ko alam eh..

Oo nangyari na ang lahat, pero umaasa ako hanggang ngayon..
Walang oras na hindi ko siya naiisip. Alam kong wala na siyang dahilan o balak pa para balikan ang nakaraan namin. Pero paano ba makakalimutan ng isip ko kung ang puso ko, pilit na siya pa rin ang sinisigaw. Siyet ang korni.. pero miss ko na siya.. Happiness, please come back, come back..!!

Hanggang ngayon, feeling ko andito pa rin siya sa tabi ko, pero pag namumulat ako sa reality, alam ko wala na siya.. andaming mga bagay na nagpapaalala sa kanya. Ang Greenwich, ang bigay niyang Bench Pure Play na pabango ko, ang Dishwalla, ang book na Shattering Glass, ang mga jokes niya, ang mga kanta niya, at ang mga bagay na pinapagawa ko sa kanya. Namimiss ko na ang pagkanta niya sa akin.. lahat ng yun nakatatak pa rin sa isip ko.. paano ko matatalikuran ang mga ganung nangyari sa amin.. nakakamiss.. hindi ko man lang nalaman beforehand na mawawala siya sa akin..

Sabi ko nga, sana dinahan-dahan na lang niya.. oo aminado ako, masaya ako sa labas, pero pag kunwari ako na lang sa room ko, siyet ayoko..!! naaalala ko lamang siya, at maiiyak lang ako.. oo, iniiyakan ko siya, at totoo yun.. Sabi ko nga sa kanya nun, nung pinipilit ko pa na bumalik siya, “diba natin kayang magkunwari?”, “hindi mo ba kayang dayain?”.. “at pag unti-unti na lang nawawala ang nararamdaman natin, tsaka lang tayo kakalas..” Tinanong ko si Macaroni Pempeno, “bakit sa kanya ko lang naramdaman ang ganito?” sabi niya, “kase siguro alam mong siya na talaga ang taong alam mong forever na talaga.. kase baka minahal mo siya ng sobra.. kase baka siya na ang tingin mong perfect para sayo..” oo, tama siya. Siya na sana..

Naalala ko pati ang kanta ng Cueshe. Lahat ng mga kantang kinakanta niya, nagkaroon ng meaning sa akin. Lahat ng naririnig kong mga kanta, nabigyan ng katuturan..

Love me now, Hate Me Soon

Feel sorry now our love died young
It seems so late so tell me what have I done
Is it wrong or is it right
To let you go I know you’ll be gone out of sight
Ohh, you’re the reason why I’m here
We’re bound for our love
Made promises we’ll never part
Ohh, you’re the reason why I’m still here
All those sleepless nights I know now what I want and baby it’s you
You love me now then hate me soon
When things get rough oh why you
Blame it on the moon
Is it wrong or is it right
To let you go I know you’ll be gone out of sight
Ohh, you’re the reason why I’m here
We’re bound for our love
Made promises we’ll never part
Ohh, you’re the reason why I’m still here
All those sleepless nights I know now what I want and baby it’s you
You love me now then hate me soon
When things get rough oh why you
Blame it on the moon
Ohh, you’re the reason why I’m here
Were bound for our love
Made promises we’ll never part
Ohh, you’re the reason why I’m still here
All those sleepless nights I know now what I want and baby it’s
I know now what I want and baby it’s you
Bakit kailangan pang mangyari sa akin ito the hard way.. mahal ko talaga siya, ng sobra sobra. Ngayon ayokong makakita ng naka-uniform na nurse.. parang bumabalik kase ang lahat, ayokong pumunta sa Bench, ayokong pumunta sa mga lugar na pinuntahan naming nun, ayokong madinig ang mga kantang kinanta niya para sa akin. Ayokong balikan na muna.. pero mahal ko pa rin siya.. Akala ko ganun kadali na limutin siya.. sabi ko nung a week after what happened, “makakalimutan din kita..!!” pero bakit hanggang ngayon, andito pa rin.. walang araw na di ko siya naiisip.. lahat, ang boses niya, ang tawa niya, ang hawak niya.. siyet nalulungkot talaga ako..
Bakit andito pa rin siya sa puso ko.. kahit alam kong malabo na..

Naalala ko pa ang kinakanta niyang song, di ko alam ang title.. basta may lyrics na ganito:

“if youre not here, by my side, lalalalaa, keeps me alive.lalala.."

sabi ko sa sarili ko, kung ano ako before, ganun pa rin ako.. kahit nasaktan ako, alam ko naming ako ang may kasalanan kase.. mamahalin ko siya at kahit andito pa rin ang sakit, ayokong itapon muna ang mga memories at..
abangan ang part 2 nito.. hindi ko kinaya.. wala ako sa mood magsulat..

(entry from yo2ng.blogspot.com; as of 09/08/06)
posted by R.A. @ 7:23 PM  
About Me

Name: R.A.
Home: Philippines
About Me: i was born to make the world a better place to live in.. im the type of person who would do anything in the name of love!!(azuz) ako din yung tipo ng tao na malambing.. haha! Kontento na ako sa buhay ko ngayon, salamat sa mga taong nagbibigay ng kulay ng aking buhay.. to my friendsters, family at sa mga kaaway ko!!! salamat sa inyo.. halos madaig ko na nga ang 4 columns na Krayola sa sobrang kulay ng buhay ko eh..at sa mga nang-iwan sakin... sorry nalang kayo dahil mas lalo akong gumwapo ngayon.. hindi niyo na ako matitikman!! wawa kayo!!at sa mga present ko...just kip on hangin with me coz im gonna show you zum luv! punta naman tayo sa mga likes ko.. MY FAVORITES foods: spag, sandwiches, tortillos na black ,chicharon, sitaw, baked macaroni & pizza. cigarettes:marlboro & peace lights perfume:polo sport, calvin klein & pureplay superheroes: SPIDERMAN & X-Men anime:GTO, fruits basket, shaman king, naruto & hunterX hunter colors:black & white, red & blue and brown pastime: texting, net browsing, daydreaming.. hahaha! beverage: c2 green tea (lemon & apple flavor), no hard drinks ako.. no softdrinks din..
See my complete profile
Previous Post
Archives
Shoutbox

I can not be complete anymore, i cant be whole anymore.. =(

Links
Powered by

Free Blogger Templates

BLOGGER