if you can't say it, BLOG it!
MALAPIT na.. Magugulat ka..   
Tuesday, November 06, 2007
JANKA NGETPA..
si janka ang asawa ng ka'apartment kong seaman na si negro.sa mga hindi nakakakilala sa kanya, sya ang pinakamatagal na nagreyna at humawak ng titulong “ultimate kontrabida” ng buhay ko at sa buong apartment.bilugan, may pagkasalaula sa katawan, alsado ang 2 front teeth, bungangera, pirming jinajabar at dyslexic(susyal!).matagal ding nanalasa ang kanyang kasamaan ngunit gaya ng isang bagyo,humupa ito at niyakap ang tawag ng kapayapaan(hallelujiah!).higit sa lahat…

buntis sya..

matapos ang tatlong taon daw ay nagbungang muli ang pagmamahalan(kasuka) ng nila ni negro. ang totoo,hindi nila pinlano na magkaroon na panibagong anak.nadisgrasya lang talaga sa walang habas na banatan nila everytime na bababa ung isa sa barko.

naging madugo ang pinagdaanan ni janka sa pagbubuntis nyang ito dahil first time ito na wala ang kanyang asawa sa panahon ng kanyang pagdadalang-tao.nung una nga ayaw pa naming maniwala na buntis sya kase muka naman talaga syang buntis kahit sa ordinaryong araw lang.nung napansin namin ng mga kasama ko sa apartment na parang papel de liha sa itim at gaspang ung kilikili ni janka, nagkatinginan na lang kami at nag-apir.yun na yun!

November 3, 2007 – Labor Day

sumapit na ang takdang araw.nagluwal na nang malusog na baby boy ang hipag ko.at dahil wala pa syang pangalan ay tawagin na lang muna natin ang baby bilang XY(eks-way) since yan naman ang chromosome ng isang lalake(syensya ito!).

bagamat malusog ay hindi naging maganda ang dating samin ng balita tungkol sa sanggol na niluwal ni janka. nasa masamang kondisyon daw ang baby. hindi namin alam kung bakit pero hindi na din kami nagtaka dahil parang sumpa na ni janka ang panganganak.

hindi agad nailabas ang ulo nung bata kase parang may timer ang pekpek ni janka daw na kusang nagsasara.sensitive daw sa gwantes ng doctor(specific?).parang elevator lang minus the “tung-dung!” sound o warning na sasara na sya.kaya ang ending, naiwan ang ulo ni tidus sa loob ng pwerta ng nanay nya at kinapos sa oxygen.isang linggo ding na-ICU ang bata nun at inisip namin na hindi makakasurvive o kung makaligtas man, baka naapektuhan na ang utak.awa na dyos, normal naman syang lumaki(infairness cute pa).

hindi ko napigilang madurog ang puso ko pagharap sakin ni janka.kalong kalong nya si XY.nanginig ang mga luha ko at gusto kong manlumo sa aking kinatatayuan.hindi ko nakayanan ang kalunos lunos na itsura ng sanggol na nakatambad sa aking harapan…

may hydrocephalus pala ang bata.napakalaki ng ulo nya na akala ko pugitang iniahon sa kalaliman ng karagatan.animo punong puno ng tubig ang kanyang bumbunan.napakalaki na wari'y napakalambot at sensitibo.sa sobrang laki ng ulo nya ay hindi ko na halos makita ang kanyang mukha.aaminin ko na nung mga oras na yun,gusto kong magwala sa buong ward.nung mga puntong yun ay napatunayan kong totoo pala ung mga napapanuod ko sa mga drama sa tv na masidhing pagbuhos ng emosyon na kulang na lang pati ang diyos ay kwestyunin mo sa mga sitwasyong binibigay nya sayo. walang kamuwang muwang ang sanggol para pagbayaran nya ang mga pagkukulang ng kanyang mga magulang…ang gusto nya lang naman ay mabuhay ng normal..

mahirap man,pero pinigilan ko ang aking damdamin.kahit nakakapanlumo ay inusisa ko ang mukha ng aking bagong pamangkin.kahit san ko tignan syang anggulo,isang malaking laman lang ang nakikita ko na wala halos pagsidlan ng muka. puro bumbunan…sinundan ng malapad na noo…at mangutim ngutim at namamagang utong…

utong?!

AY PUTANGINANG YAN!!!

suso pala ng hipag ko ung kanina ko pa tinitignan at hindi ung ulo ng pamangkin ko!
sa sobrang laki eh natabunan na ung muka nung bata! kala ko pa naman may hydrocephalus na si XY.putanginang yan,ang laki naman kase ng suso ni janka.GASONGGAS! peste! todo emote na ako eh.

matapos kong mahimasmasan sa susong may hydrocephalus ay saka ko na napagmasdan ng totohanan ang baby.ang cute cute nya.ang laki ng mga mata,parang nognog at sargo ang ilong.yung lagay na yun,nakuha ko pang sabihing cute?pero un naman talaga ang totoo,lahat ng baby ay cute at mabango na kahit sablay sablay pa ang mga parte ng muka nila.collectively ay cute pa din ang kalalabasan.

Xyrus Ichigo talaga ang unang pangalan para sa kanya.

xyrus – para katunog ng kuya nyang si Tidus
ichigo – naman dahil…wala lang trip trip lang.nakuha sa anime na Bleach

kaso nagreact ang ama na nasa gitna ng laot nung malaman nya ang ipapangalan sa magiging anak nya.tumawag sya at nagparamdam ng matinding pagtutol sa pangalan.sa halos sampung minutong pag-uusap ay puro “Tsk” lang ang narinig ko at bahagyang pag-iling(na syempre hindi ko narinig).ayaw nya daw nung pangalan…pangit daw
posted by R.A. @ 9:40 AM  
About Me

Name: R.A.
Home: Philippines
About Me: i was born to make the world a better place to live in.. im the type of person who would do anything in the name of love!!(azuz) ako din yung tipo ng tao na malambing.. haha! Kontento na ako sa buhay ko ngayon, salamat sa mga taong nagbibigay ng kulay ng aking buhay.. to my friendsters, family at sa mga kaaway ko!!! salamat sa inyo.. halos madaig ko na nga ang 4 columns na Krayola sa sobrang kulay ng buhay ko eh..at sa mga nang-iwan sakin... sorry nalang kayo dahil mas lalo akong gumwapo ngayon.. hindi niyo na ako matitikman!! wawa kayo!!at sa mga present ko...just kip on hangin with me coz im gonna show you zum luv! punta naman tayo sa mga likes ko.. MY FAVORITES foods: spag, sandwiches, tortillos na black ,chicharon, sitaw, baked macaroni & pizza. cigarettes:marlboro & peace lights perfume:polo sport, calvin klein & pureplay superheroes: SPIDERMAN & X-Men anime:GTO, fruits basket, shaman king, naruto & hunterX hunter colors:black & white, red & blue and brown pastime: texting, net browsing, daydreaming.. hahaha! beverage: c2 green tea (lemon & apple flavor), no hard drinks ako.. no softdrinks din..
See my complete profile
Previous Post
Archives
Shoutbox

I can not be complete anymore, i cant be whole anymore.. =(

Links
Powered by

Free Blogger Templates

BLOGGER