Dahil sa nangyari kay nognog, natulala ang binata. Hindi niya sukat akalain na duraan pala ng plema ang inaakala niyang kapangyarihang napapaloob sa bote. Nandiri siya sa ginawa niya. Tumila ang ulan, ang kulog, ang kidlat. Ang naiwan lang kay nognog, ang pangangati ng kanyang lalamunan. “siyet, akala ko pa naman, yun na ang kapangyarihang hinihintay ko, malas talaga oh..” ang nasambit niya sa sarili niya. Habang tinatahan niya ang kanyang sarili sa nangyari, umiisip siya ng paraan para matanggal ang yuckiness at pangangati sa lalamunan niya.
Pagkababa ng bus, dumiretso siya sa terminal papasok sa barrio ng kanyang lola. “siguradong hinihintay na ako ni lola ngayon” ang sabi niya. Pero hindi pa rin matanggal sa isip niya ang nangyari sa kanya sa loob ng bus. Nasusuka siya na nandidiri. Dali-dali siyang naghanap ng paraan para matanggal ang pakiramdam na yun.
Dahil sa pagod, napaupo siya sa isang bench sa ilalim ng puno. Bigla siyang nakakita ng luya sa may supot.. “ayos ito, luya, magaling sa lalamunan ito, kase alam kong ginagamit itong santgkap sa salabat.” Ang nasambit niya. Biglang nginuya ang luya na natagpuan niya sa bench.
Naging maige ang pakiramdam niya, nawala ang pangangati at lansa na naramdaman niya.. “haaay, buti na lang may luya rito..” Pauwi na sana siya ng may mapansin siyang matandang parang pulubi na pabalik-balik sa lokasyon ng kinauupuan niya. Nakita niyang may hawak na bote ang matanda, gusgusin at maraming mga sugat sugat sa katawan..
“siguro eto na ang pagkakataong hinihintay ko, siguro eto na ang matandang sinasabi ni lola na magbibigay ng kapangyarihan sa akin gaya niya..” ang nasabi niya sa isip niya..
Kinindatan ni nognog ang matanda, nagtwinkle ang mata niya na wari’y nagsasabing, “lola bigay niyo na ang boteng yan, ako ang recipient ng kapangyarihan niyo..” nilapitan ni nognog ang matanda at tinanong kung bakit pabalik-balik siya at parang balisang-balisa..
“lola, may maitutulong ba ako sa iyo..” ang nasambit ni nognog, na pansing diring-diri siya sa kalagayan ng matanda, na bukod sa mga nagnananang sugat e puno pa ng bukol ang ulo at duguan ang suot at nag-aamoy malansa na di maipaliwanag..
“amang, kase akala ko di pa ako ulyanin, pinuno ko lang ng tubig tong bote ko sa poso at ang pagkakaalam ko, dito ko nilagay ang luya na pinantapal ko dito sa sugat ko..”, ang sabi ng matanda sabay turo sa inupuan ni nognog na bench..
itutuloy ang kwento sa ikatlong kabanata..
|