if you can't say it, BLOG it!
MALAPIT na.. Magugulat ka..   
Saturday, November 10, 2007
OBER DA BAKOD.. (Liga ng mga Krung-krung)
Akala niyo siguro eksklusib lang to sa kapamilya ko?! Para din ito sa mga kaibigan kong mas makulay pa sa rainbow ang pamilya nila.. Hehe. Siguro, mapagkakamalan silang mga adamyan kase anliliit nila, pero wag ka, di sa liit nakukuha kase, madami silang anak.. may anak sila sa abroad, may anak sila na palengkera ganyan-ganyan.. basta kaleidoscopic ang life nila.. madami ang populasyon nila sa mala-compound na space nila. May 1st degree cousins, 2nd degree hanggang 4th degree, magkakabatch ang mga magpipinsan.. hehe.. tinatamad gumawa ng mga bata ang drama nila!!..

si “gurnak” ang pinakaweird sa kanila, siya ang pinakamatandang kapatid ng friend ko. Kung baga sa classroom, siya yung binubully na type ng student, at kung halimbawa naging kaklase ko siya, malamang nalagyan ko na ng bote o hollow blocks ang bag niya. Madami siyang mga anak at ang lahat ng iyon ay inaasa niya sa Diyos. Medyo loser daw siya at mahirap makasundo. Special talent niya ang manghilot ng mga buntis, nabinat, may stiff neck, mga nabaliaan, nakagat ang dila at naghihina ang mga pananampalataya. Mahilig din siyang makitikim ng ulam ng kapitbahay nila kahit di siya iniinvite.

Sumunod sa kanila ay ang kapatid nilang tomboy..bakit tomboy?! Kase malamang hindi siya bakla..yun lang yun.. kaya siya naging tomboy daw kase dahil na din siguro wala pa silang kapatid na lalake nun. Isa siyang kasapi dun sa mga lahi ng mga tomboy na magkakamuka. Mataba, malaki dodo, nagsasando habang nakapolo at may balahibo sa kilekile. Eto ang isa sa pinakamalupet na nag-alaga sa kaibigan ko nung bata pa daw siya. Astang lalake daw kase. Sabi nung friend ko, hindi niya makakalimutan ang mga pangyayari nung nagwala itong kapatid niyang tomboy. Yung sumunod kaseng kapatid nilang babae eh medyo may aning-aning. Naghalungkat daw siya ng lumang picture nitong tomboy nilang kapatid na nakaevening gown habang nagsasagala dati. Ipinaskil daw niya to sa platera at tinatawanan daw hanggang matuyuan ng lalamunan at manikip ang dibdib. Bigla daw dumating itong si tomboy na kasama ang bebot niyang syota syotaan, nakita daw nilang dalawa yung mga picture niya nung pinamumukulan pa lang siya at presto!! Nagwala ang kapatid nilang tomboy at akalain mong si sonny parsons ang acting.. hindi siguro niya matanggap na puro ruffles ang gown niya nun, hehe..

Kasunod nga ang kapatid nilang aanga-anga na may aning-aning sa utak, ang equally praning na si “kikay”. Ang kapatid nilang walang lovelife. Sawi-sawian din ang drama nito sa buhay. Nasaksihan ko ang isa sa mga shining moments ng kapatid ng friend ko na ito mismo sa dalawang mata ko.. hindi ko kinaya ang moment niya, its her time to shine nga talaga non.. hehe (star in a million ba itoh!!) nung namatay kase yung lola nila, bigla itong umuwi ng humahangos sa bahay nila at hinawi lahat ng poon at rebulto sa altar at nagwikang: “Lahat kayo, hindi totoo!!!”” di ba pang-awards ang dating, pang FAMAS itoh, hehe. Hagulgol to the max at tinalo ang akting ni juday. Ewan ko kung matatawa ba ako nun o hinde, sobrang OA.. hehe.. at eto pa, malas kase ito sa lovelife, e may nanligaw sa kanyang hot papa daw sa factory na pinagwoworkan niya, at naging sila daw kase di niya pinalampas ang pagkakataon, sinagot agad, at yun nga, nagkaron ng lovelife. Eh bigla daw niyang nalaman na may asawa na pala yung kumag. Kaya sinugod daw ng tunay na syota ni hot papa si “kikay” sa apartment niya at hinampas siya sa ulo ng lata ng 555 sardines. Ayun, tinahi daw ang ulo at dahil dun, hiniwalayan niya si hot papa. Kaso tong hot papa na toh e ayaw papigil, kaya ang nasabi daw ni “kikay”, “we have the right love at the wrong time, I know we’ll meet again someday, I love you goodbye..” tang-ina, kantang-kanta ang dating.. nakakatawa..

Yung mga iba niyang kapatid hindi ko kilala kaya wala ako masyadong kwento. Yung kuya niya na nagkatulo at uminom ng coke na may halong tide ultra. Yun lang.. tapos yung isa din niyang kapatid na babae na medyo may trauma sa mga teachers kaya ayun nagpabuntis na lang para hindi na mag-aral.. yung mga iba di ko na kilala..!!
posted by R.A. @ 2:53 PM  
About Me

Name: R.A.
Home: Philippines
About Me: i was born to make the world a better place to live in.. im the type of person who would do anything in the name of love!!(azuz) ako din yung tipo ng tao na malambing.. haha! Kontento na ako sa buhay ko ngayon, salamat sa mga taong nagbibigay ng kulay ng aking buhay.. to my friendsters, family at sa mga kaaway ko!!! salamat sa inyo.. halos madaig ko na nga ang 4 columns na Krayola sa sobrang kulay ng buhay ko eh..at sa mga nang-iwan sakin... sorry nalang kayo dahil mas lalo akong gumwapo ngayon.. hindi niyo na ako matitikman!! wawa kayo!!at sa mga present ko...just kip on hangin with me coz im gonna show you zum luv! punta naman tayo sa mga likes ko.. MY FAVORITES foods: spag, sandwiches, tortillos na black ,chicharon, sitaw, baked macaroni & pizza. cigarettes:marlboro & peace lights perfume:polo sport, calvin klein & pureplay superheroes: SPIDERMAN & X-Men anime:GTO, fruits basket, shaman king, naruto & hunterX hunter colors:black & white, red & blue and brown pastime: texting, net browsing, daydreaming.. hahaha! beverage: c2 green tea (lemon & apple flavor), no hard drinks ako.. no softdrinks din..
See my complete profile
Previous Post
Archives
Shoutbox

I can not be complete anymore, i cant be whole anymore.. =(

Links
Powered by

Free Blogger Templates

BLOGGER