if you can't say it, BLOG it!
MALAPIT na.. Magugulat ka..   
Monday, October 29, 2007
SI SODIUM CHLORIDE..
hindi ako nahirapang hanapin sya sa PM.. at nung nakita ko sya,agad akong tumambad sa harap nya ng hubad..hubad sa anumang bahid ng kawalangyaan.tangna mukang pangseminaryo kase ang packaging nya..pwede syang humaliling host kay pat patterson ng the 700 club.halus mapaluhod nga ako sa harap nya at pagsisihan ang lahat ng mga naging kasalanan at kabuktutan ko dito sa lupa.busilak ang kanyang puso at halos pwede na ding gawing tahanan ng espirito santo at san miguel glee club..ibang-iba na si Sodium Chloride..kung dati maharot siya gaya ko, ngayon, kulang na lang ng Halo ang ulo niya..

enjoy kausap si sodium Chloride, ok kasama kase kahit di na siya maharot, makwento pa rin..buong duration halos ng pagkikita namin, nakasalampak lang kami sa isang hagdan.. kwentuhan lang tungkol sa mga simpleng bagay sa buhay gaya ng paggawa ng atomic bomb at espasol, pagpapaanak ng butanding at dugong, tamang paraan ng pag aayos ng mga pigurin sa iskaparate, pagluluto ng dyobos at almirol, pano magsex ang mga bulag at pagpapaletada sa mga nitso ng pulido..

pakiramdam ko din bumalik ako bigla ng grade 2 kase naalala ko kay sodium chloride ung alamat kung bakit maalat ang dagat.. kala ko sya ung higante sa kwento na kinagat ng mga langgam ung mga paa nya na nagtutulay dun sa mga tao patungo dun sa island ng asin.. puro asin kase yung damit nya dahil dun sa ilang gallon nyang pawis na natuyo na nakuha nya sa pabalik balik na pagbababad sa araw,. malakad lang ung mga papeles nya.. sayang nga lang kse wala akong hawak na binatog kase sarap sanang kainin nun habang katabi si sodium chloride.. unlimited ang supply ng iodized salt hehehe.

natapos ang araw namin ng masaya.. sayang nga lang kase after naming magkita nung araw na yun, babalik na din agad sya ng planetang marte.. nanghihinayang ako kase hindi nya man lang nameet ung pinagpapantasyahan nya gabi gabi sa banyo..
posted by R.A. @ 8:42 PM  
Sunday, October 28, 2007
EVEN FAIRY TALES ARE NOT GOOD ENOUGH.. (Dramaserye itoh!)
Bakit ba pag nakamove-on na tayo, tsaka lang nagbubutt-in ang mga consequences ng mga nagawa natin, kumbaga sa earthquake, aftershocks.. mahirap pala pag pilit mong babalewalain ang mga bagay at pipiliting iwaksi sa pag-iisip. Parang kumain ka na rin ng itlog na di nabalatan.. ang hirap pa nito, kung kelan okey ka na, saka magsusulputan pa ang mga bagay na ikakasama ng araw mo.. magulo di ba?!

Pero eto lang yun, alam ko wala na siyang balak na balikan ang nakaraan namin, na kahit friendship ay hindi na niya maaaring iofer sa akin.. dati talaga, pinangarap kong ako ang prince charming sa fairy tale niya, pero siguro di lang talaga ako ang happy ending sa buhay niya.. Sabi ng friend ko, ang fairy tale laging happy ending na kung tingin ko nag-end na at sad ang ending o conclusion, di pa talaga yun ang totoong ending, may chapter 2 pa. pero sa kaso ko, sa kaso namin, even fairy tales are not good enough..

Sabi niya, “bat mo naman nasabing kahit fairy tales eh may sad ending din?” Sabi ko, bakit naman hindi ako maniniwalang may sad ending din ang mga fairy tales, e kami mismo, naranasan naming magkaroon ng sad ending. Sabi nga dun sa kanta ni Avril na rakrakan girl, “you were everything, everything that I wanted, we were meant to, be supposed to be but we lost it, all of the memories blah blah just fade away, all this time we were pretending, so much for my happy ending..” Siguro nung sinusulat niya tong kantang to, dumadaan din siya sa road na dinaraanan ko nun..

Sabi nung friend ko, “ano ba kase ang fairy tale story niyo?” Sinabi ko, ganito..

“isang araw habang papunta ako sa kaharian nila, sakay ng kabayo ko at hawak ang mga kumpol ng mapupulang rosas, nakita ko siyang nakabitin sa isang bangin, sumisigaw at humuhingi ng tulong. Dali-dali kong pintakbo ang sinasakyan kong kabayo para tulungan ang pinakakmamahal kong prinsesa. Inabot ko ang kamay niya, at sinabing kumapit siya. Nagulat ako nung pagtingin ko sa baba, naandun din ang isang prinsipe na nag-aalok ng tulong sa prinsesa ko. Sinabi kong kumapit siya sa pagkakahawak sa kamay ko. Akala ko sa akin na siya, pero nabigla ako ng hinayaan niya ang pagkakakapit niya sa kamay ko, at nagpahulog siya sa bangin at sinalo ng prinsipe na nasa baba. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa pangyayaring yun, inihulog ko ang mga rosas sa baba, sumakay sa kabayo, at umalis na lang ng kusa..”

“Hindi pa yun yung ending nun, meron pa.. sana hinintay mo..” ang sabi ng friend ko.
“Sa tingin mo magkakaroon pa ng happy ending ang story na yun? kung ikaw ang gagawa ng ikalawang chapter niya, paano mo gagawing happy ending yun, kung mismong naging happy ending na ng prinsesa ko at nung isang prinsipe, siguro hindi yun ang fairy tale story ko, fairy tale story nila yung dalawa” ang nasambit ko.

posted by R.A. @ 8:02 PM  
Friday, October 05, 2007
Bakit May Bahaghari: Ang Buhay Ko (Season II)
Part III: Ang Kasunod (Seryoso itoh!)

medyo pag ikukuwento ko pa lahat, baka maubusan ang blogspot ng memory, hehe. Kaya napagdesisyunan ko, mga significant events na lang ang ieemphasize ko..

nung first year ko sa HS, naging hindi madali sa akin ang lahat. Andiyan yung parang hindi ka komportable sa mga tap sa paligid mo, yung naiinggit ka kase yung katabi mo kumpleto lahat ang gamit. Yung art kit nila may mga pastel, 10 layers ng crayola, kulang na lang canvass.. hehe.. tapos andiyan yung feeling mo ikaw ang ginagawang topic ng katatawanan..

pero nung kalaunan, naging medyo medyo malapit na rin ako sa mga mangilan-ilang klasmeyts ko.. ako ang ginawang clown at bunso ng mga klasmeyts ko, feeling ko nga un ako si Imaw, dun sa Encantadia, sobrang siguro 4’11” lang height ko nun.. kaya siguro parang sa tingin nila sa akin nun, not existing.. hehe..

guidance counselor namin nun ang tita ko. Hindi ko makalimutan yung time na may nakaaway ako, babae..klasmeyt ko. Eh siyempre sa liit ko nun, tapos anlaki nun tas parang brusko ang dating..patay ako.. hindi ko na kase maalala kung ano ba yung pinag-awayan namin nun. Tapos after ako, next namang kinaaway nitong klasmeyt kong babae na to e si Alwoks Pindo. Eh siguro dala lang ng kabataan (wow ha!) ang mga pangyayaring ganito.. hehe.. pero sa ngayon, super friends na kami ni Carmencita..

nung 2nd year ako, di ko makakalimutan ang pinaggagawa sa amin ng bading na teacher namin sa livelihood economics.. ginawa kaming mga basurero sa payatas at ginawang gardeners at pinakuha ng mga anu-anong bagay.. gagong yun, ngayon ko lang narealize, ginawa kaming uto-uto nun. Wala akong natutunan sa kanya na naiaaply ko sa buhay ko ngayon..

nung 3rd year ako, siguro dito na ang turning point ng career ko (nakanaman siyet!) kase siguro dito ang umpisa ng closeness ng class namin nun. Dito nagsimula ang mga terms na “youre so annoying!”, “okey ka lang?” at kung ano ano pang pinapauso ng grupong Boobsie Boombastic Embutido Gang, ang mala-SPICE GIRLS na grupo sa class namin nun. Naging Class Vice-President namin ay isang weirdong nakakatuwang friend ko, si Gaylong.. marami akong natutunan kay Gaylong na malaswa at mga bagay na tungkol sa totoong buhay.. ang pagbasa ng Playboy magazine, ang pagsasagawa ng mga bagay na ikakasaya ko, ang mga kwento sa tiktik at bulgar.. at mga bagay na kaharutan at ka-epalan.. siya ang naging mentor ko.

Nung 4th year ako, dito ko naramdaman na kami ay iisa.. dito nagsimula ang mga adventures, at sinasabi ko, kulang ang space na to para I-lay down ko lahat sila isa-isa.. Nasaksihan ko rin ang pag-aaway ng klase ng dahil lang sa away ng dalawang mag-friends. Ang away ng dalawa, naging away ng buong klase. Nagkampikampihan at naging dahilan ng pagkawatak at paghahati ng klase sa dalawa. Ang pagaarumentado ng dahil sa tinapa. Mga maliliit na bagay na napalaki ng mga sitwasyon.

Pero ang lahat ng mga ito ay naging pansamantala. Sa kabila ng mga pangyayari, ito ang naging dahilan upang maging mas-close pa kami sa isat-isa.. pinagtibay ng panahon, pinagbigkis ng mga pangyayari. Kami ang mga Newtonians, ngayon, bukas, at magpakailanman (mel tiangco itoh!)

Coming Soon..Bakit May Bahaghari: Ang Buhay Ko (Season III)
College years na itoh!!!

posted by R.A. @ 9:09 PM  
Thursday, October 04, 2007
Bakit May Bahaghari: Ang Buhay Ko (Season II)
Part II: Ang Simula
(this blog entry is merely exaggerations of what happened to me, but is based on true facts)

Nung simulan na ang reshuffle ng mga students na nakapasa sa entrance ng SSC (before kase nalaman ang mga nakapasa, na-assign pa kami sa iba’t ibang sections. Pero lucky ako napunta agad ako sa unang section ng SSC..) Nabigla ako sa mga naging classmates ko.. may mukhang nerd, may mukhang nakangiti na walang dahilan, may mukhang kuto, may mukhang warfreak, mukhang intsik, english-speaking, may parang kulang sa dugo, May payatot, may mataba.. name it, meron lahat.. parang contestants kami sa big brother. hindi magkakakilala..

Ako yung tipo ng tao na hindi nag-uumpisa ng kwentuhan.. ako yung palaging naghihintay. sa totoo lang kase, mahiyain ako sa mga taong di ko pa kapalagayan ng loob, pero once kilala ko na sila, guluhan na ng buhay ang acting ko. Hehe.

RA: hey there seatmate, ano name mo..
Student1: hey seatmate, im elyjohn.
RA: im blah blah!.
Student2: hey im alwoks pindo!
RA: huwat! Tinatanong ba kita?!
Student2(Awin): hinde, pakialam mo..
RA: aba matapang ang kumag, wag mo kong kakalabanin, HINDI KITA TATANTANAN!
Awin: o talaga?! WISH KO LANG (maimagine niyo kaya si Alwin na sinasabi to, hehe)
RA: talaga..wow, hanep ka sa dating utoy..
Awin: don’t talk to me, i hate you (isnabero ang dating..hehe)

Yun lang ang naalala ko eh.. hehe..
Coming.. Bakit May Bahaghari: Ang Buhay Ko (Season II Part III)
posted by R.A. @ 9:08 PM  
Bakit May Bahaghari: Ang Buhay Ko (Season II)
Part 1: Ang Pagtutuos
(this blog entry is merely exaggerations of what happened to me, but is based on true facts)

pagkagraduweyt ko sa isang private school, naghanap ako ng school, ng bagong environment, napadpad ang mga paa ko sa isang institusyon na bad ang reputasyon, barilan, suntukan, batuhan, at mga krung-krung. Tingin ko nun, pano ako mag-aaral dito, hindi kaya culture shock na naman ako?! May nakita akong isang tambay sa tapat ng school. Weird. Brown ang mahabang kulot-kulot na buhok na animo’y dinaanan ng bagyo, may hithit na sigarilyo, red eyes, in short.. mala-adik ang dating..

RA: hey there bro, are you a student here?!
Weirdo: yes, I coming from san vicente. Im accompanying my brother in applying here within..
RA: talaga, what year na ba siya?
Weirdo: first year. I look to my classmates inside but I don’t see them inside of the buildings so I go RA: im entering the dragon pa lang, first year. Sige batse na ko. Ask ako sa teacher in charging.. (nahawa ako sa english niya)

Malaki ang pagkakaiba ng environment sa school na pinasukan ko. Kakaiba ang dating. Pumasok ako sa main building upang mag-inquire kung ano ang kelangan para makapasok sa high school nila.

RA: hey teacher, ano ba ang kelangan upang makapasok ako here sa school niyo. I came sa school na ito (sabay pakita ng school card) Kelangan ba akong mag-entrance test pa?!
Teacher: hey you student, what curriculum ba ang gusto mo?
RA: Huwat?! Huwat curriculum?!
Teacher: Its like this, here in this school, there is three curriculum of the studying. The first is NSEC, which is the regular, the SSC, which is the science classes, and OSA, out of school..
RA: o sya cge teacher, SSC na lang me. Alangan namang OSA ako. Never!
Teacher: Okey fine, you pay the registration for your examination and you falling in line there to get the requirements. Okey?!

Pumila ako sa napakahabang pila. Sa wakas, after siguro mga 3 hours of waiting, nakuha ko rin ang mga requirements. After passing all the requirements para sa examination, nakuha ko na ang schedule ng examination ko..

Here comes the day. Andaming kukuha ng test. Feeling ko naman nun, kayang kaya ko..
Alphabetically arranged. Sa unahan ako na row.. Nabigla ako ng..

Unknown: Hi friendship! (as in parang close kame)
RA: Haller. Hu u?! (text ba ito)
Unknown: You ha, unknowing me already. Gradweiting is one month passing. You have many lapis.. can I borrow your tahar?! (di mapakali)
RA: Ha?! No, im not kidding, sino ka ba?! Bat ba galaw ka ng galaw?
Unknown: Im the schoolmate of yours in the private schooling, im in the second section of the grade six, the one who holds the flower in the graduation program..
RA: ah ikaw ba yun, magtetest ka din sa SSC curiculum?! Baket?
Unknown: OO, ako si Maricris. Remembering me na.. at bakit ikaw lang ba ang may karapatan to testing here?!

Ayun, si Maricris pala ang unknown, iba na kase ang buhok niya nun. Tsaka feeling close kase, e hindi naman talaga akmi close nun. Ayan na ang test. Nagsimula na.. nahirapan ako sa mga binigay na questions. Pagkatapos ng test..

Maricris: Hey there kamusta ang test?!
RA: Hirap eh. Ikaw!
Maricris: Hay naku, saluyot friendship!
RA: Aba, humble ang dating!
Maricris: E totoo naman eh. Yan kase, minamaliit mo ako, porke nasa star section ka dati. Buti nga nahirapan ka, iyan ng nararapat sa iyo.. pashneya ka! ISA KANG ANGHEL NA WALANG LANGIT! In short, nagbabalat kayong anghel.. demonyo!!
RA: Ah talaga, kung ganun?! Ang sakit mong magsalita. At least naturingan akong anghel, e ikaw, isang SUGO ng karimlan at kasamaan. Gusto mo bang umuwi na lawit ang dila?!
Maricris: Hinding hindi mo yan magagawa dahil KASANGGA KO ANG LANGIT..
RA: magagawa ko yan dahil BUKAS, LULUHOD ANG MGA TALA..
Maricris: Wala ka ng magagawa, MUNDO MAN AY MAGUNAW..
RA: pwes isa lang ang masasabi ko sa iyo, magkikita tayo sa finals. Humanda ka, at maghaharap din tayo.. MAALA-ALA MO KAYA yang mga pinagsasabi mo balang araw?
Maricris: Matatandaan ko yan, MAGPAKAILANMAN..

At nung irelease na ang result, nalaman ko, nakapasa ako sa examination. Yehey! Masaya ako, yung not-so-humble na not-so-close friend ko, hinde.. Mula nun, di ko na nakita kahit anino niya kase sa regular section na siguro siya o kaya baka nagtransfer na ule..

Coming.. Bakit May Bahaghari: Ang Buhay Ko (Season II Part II)
posted by R.A. @ 5:06 PM  
Wednesday, October 03, 2007
Bakit May Bahaghari: Ang Buhay Ko (Season I)

(this blog entry is merely exaggerations of what happened to me, but is based on true facts)

“Noong bata pa ako, tinuruan ako ng lolo ng tango. Ang mama ko tinuruan ako ng pasadoble at rumba. Pinagsama-sama ko kaya ako ngayo’y bobo. Kaya ang tawag nila sa akin, Toto’y Bobo..”
Teacher: ‘yan kase, panay sayaw ang inaatupag..
Totoy Bobo: naman!

Noong bata ako, nag grade1 ako sa public school. Masaya ang public school. Walang worry sa assignments. Seven lang kaming magkaklasmeyts before. Walang masyadong inaalala. Yung school namin before, parang community school lang. Mga total population ng lahat ng grade level eh siguro umaabot ng 50+ ganyan..(cheap talaga siya) hindi uso nun ang kinder, ang casa, ang nursery.. wala lang siya, grade 1 na talaga.. first day of school, eh ayan, hinahatid pa ako nun ng mama ko before siya pumunta sa office.. naalala ko pa, wala talaga akong kakilala non kase wala akong ka-batch na neighborhood sa amin. Pag kunwari uwian na kame, hinihintay kong sunduin ako nun. Hindi ko pa kase alam ang daan pauwi. Sa school, marami akong natutunan, ang magtanggal ng damo, ang mag-plant ng pechay at talong, ganyan. Palaging ganun ang routine. Ang magkaron ng teacher na terror na may anak na parang kamukha ni Chucky (kulang na lang ang kutsilyo). Ayun! parang yun lang ang natutunan ko nung grade 1 ako sa public school. Nung graduation namin, e di may special citation ako sa religion klas namin, (nakalagay sa programme) pero nung presentation na, biglang dinelete ang award ko..Outstanding Scout na lang, Second Honors, Best in Science, Most Hardworking, Most Patient, at lahat ng most, mostly ako ang nakakuha.. (hay naku, pag public talaga hinahanapan ng mga award para lang magkaaward lahat. Seven kaming clasmates, may honor ang lima, bobo ang dalawang natira. Akalain mo, sana top 10 na lang! Nu ba naman yan..

dahil sa incident na yun, nagtransfer ako sa Divine, isang private Catholic School. Nakuha akong mag grade two dun. Culture shock ako.. iba ang dating, nakasapatos na ako whereas before, tsinelas lang. Ang dinaraanan ko semento na, before, putik na may mga pupu ng baka. Aba may guard pa, may ID, may uniform. Kelangan ng lunch box, kelangan ng artbox, andaming kelangan. Bawal ang pera, dapat baon lang. May library card, kelangan mag-pray every subject, before and after. Sabi ko nun, magpapari ba ako? Nung grade two ako, naging first honors ako, sa academics, sa theology class ko. Bale dalawa ang awards every recognition day (four ang recognition day namin every school year) e di before pinning ng award, excited akong binibigay ang sulat sa mama ko para siya ang mag-pin sa akin.

Nung Grade 3 ako, dadalaw daw sina Susy at Geno sa school namin (Sustagen Mascot). E di kailangan ng proof of purchase na Sustagen para magkaroon ka ng gift mula sa kanila. Nung pumunta kami ni mama sa grocery, nagpabili ako pero sadly, hindi ako binilhan ng mama ko kase, before kase may lactose intolererance ako, e yung Sustagen before, parang high sa lactose content ganyan, kaya di ako binilhan. Tapos e di dumating na ang araw na pagbisita ng dalawang mascot, e siyempre, sa class namin parang achiever ako, tapos ako lang ang walang hawak na box ng Sustagen, e inggitero ako nun. Ang saya saya ng mga classmates ko, parang ako lang ang nagmumukmok dun sa tabi ng playground. Nainis ako, tinulak ko ang mascot na si Susy, sa pagtulak kong ganun, bagsak ang ulo.. nakita namin lalake ang nasa loob. Hehe.. dahil dun, patay ako sa teacher namin.

Nung Grade four ako, nagreshuffle sila ng students. Yung mga achiever every secton, ilalagay sa star section.. inevict ako sa supposed-to-be kong section at inilagay sa star section. Wala na naman akong kakilala except siguro sa five or six na dati kong classmates. Bagong adjustments, at dahil hindi ako masyadong nakacope up sa adjustment, naging tenth ako sa first recognition day namin (totoo) at nung second recognition wala na akong citation.. nahiya ako nun sa mama ko.. dati rati pumupunta siya sa recognition para I-pin ako ng award kaya di ko na lang siya pinapunta. Teacher ko ang nagpin sa akin. Eto na ang simula ng pagrerebelde ng isang nerd (ako yun)..

Grade five na ko. E di super addict addict na ko nun sa WarpZone (parang local version ng Time Zone noon dito sa amin) palagian na ako dun. Sawa na akong mag-aral. Parang mas gusto ko ng maglaro ng maglaro ng Street Fighter, ng Battle Reals, ng Shanghai Knights ganyan (mga uso nun, wala pang Counter Strike at Ragnarok). Di ako kumakain pag recess para makabili ng token ganyan. Wala lang naman, dahil dito, natawag mama ko sa school, sinabihan ako. Super nakakahiya talaga big brother I swear..hehe!! tapos may classmate din ako na puro sketching din ang alam gaya ko, di nakikinig sa teacher namin puro drawing lang ng drawing sa notes niya ganyan. E noon chinecheck pa naman ng teacher ang mga notes namin, e magka seatmate kame, eh naiingit ako sa kanya kase ang galing na niya kaya join din ako sa pagsketch sa notes ko para makapractis. Nung checking na ng notes, ayan, puro drawing ang notes namin pareho, walang maipakita. Ayan, Stand in the corner ang DRAMA namin. Kakahiya big brother.. Dito rin sa grade na to nagkaroon kami ng school play, Hearts on Fire, yung mga scenes galing sa Bible (syempre alangan namang rated x ang topic).. e di auditioning para sa mga main characters, hindi ako nakuha, di kase ako marunong kumanta at sumayaw, e wala kaya akong talent, essay writing lang at sketching. Sabi nila kase, pag magaling ka na sa visual arts, parang dumb ka na sa performing arts..Okey lang naman, at least marami kaming di nakuha sa main cast, go na naman ako sa supporting.. wala talaga.. sa extra ako nailagay, sa production. Kasama ang seatmate kong “stand in the corner” ang naging drama namin. Sa production.. Tigahawak ng sanga ng kahoy, tang-ina nakakahiya for the third time..

Grade six, feeling ko baka hindi ako grumadweyt, nagpakatino ako (ng konti). Sa mga favorite subjects ko lang.. science at visual arts.. mga periodical test ko nun pineperfect ko sa mga subjects na to (yabang mo dod! –cass ikaw ba yan, hehe).. Tapos e di akala ko wala ng mga gagawin sa akin sa school na ikakahiya ko ganyan. Nung praktis na namin para sa graduation, e di ba may baccalaureate mass, e kailangan ng mga first reading, mga responsorial psalm, mga prayer of the faithful ganyan. Hindi ako ninerbiyos na ako ang gagawa sa isa sa mga yun kase before, every first Friday mass ginagawa ko na ito, either prayer of the faithful ganyan o kahit ano, nasubukan ko na. Naging sakristan na din ako (once lang) kaya okey sa kin kahit ano. Meron na pala, yung mga honor graduates ang gagawa, ang kulang na lang, yung offertory at hahawak sa incense.. tang-ina, ako ang pinili ng mga bwiset kong classmates na humawak ng insenso, e may hika pa ako.. siyet.. bwisit na bwisit talaga ako nun.. the day after. Kase kelangan ng pictures para dun sa cover ng invitations sa graduation, e top 15 daw yung dapat andun, isa ako sa top 15 ng graduationg class.. sinabi may pictorial.. naku patay, ayawko sanang magpapicture kase may phobia ako sa camera.. hehe.. e wala akong nagawa.. baka hindi ako grumadweyt.. tapos on the day of graduation, naiyak ako siyet.. di dahil mamimiss ko ang mga klasmates ko pero kase ako lang ang walang medal. Lahat sila meron.. may loyalty award at school service award ganyan.. ako lang ang wala. Tapos mga iba tamang pinapaflash pa sa ilaw ang napakalaking gold medal nila.. sarap sakalin.. buti na lang, kahit papano, may corsage ako nun.. yun lang.. medyo ganun-ganun lang ang nangyari sa elementary days ko.. sa wakas na-evict din ako sa school na humulma sa katauhan ko (ikaw na yan?!) dahil sa divine, naging loner ako, dahil sa divine, nagpakabanal ako inside school, dahil sa divine, nakita ko ang nagmilagrong puno ng akasya, dahil sa divine, naging divinian din ang kapatid ko.. abangan sa season 2 (high school naman)
posted by R.A. @ 6:05 PM  
About Me

Name: R.A.
Home: Philippines
About Me: i was born to make the world a better place to live in.. im the type of person who would do anything in the name of love!!(azuz) ako din yung tipo ng tao na malambing.. haha! Kontento na ako sa buhay ko ngayon, salamat sa mga taong nagbibigay ng kulay ng aking buhay.. to my friendsters, family at sa mga kaaway ko!!! salamat sa inyo.. halos madaig ko na nga ang 4 columns na Krayola sa sobrang kulay ng buhay ko eh..at sa mga nang-iwan sakin... sorry nalang kayo dahil mas lalo akong gumwapo ngayon.. hindi niyo na ako matitikman!! wawa kayo!!at sa mga present ko...just kip on hangin with me coz im gonna show you zum luv! punta naman tayo sa mga likes ko.. MY FAVORITES foods: spag, sandwiches, tortillos na black ,chicharon, sitaw, baked macaroni & pizza. cigarettes:marlboro & peace lights perfume:polo sport, calvin klein & pureplay superheroes: SPIDERMAN & X-Men anime:GTO, fruits basket, shaman king, naruto & hunterX hunter colors:black & white, red & blue and brown pastime: texting, net browsing, daydreaming.. hahaha! beverage: c2 green tea (lemon & apple flavor), no hard drinks ako.. no softdrinks din..
See my complete profile
Previous Post
Archives
Shoutbox

I can not be complete anymore, i cant be whole anymore.. =(

Links
Powered by

Free Blogger Templates

BLOGGER