Wednesday, December 12, 2007 |
AKO, AKO, lagi na lang AKO |
Paksyet na buhay, MUKHA BA AKONG ADIK O KRIMINAL?!
Nung nasa Laoag ako, muntik na akong saksakin ng boardmate ko.. Tapos ngayon dito sa Baguio, pinagduduro ako at tinambangan ng mga gang.. At kagabi, puta, muntik na akong damputin ng mga pulis, akala nila kasama ako sa mga grupo ng mga dinukot!!
WHYYYYYY?!
Putang-inang buhay, unfairness!!
AYOKO NAAAAAAH!!! Pagod na ako!!
|
posted by R.A. @ 10:35 AM |
|
|
|
I NEED TO BE ALONE.. |
My Dear Joanne,
One day I will disappear completely. The letters will mean nothing. The world will get tired of me. You will get tired of me. I will get tired of myself. I'm dying. But I will never get tired of you. For you there will be no endings. I will say your name over and over. Like a refrain and a prayer to no one. Then I'll be a flower. The one you'll never pick. And will endure the breathless waiting 'til boundaries disappear. With nothing to do I make new constellations. Images of you as I remember. Dancing, sitting, walking... They are stars from a different view. But still I see nothing but you, Unfurling like a flower,Swiveling like a leaf. I once watched you sleep beside me. It was dark then. But the darkness is deeper now. Tonight in my dreams I will see you. My lady clothed only in light. Like a kite I'm giving myself up to the wind. I've made friends with the sun. Confused the birds with strange and distant voyages. But it is you that ties the thread and holds me down. Like a kite I will forever hold your hand. And with the burning human longing in your hands, I surrender. I will never get tired of you. For you there will be no endings. I will say your name over and over. Joanne, Joanne... Like a refrain. My prayer to no one. You know I will never get far and there is no need for my return. Only travellers leave. I've never been a traveller for I have never left. I am lost simply. I wanted to be in a place I have never been and will never be of all destinations. I longed to be lost in the fields of your hair. Lost among your thoughts as you are already in mine. You are my will to live. My life started when I loved you, and it ended when you left me..
Yours forever still,
RA
(ayan, pati MSKM naki'drama)
RA & Joanne
September 19, 2004-November 21,2007 FOREVER is a lie..
"Hindi kita malilimutan Hindi kita pababayaan Nakaukit magpakailanman Sa 'king palad ang 'yong pangalan Malilimutan ba ng ina Ang anak na galing sa kanya Sanggol sa kanyang sinapupunan Paano niyang matatalikdan Ngunit kahit na malimutan Ng ina ang anak niyang tangan Chorus: Hindi kita malilimutan Kailanma'y di pababayaan Hindi kita malilimutan Kailanma'y di pababayaan Hindi kita malilimutan Kailanma'y di pababayaan Malilimutan ba ng ina Ang anak na galing sa kanya Sanggol sa kanyang sinapupunan Paano niyang matatalikdan Ngunit kahit na malimutan Ng ina ang anak niyang tangan Chorus: Hindi kita malilimutan Kailanma'y di pababayaan Hindi kita malilimutan Kailanma'y di pababayaan Hindi kita malilimutan Kailanma'y di pababayaan Hindi kita malilimutan Kailanma'y di pababayaan Hindi kita malilimutan Kailanma'y di pababayaan Hindi kita malilimutan Kailanman..."
Leave SOMEONE you have the right..
But the least you can do is to tell them WHY! Because what's even worse, what's even more painful than being abandoned, is knowing that you're not even worth an EXPLANATION... (Peter Parker) |
posted by R.A. @ 9:53 AM |
|
|
Tuesday, December 11, 2007 |
I'LL BE PLACING YOU ON HOLD.. |
bad trip ang araw ko kahapon, mas nabadtrip na naman ako dahil sa Ms. Perkins na yan.. putang ina niya, mawala sana lahat ng pera niya, kung hindi lang ako natatakot mawalan ng trabaho in-assess ko yung acct niya ng kung anu-anong mga fees hanngang ma-overdraft siya.. tang-ina niya, tama bang sigaw sigawan ako eh di pa niya sinasabi mga concerns niya.. eto ang transcript:
RA: thank you for holding, my name is REU, may i please have your card number?! Ms. Perkins: I need to talk to a supervisor!!!!!! (in shouting mode) RA: Allright then, but before i can give a supervisor to assist you, i need to pull up your acct and verify your concern.. Ms. Perkins: My concern is, I NEED TO TALK TO A SUPERVISOR!! Thank you.. RA: Im sorry but i wont be able to assist you regarding that one if you wont be able to give your acct number! Ms. Perkins: YOU ARE NOT ASSISTING ME, i meed to talk to a supervisor (in full rage) RA: (muted) PUTANG INA MO!! (unmute) Ma'am, i wont be able to service this call if you wont be able to give information, i need to know and verify if you have an exixting Green Dot account ok?! (in a firm voice) Ms. Perkins: Youre not helping me, transfer me to another representative, i dont want to speak to you.. RA: im sorry but we are not allowed to transfer calls to another representative, if you want, you can give us a call back.. Ms. Perkins: NO, TRANSFER ME TO ANOTHER REPRESENTATIVE, I'VE BEEN WAITING 20 MINS IN THE AUTOMATED SYSTEM TO GET A LIVE AGENT TO ASSIST ME!!! (parang nakikita ko na tumatalsik talsik na ang laway..) RA: I APOLOGIZE FOR THAT, however, i can not give any assistance if you wont be able to give me information regarding your acct.. Ms. PERKINS: you are such a bull, blah blah blah, stupid low headed blah blah blah, your company is a rip-off blah blah blah.. (hung up)
pagkatapos ng call na yun, after 20 minutes, tumawag ang isang Mr. SMITH.. putang -ina din siya, simbolo siya ng REVERSAL, gusto niya, lahat ng fees, mareverse, at lahat ng transaction na ginawa niya sa card niya, gusto niya ireverse din kase unauthorized daw, pakxet siya, kamusta naman ang ginagawa niya.. eto ang transcript:
(pagkatapos ng verification) Mr. SMITH: i did not authorize that transaction. REVERSE that.. RA: Im sorry, but this amount is lareasy placed on hold, if you are not aware or you did not authoriza this transaction, please call the merchant and try to dispute this on their end. since this is already approved, we are giving the merchant 10 calendar days for this to be collected, and the best thing you can do is to reach then and try to resolve this with them ok?! MR. SMITH: NO!!! i want that to be reversed immediately, WHY are you letting them charge that amount on my acct, you company is a SCAM! RA: Mr. Smith, you are responsible to any transactions done on your acct, we are not approving this charge on your account if the merchant dont have this information to request for this amount ok, so if you feel that your acct is unauthorizely used, you need to report your card as compromised. MR SMITH: youre not understanding me, i need to talk to your manager!! RA: Mr. Smith I am committed to helping you with this concercn, please give me the chance to help you with this one, the amount is already pending, we can not reverse this one since the merchant requested already for this amount to be placed on hold, ok?! thats why im giving you the option to call the merchant and inform them to cancel this amount, but if the merchant will not collect this on the timeframe that we gave them, this whole amount will fall back on its drop off date, ok?! Mr. SMITH: i cant wait for that fucking 10 calendar days, i need my money now or i will sue your company.. RA: Mr. Smith, you did this transaction sir, and you must be aware of this, Drop of date is a Drop off date!! Patience is a virtue (nawalan ako ng sasabihin, hahaha) Mr. Smith: I need my money now you stupid moron!! RA: Mr. Smith we are not tolerating profanities here, please stop from using abusive language, please be reminded also that this call is recorded, and if you continue such, i will be forced to terminate this call.. Mr. Smith: you slut, this compony is a rip-off, its my money you fucking moron!! I want a manager!! RA: Mr Smith, may i place you on hold?! (at ni'place ko siya on hold for 10 minutes hanggang mag hung up..)
ayan, yan ang normal kong gabi, at gabi gabi yan, hahaha!!
|
posted by R.A. @ 9:21 AM |
|
|
Sunday, December 09, 2007 |
LETTERS FROM HEAVEN.. |
Dear Heaven,
There's so much to be said but not enough words to explain how i feel.. So much has happened and people don't know how to call us anymore.. I know we're through but it confuses me---its not how i feel.. I am left stuck and not knowing where to go.. I'm afraid to make a step coz i know i'm waiting for you to come back..
WHY does it take a minute to say Hello and forever to say goodbye?!
You know what?! I hate myself for being too nice and freindly that sometimes people would fool me around.. I hate myself for trusting easily, for always pleasing people even if it hurts inside.. I hate myself for always wearing a smile even if i feel so lonely, and for not believing in what i can do, for seeing the glass half-empty rather than half-full..
I've shed a 100 tears for you..
I have never been this mushy all my life. I regret what happened for the both of us.. I know, eventhough i search for someone like you, i know i will not find someone close enough.. Though i go around in circles looking for that someone, i always end up with you..
I don't know, im confused, this love im trying to kill is the love i want to stay.. If i could just turn the past and undo what is to be undone, i'll do it.. Those times I hurt you, im hurting too.. Our love is gone but you're still holding my heart..
You moved heaven and earth, you moved me.. I hope this pain would just fade away, it really is killing me inside.. Please bring back the life i used to have, You stole my heart
But now, im healing, now im surviving a day without you in my thinking.. But in your dreams, you're still there, and there you'll be for quite sometime i think.. I know it's just traces of my memories, its not longing, it's not missing.. Even the sweetest dream about you, i know wont move me again..
Coz i know you are a thing of my past already.. But i know, you are forever will be a part of me, And everywhere i am, you'll always be here.. I just cant leave everything behind, Our memories will stay, Till i reach the sky..
(TY to bluemagnetz) |
posted by R.A. @ 10:18 AM |
|
|
|
RA & JOANNE: Forever is a LIE |
di ba nasabi kong malapit na akong mag-evolve sa pagiging convenience store?! mas mabuti na yun, para mabaling ang attention ko sa mga bagay-bagay.. mas mabuti na din yun kesa manlimos ako ng pag-ibig.. mas mabuti na din yun kesa masabi ko ang "di mu siya kailangan, kailangan ko siya.."
it wasnt me who left you, it was you who left me..
Joanne: Why do you always say you love me.. RA: because i do.. Joanne: you know how it makes me feel?! its just words, i need an action.. RA: in time, malapit naman na.. Joanne: What do you expect me to say.. RA: na makakahintay ka.. malapit naman na eh.. Joanne: i dont need your words, you know what i mean..
alam ko, nabuhay ako dati ng wala ka, at sinasabi ko sa 'yo, pipilitin kong mabuhay ule ng wala ka.. sabay tayong sumakay sa pangarap natin, pero habang nasa biyahe tayo, bakit ka bumaba?! bakit ka sumakay sa iabng biyahe?! bakit umiba ang ruta mo?! alam mo, para akong na'hit and run sa ginawa mo.., nagkabuhol-buhol na ang mga pangarap ko dahil sa paglisan mo, nalilito na ako.. |
posted by R.A. @ 1:49 AM |
|
|
Saturday, December 08, 2007 |
MAG-EEVOLVE NA AKO.. |
uu, malapit na akong mag-evolve, konti na lang at magiging convenience store na ako, putang-ina, magiging 24/7 na ako, kamusta naman..
at dahil baliktad na lahat, may posibilidad, bampira o mananaggal na ang next gf ko, magiging kabarkada ko ang mga akyat bahay at mga rapist, siyet..
ngayong mga araw na toh, i need to be alone.. (haha) gusto kong mahiwalay sa mundo, biktima ako ng pait ng nakaraan..
at kung bakit ko nasabi, abangan niyo na lang ang mga susunod kong postings.. wala ako sa mood magkwento ngayon.. sa mga fans ko, salamat for staying.. |
posted by R.A. @ 10:41 AM |
|
|
Thursday, December 06, 2007 |
SECRET QUESTIONS.. |
1.WHAT IS YOUR DISPLAY NAME ABOUT? - nick name, bigay ng aking ex.. pakyo xa..
2. WHERE WAS YOUR DEFAULT PICTURE TAKEN? -wala, natatakot akong maglagay ng pic ko..
3. WHAT IS YOUR MIDDLE INITIAL? - T
4. WHAT IS YOUR CURRENT RELATIONSHIP STATUS? - tigang.. uu tigang ako pero di ako uhaw..
5. HONESTLY, IF SOMEONE WERE TO TELL YOU HOW THEY FELT, WOULD YOU LISTEN? - uu naman!
6. WHATS YOUR CURRENT MOOD? - naawa sa sarili.. naiinis sa mga tao..
7. WHO DO YOU LOVE MOST? - parents ko.. (cliche)
8. WHO MAKES YOU HAPPY? - wala na ang hapiness ko sa buhay..
9. ARE YOU MUSICALLY INCLINED? - medyo..
10.IF YOU COULD GO BACK IN TIME, AND CHANGE SOMETHING WOULD YOU? - uu naman, madami..
11. IF YOU MUST BE AN ANIMAL FOR ONE DAY- WHAT WOULD YOU BE? - Polar Bear!! :0 cute kasi!!
12. EVER HAD A NEAR DEATH EXPERIENCE? - uu meron na... Nung na-break ang aking heart.. (Wawa naman) - nung muntik na akong masaksak ng ka'apartment ko sa Laoag - nung muntik na akong mapagtripan ng mga gang sa Baguio
14. WHAT'S THE NAME OF THE SONG THAT'S STUCK IN YOUR HEAD? - wala,
16. NAME SOMEONE WITH THE SAME BIRTHDAY AS YOU? - wala akong pakialam
17. HAVE YOU EVER SANG IN FRONT OF A LARGE AUDIENCE? - Yes. Medyo maraming beses na..
18. WHAT'S THE FIRST THING YOU NOTICE ABOUT THE OPPOSITE SEX? - eyes at boobs
19. WHAT DO YOU USUALLY ORDER FROM JOLLIBEE? - Cofee jelly sana na ice craze kaso nagulantang na lang ako nung wala na sila nun, so N3 na lang.. Jolly spaghetti and yum..
20. HAVE YOU EVER HAD A DRUNKEN NIGHT? - gusto ko sana.. pero i don't drink.
21. DO YOU STILL WATCH KIDDIE SHOWS? - UU naman!! tingnan nyo profile ko, makikita nyo puro kiddie shows favorite ko..
22. DO YOU HAVE BRACES? - gusto ko magkaroon.
23. NAME SOMETHING THAT HAPPENED TO YOU TODAY? - I wake up in teardrops that fall down like rain- hindi tumugma ang tense ng tanong at sagot.. line kasi ito sa isang song ng rascal flatts.. "these days" (go flatts!)
24. DO YOU SPEAK ANY OTHER LANGUAGE? - nagtuon ako bisaya karon.. hehe!! tnx bisaya friends! kaintsendi ko dyutay lang nga bisaya..
25. IS THERE SOMEONE ON YOUR MIND NOW? - Naguguluhan ako!! wag mo akong tanungin!! aaaaahhh!!
6. WHAT HURTS YOU AT THE MOMENT? - akohang kasing-kasing
27. WHAT DO YOU WISH FOR? - Restoration... haay.. |
posted by R.A. @ 9:30 AM |
|
|
Tuesday, December 04, 2007 |
I DONT WANT THE WORLD TO SEE ME.. as of now.. |
"and i dont want the world to see me, coz i think that they'd understand, when everything's made to be broken, i just want you to know who i am.." (background song, ahihihi)
naalala ko ang mga punchlines ko nun: "ang mata, maraming nakikita, pero ang puso iisa lang, ikaw yun (message sent).. ang korni korni pala..
nag work ako sa Sitel kase kukuha lang sana ako ng experience para mas madali akong makuha sa Manila, dun kase nagwowork ang p*@%^$na$* ex ko, na ang pagkakaalam ko, buhay pa hanggang ngayon kapiling ang kaibigan ko na pinaglihi kay Valentina, isa siyang manunulot, isang ahas!! ahaaaaaaaaas!! (di ako bitter, at kahit itapat mu ang ampalaya sa akin, mas mapait pa rin ang ampalaya..)
sa mga nanloko sa akin, ito tatandaan niyo, babalik ako dun sa itaas, at kapag nasa itaas na ako, duduraan ko kayo! mga P.I. kayo..
pero nasabi nga noon: "huwag mong hayaan na maging masama ka sa paningin nila, kill them with their conscience.." tama, eto ule ang gagawin ko, magpakasaya sila, mga PI talaga sila, hindi na nila ako makikita, at sinisiguro ko, pag muling nagkrus ang mga landas namin, makikita niya, mas masarap na ako ngayon, at hanggang paglalaway na lang siya dahil di na niya ako matitkman pa, at sa kaibigan ko naman na gagong un, burado na siya sa friendster ko, gago siya!!
she loved me at my best, she had me at my best, and she chose to break my heart..
di ba ikaw na ang may sabi na baka kaya tayo iniiwan ng mga mahal natin, eh dahil may mas magandang darating sa buhay natin, yung mas mamahalin tayo..
thank you for letting me go..
|
posted by R.A. @ 10:01 AM |
|
|
Friday, November 30, 2007 |
IBALIK MO ANG CHICKEN RECIPE KO!!! |
The Finale: Ultimate Ending Much Has Been Said.. The Missing Link of the Story
Kwento ako ng kwento at sulat ako ng sulat sa mga nararamdaman ko ditto.. lahat ng kwento, sa side ko lang. pero ngayon, siguro sasabihin ko na ang dahilan, sasabihin ko na ang reason, sasabihin ko na ang lahat.. siguro para maka-let go na rin ako.. para mas maluwang na ang nasa loob ko..
Oo, ako ang may kasalanan, hindi yata, SIGURADO.. kase eto talaga ang sakit ko putang-ina, masyado akong nageexpect.. masyado kong sinasabihan ang sarili ko na dapat ganyan-ganyan.. siguro, though ive learned the hard way, eto talaga ang mali ko sa paghahandle.. and siguro the next time na magkakaroon ule ako ng relationship (matatagalan pa siguro muna, puta ang hirap..) alam ko na ang dapat at di dapat.. Eto ang pinakalast na tinext niya sa akin na dahil sa pride ko at in-denial, hindi ko ininclude sa mga entries ko before..
“minahal kita, pero ikaw, yung minahal mo eh hindi ako kundi yung nakaprogram sa utak mo na ako, minahal mo hindi ako mismo kundi ang tingin mo sa akin..”
siguro ang dahilan, AKO mismo. Siguro dahil hindi kami nagkakakilanlan ng medyo matagal, siguro hindi pa naming nakilala ang isat isa ng ganun kasigurado, pero para sa akin, nakikilala ko ang isang tao kahit one week pa lang. pero yun nga, nasa akin ang problema. Sabi ko nga, masyado akong nag-eexpect ng mga bagay-bagay at mga di dapat iexpect eh ineexpect ko talaga.. at sinasabing dapat ganyan, dapat ganito.. yun nga talaga ang mali sa akin..
siguro sasabihin niyo, dapat gumawa ako ng paraan. Hindi niyo lang alam kung anu na ang pinaggagawa ko, hindi niyo lang alam kung anu-anu na ang mga bagay na ginawa ko para lang maging kami, ule.. bobo ko kase putang-ina.. sa mga bagay na to, napaka-aminado kong BOBO talaga ako. Pero naiintindihan ko kung saan siya nanggagaling, kung bakit kahit anong gawin ko, firm na siya sa desisyon niya, gaya nga ng tinext niya dun sa isang entry ko..
at nung tinext ko siya nung Friday bago ako umuwi sa amin at tinanong ko kung may pag-asa pa ba.. eto ang tinext niya..
“…nakapag-move on na ako, mag-move on ka na rin.. blah blah blah..”
puta sabi ko ansakit naman nito.. anu ba yaaan, para naming binaril ako sa Luneta.. nung nareceive ko yun, sabi ko ambilis ah, bat ako hanggang ngayon andito pa rin siya.. siguro ako lang ang ganito, siguro may emotional distress na ako o kaya psychiatric disorder.. di naman siguro, siguro ganito lang ang feeling ng alam mo na siya na, pero di nag-work out kase bobo ako sa mga pinaggagawa ko sa kanya.. kase naghangad ako ng MAS na nasa kanya.. at siguro, TANGA talaga ako.. pakysyet!!
Kanina, nag-internet ako para i-check ang friendster ko, asus, nakita ko sa isang friend ko, may friendster na din pala siya. Sabi niya kase noon, corny ang friendster. Pero na-surprise ako, may 50+ na siyang friend. Ambilis.. tsaka nabasa ko sa testimonial niya, mula sa isang common friend namin, pangalan niya Mark.. eto nakalagay, not exactly pero ganito ang pagkakalahad..
“etong si joanne, sobrang maalalahanin nito, natandaan ko pa nung nagmiskol ako ng 20 times sa kanya, nag THANK YOU siya at naalala ko daw siya. Napakathoughtful nito at maaalala niya lahat ng important dates. Sobrang hindi ka maboboring sa mga pinagkukwento niya at sa lahat lahat ng mga trip niya. Naalala ko pa nung one time na tumawag siya. Kase alam niya na favorite ko ang beach, eh matagal na din akong di nakakapunta. Eh nasa beach pala sila nun kasama nung mga friends niya, tumawag siya at pinadinig sa akin ang alon sa dagat at pumunta pa sa dalampasigan para lang iparamdam sa akin na nasa dagat sila. Habang pinaririnig niya ang mga alon, kinakantahan pa niya ako.. Sweet ang taong to.. blah blah blah..”
puta sabi ko, totoo to.. naramdaman ko ang lahat ng to. Pero mas nagibabaw ang selos sa akin, alam ko wala na akong dahilan para magselos, pero tang-ina mahirap dayain ang nararamdaman. Nung time na yun, hindi ko alam kung iiinvite ko siya kase baka pag nireject niya, mas lalo akong madepress na naman..
Kung kailan nawawala ang isang tao, tsaka ko naman nararamdaman mga bagay na to. Bwiset.. siguro nakikita ako nakangiti parati pero sa totoo lang, nagsisisi ako sa ilang mga bagay.. ang hirap tanggapin na nawala siya sa akin.. Nung sinabi kase niya na wala na talaga, sinabi ko:
"nabuhay ako dati ng wala ka, umalis ka kung gusto mo, ibasura mo lahat ng ni'plano natin, bahala ka, desisyon mo yan."
Iniwan ko siya para mag-isip, hindi para ipagpalit ako..
AT sa Mark na yan, di lang kita papantayan, lalampasan pa kita!! Ibalik mo sa akin ang Chicken Recipe na inagaw mo sa akin!! Pakyo!!
|
posted by R.A. @ 5:03 PM |
|
|
|
NEW HORIZON.. |
parang kailan lang ng natutunan kong magluto.. pero heto na naman, may bago na naman akong misyon, ang ubusin ang instant noodles sa buong mundo, isama mo na ang de lata, bwahahahah!! panu ba naman, wala akong time magluto, matutulog na lang ako dahil sa sobrang pago, mantakin mo ba naman, 11 hours ang work, kamustahin mo naman yun, walang time magreklamo ang mga bulate sa tiyan ko habang minamaltrato ako ng mga pakyong amerikano, yes dear friends, minamaltrato ako ng mga amerikano.. kung anu anu ang pinagsasabi sa akin, mga tangina nila..
pero kahit ganun, nagiging enjoyable naman ang lahat, madami akong nakikilalalng mga walang kwentang friends. isa na jan si JOM PRATS na tsaka lang namamansin pag may kailangan, tang ina niya, 8 daw silang magkakapatid, FAMILY PLANTING dsaw kase pagkakaintindi ng mga magulang niya, hindi FAMILY PLANNING..hahaha..
kasi EOP (english only policy) sa site, (pati mga guards nag eenglish'an, syet dinudugo talaga ako) pag nagkakantahan kami ng OPM, translated into English din, haha.. bwiset..
pagod na talaga ang katawan ko, pati kaluluwa ko.. putang ina, naiisip ko minsan, tama ba ang napasukan kong work?! sumasahod ako dahil minumura ako at sinasaktan ang damdamin ko ng mga inutil na amerikano na yan, huhuhu.. (hahaha)
pero naisip ko, ok na din to, at least..
ung SAHOD KO NOON, TAX KO LANG NGAYON, hahahah!!!
|
posted by R.A. @ 9:57 AM |
|
|
Wednesday, November 28, 2007 |
THE NEWLY RECHARGED AND FORTIFIED RA.. |
Ako si RA.. Beinte singko anyos.. medium built turned chuby-chubyhan.. INBORN CUTE.. towering 5”7”...kewl na astig, astig maging iba.. simpleng trip.. simpleng batak.. malupet.. freelancer.. favorite motto: obey your thirst, drink ice tea.. pasaway.. hilig mangulit.. maharot.. hilig manakot at matakot.. hilig ding maglambing at manood ng movies.. tambay tayo maghapon sa chatroom.. share tayo ng mga ringtones..
Ako si RA.. Isang masamang elemento galing sa planetang moja-moja.. isinilang sa pangangalaga ng aking ama’t ina, kung saan lumaki bilang isang modelo ng.. ehem.. kagwapuhan, kaharuta, at hustisya.. Ako’y simbolo ng mga impulsive buyers, mga obsessive-compulsive, may bipolar disorder at kung anu-ano pang phsychiatric disorders..
Ako si RA, at dahil CHANGE is inevitable, eto na ang fortified at newly improved RA.. Kilalanin niyo ako.. Ako si RA.. i was born to make the world a better place to live in.. im the type of person who would do anything in the name of love!!(azuz) ako din yung tipo ng tao na malambing.. haha! Kontento na ako sa buhay ko ngayon, salamat sa mga taong nagbibigay ng kulay ng aking buhay.. to my friendsters, family at sa mga kaaway ko!!! salamat sa inyo.. halos madaig ko na nga ang 4 columns na Krayola sa sobrang kulay ng buhay ko eh..at sa mga nang-iwan sakin... sorry nalang kayo dahil mas lalo akong gumwapo ngayon.. hindi niyo na ako matitikman!! wawa kayo!!at sa mga present ko...just kip on hangin with me coz im gonna show you zum luv! punta naman tayo sa mga likes ko..
MY FAVORITES foods: spag, sandwiches, tortillos na black ,chicharon, sitaw, baked macaroni & pizza.
icecream: vanilla lang
cigarettes: marlboro gold & peace lights
perfume: polo sport, calvin klein & pureplay
superheroes: SPIDERMAN & X-Men
anime: GTO, fruits basket, shaman king, naruto & hunterXhunter
characters: killuah, kenshin & van helsing
briefs&boxers: calvin klein, jockey, bench & gianni valentino
colors: black & white, red & blue and brown
pastime: texting, net browsing, daydreaming.. hahaha!
fruit: pomelo and watermelon
veggies: lettuce & cucumber
movies: 2fast2furious, goblet of fire & phantom of the opera, harry potter, kahit ano, putang-ina madami akong gusto na movies
beverage: c2 green tea (lemon & apple flavor), no softdrinks din..
bands: lifehouse, dishwalla, coldplay, creed, P.O.M., 3doorsdown, collectivesoul, nickelback, disturb, korn, the calling, smashing pumpkin, jars of clay, linkin park, bamboo & eheads b4..
so far those are the updates..
|
posted by R.A. @ 10:42 PM |
|
|
Tuesday, November 27, 2007 |
ANG MGA ADBENTYURS NI NOGNOG (The Finale) |
Dahil sa nangyari kay Nognog, dali-dali siyang sumakay sa kotse niya at pinaharurot ang takbo ng sasakyan niya. Gumala siya at nagmuni-muni kung bakit ganun na lang ang takbo ng buhay niya, parang Gulong ng Palad ang drama nito na may pinaghalong Nginiiiig! at Pinoy Big Brother na tema. Napag-isip-isip niya kung siya lang ba ang ganun, kung siya lang ba ang nabigyan ng ganung kamalasan sa buhay..
Habang nagddrive siya, hindi niya namanlayan na napunta na pala siya sa Cavite, sa isang liblib na lugar sa Cavite. Habang nagddrive siya paakyat sa isang daan, napansin niyan hindi kumakapit ang breaks ng kotse niya, at hindi niya namanlayang bangin pala ang sasalubong sa kanya..
Nahulog si Nognog sa bangin kasama ang kotse ng tiyo niya, pero sa kabutihang oalad, nakuhang lumabas sa kotse ni Nognog bago pa man siya kasamang nahulog sa pagkalalim-lalim na bangin..
Maswerte siya kase hindi siya nahulog at nakahagip siya ng isang sanga sa matarik na bangin. Pero sa kasawiang palad, ang nahagip niyang sanga ay inaanay pala, kaya nahulog siya..
Pero di niya inakalang makakahagip siya ng talahib, na siyang kinapitan niya para masalba ang buhay niya sa nagngingitngit na kamatayan. pEro dahil bwisit talaga siya, ang talahib na kinakapitan niya ay biglang nabunot at muli, bigla siyang nahulog na parang bato mula sa bangin..
Pero siguro sa sobrang desidido siya na maka-survive, nag-believe siya na makakaligtas siya sa aksidenteng nangyari sa kanya. Nakahagip siya muli ng sanga mula sa kanyang pagkahulog. Dito nasambit niya..:
“kahit anong mangyari, kahit ganito ang buhay ko, pipilitin ko pa ring mabuhay.. alang-alang sa pamilya ko..” mahal ko sila.. kailangan kong mabuhay, gagawin ko ang lahat para mabuhay.. kakapit ako ng mahigpit dito at sisigaw ng tulong pagsikat ng araw. Siguradong maraming tao angdadaanan dito..”
malayo ang umaga at matagala ng oras na hinintay ni Nognog, pagbukang liwayway at nang magliwanag ang paligid, biglang natulala si Nognog at nakita na lang ng mga tao na nakabitin siya na parang nababaliw na..
nabaliw si Nognog sa mga nangyari sa kanyang buhay, pero mas nabaliw siya ng makita at malaman niyang, 2 inches na lang, e lupa na.. nagpakahirap siyang maglambitin sa sanga, yun pala, dalawang pulgada na lang, eh earth’s surface na..
Tsk! Tsk! Tsk! Ang buhay nga naman, mapaglaro kung minsan.. Sa ngayon, nasa isang mental institution na si Nognog. Yan ang kwento ni Nognog, sana nagustuhan niyo..
Abangan ang susunod na sequel sa buhay ni Nognog sa mga susunod na entries ko.. |
posted by R.A. @ 2:23 PM |
|
|
Sunday, November 25, 2007 |
ANG PAGDURUSA NI PINGOY.. (Teleserye ng Isang Aso) |
si pingoy na siguro ang pinakaminahal kong aso sa lahat. siya kase ang pinakasweet sa lahat kahit pa bruskong brusko.. wala kase syang paki masyado sa kung anumang sasabihin nung ibang mga aso sa kanya. never kong inisip ni sa panaginip na darating sa puntong puwede kaming magkahiwalay.. never.. lately sa hindi malamang kadahilanan ay bigla na lang naging berserk ang aso namin. mga ilang buwan na din ang nakakalipas. nagtext sa kin ang tatay ko para sabihing kinagat ni pingoy ang isang batang bumili ng ice candy sa bahay. at iyak ng iyak ang bata daw.. laking pasalamat lang namin at hindi nakagat ang bata. yun nga lang natrauma talaga ang bata at syempre bumingo si pingoy saken. yun ay para lang malaman niya na hindi tama yung ginawa nya.
hindi din naman nagtagal ung pagiging grounded ni pingoy sa mga mata namin dahil lang dun. sa laki ba naman ng pagmamahal namin sa kanya ay imposibleng hndi makahanap ang puso nmin ng dahilan para mapatawad siya, bigyan ng rason at intindihin. back to normal, back to same ol’ pingoy. hanggang sa nagulat na lang kami sa bagong inasal ni pinggoy kay sinister. pagkalipas ng ilang linggo after nung insidente niya dun sa batang bumili ng ice candy. Dahil dito, parang naalarma na sila papa sa nangyayari kay pinggoy..
kinabukasan, habang nakahiga pa rin ako sa pagkatulog, may narinig akong sigaw.. “kuya, kuya, si pingoy kakatayin na..” paglabas ko, nakita ko na lang na maraming kalalakihang sunog-baga sa labas ng bahay.. nakita kong tinatali na nila si pingoy at humahalinghing sa akin na parang magpapatulong.. ayokong makita at marinig ang mga pangyayari sa labas.. agad kong isinara ang kwarto upang pilit na takasan ang isang sitwasyon na kahit kelan hndi ko ninais na makita, lalo na ang mapakinggan. tinatalian na si pingoy. hndi para alagaan ng iba, kundi para tapusin na ang buhay.
tinakpan ko ang mga tenga ko para hndi marinig ang pagpupumiglas ni pingoy. kumanta ako ng bayang magiliw at nalaman kong hndi pala ito makakatulong para matakasan ang kasalukuyang pinagdadaanang hirap ni pingoy. bagkus nalaman ko lang na hndi ko na pala kabisado ang kumpletong titik ng pambansang awit. nakakahiya pero yun ang totoo.
hndi matapos tapos ang panaghoy ni pingoy. maaaring nakatakip nga ang mga tenga ko pero parang may isip ang mga panaghoy nya na pumapasok sa butas ng ilong ko, pusod, pati pores na balat para manghingi ng tulong. pero huli na ang lahat…
hinataw si pingoy ng dos por dos sa ulo at nagsimula nang maging madilim ang lahat…para sa kanya. “wala na si pingoy..nilisan nya na ang bahay ni kuya…”
mula sa araw na toh, wala ng babati saken pag-uwi ko ng bahay.. wala nang maharot na kalaro ko.. wala nang magiting na bantay sa bahay.. wala nang magkakalat ng mga lagas na balahibo na kadalasang sumasama sa kinakain namin..
wala na si pingoy at hindi na sya babalik kahit kelan..maraming salamat sa pagsubaybay nyo sa maikli pero nakakaimpress na kwentong-buhay ng aso ko.. ang kwento nya ay hndi nman naiiba sa mga kwentong alam natin, may simula at may katapusan gustuhin man natin o hinde..maraming salamat para sa pinakabibong aso… sanay manatili sa mga puso natin ang mga ngiting dinulot nya.
W A K A S
Pingoy January 28,2003 – November 25,2006
|
posted by R.A. @ 1:36 PM |
|
|
Wednesday, November 21, 2007 |
ANG PAMBIBWISET NG MGA HATHOR.. |
ang mga daga na ata ang pinaka kadiri sa lahat ng mga peste sa buhay (although mahigpit nyang ka-head to head ang ipis).madumi,mabaho,isinumpa.at sa mga dagang ito magmumula na naman ang walang kakwenta kwentang adbentyurs. hindi ko maipaliwanag kung bakit biglang naging tambayan ng mga daga ang bahay namin..cguro dahil na din sa kapabayaan namin with regards sa seguridad.. date kase nung mangilan ngilan pa lang rat couples ang nagdedate sa mga sulok ng bahay, di kase namin pinagpapapatay at inaalala.. hanggang sa cguro may isang ungas na daga ang namalita na cool na tambayan ang loob ng bahay namin... inakala nila siguro na hindi kami tutol sa pamumuhay together ng mga tao at daga..at dahil dun,nagsimula na ang mga perwisyong dulot nila sa mundo namin. Nanganganib ang aming kaharian.. nanganganib ang Lireo..
hindi na ako nakatiis sa mga pambababuy nila sa bakuran namin.isang gabi,hinamon ko silang lahat na magpakita at ako ang harapin nila.
“mga putangina nyong mga daga kayo!magsilabas kayo jan! tapusin na natin to once and for all”(nakakaintindi sila ng taglish)
bigla na lang naglabasan ang mga dyaskeng daga fully equipped ng mga plakards(Yo2ng: tuta ng kano!),mga pinamumudmud na kopya ng hello garci cds at isang malaki at napakapanget na effigy ko (siyempre, once again, cinematic itoh!).. tangna ayaw talaga nilang magpagapi sa mga mortal!dali dali akong tumakbo sa loob ng bahay upang kunin ang aking sandata (yung mas matigas na sandata) habang gigil na gigil.sa sobrang gigil ay muntik na ako magpaiskedyul sa dentista kinabukasan dahil halos magtangga durog na ang mga ngipin ko sa harap…sa wakas! at nasambot ko na ang sandatang lilipol sa mga binabakokang na mga rats! ang ARNIS!!! (na gamit ni Miguel sa Sugo).
agad akong lumabas sa Lireo na may angking kabilisan.sumakay ako sa hangin.tumayo ako sa gitna ng Lireo habang pinaliligiran ng mga nagngangalit din na mga daga.tinawag ko si Miming, ang pusang kalye na alaga ko..
nagkatinginan kming dalawa..malagkit at waring nagkakasundo ang aming mga diwa na karnehin na ang mga daga..nakita ko ang alimpuyo ng apoy sa mga mata nya.. nagbyutipul eyes naman ako..nagkindatan..(panahon na!)
“sa kapangyarihan ng sandata ko, ako ang iyong sugo, RA!”
lumutang ako sa lupa ng mga tatlong dangkal lang at umikot ikot.lumiwanag at humangin.nakita kong manghang mangha ang mga daga sa pagbabagong anyo ko habang ang ilan nman sa knila ay naghihipanan ng mga mata dahil napuwing sa alikabok.ramdam kong nanuot sa aking mga ugat ang kapangyarihan ng mga arnis. SYET!naramdaman kong naghuhumiyaw na sumanib sakin ang mga spirito nina ronald gan, lito lapid, ronnie ricketts (kasama si dinky doo at mariz) at roi vinzons(ang mga taartits na pilit na nagpapalawig at bumubuhay sa sining ng arnis sa pamamagitan ng pagsasapelikula).
nakita ko ding lumutang si Miming sa ere..nagliwanag at nagbago ng anyo.mula sa pagiging simpleng pusang kalye,ngayun ay isa na syang galit na galit na pusa!!!(meow! laki ng improvement noh?).ngayun ay handang handa na kami dahil after ng 30minutes na transformation sequence..eto na kmi ngayun..galit na!
hinabol namin ang mga daga! nagtakbuhan sila sa loob ng sako ng basura.walang awang pinaghahampas ko ang sako ng arnis at kung naroon lamang ang massacre movie director/producer na sina carlo j. caparas at donna villa,alam kong good take ung mga eksenang yun.nirapido ko talaga pero mukang nakatakas ung mga daga!narinig ko sa di kalayuan si Miming.putangina! kaylangan ko syang tulungan! pinaghahabol ko ang mga remaining daga habang winawasiwas ang tila hindi naman effective at puro good publicity lang na arnis.labu labu kaming lahat..kulang n lang mga pulis at ending credits ng pelikula.naging pisikal ang labanan..nakakahingal..nakakapanlumo..dahil nakatakas ang mga daga at pinakyuhan pa kame.bigla na lang ako napaluhod at tumangis.hindi namin naubos ang mga putanginang daga.pero pansamantala..alam kong magtatanda sila.na hindi kami papayag na sakupin nila ang rancho negro.hindi kahit kelan…
itutuloy..(ang tutuo wala na tong kasunod,para maganda lang ung ending note hehe)
|
posted by R.A. @ 6:41 PM |
|
|
|
SI CARMEL TENGCO.. |
Si Carmel Tengco ay isang friend na matagal ko ng hindi nakita. Siya ay ka-barrio namin nun, pero biglang lumipat ng mag-aral na siya sa ibang ibayo.. (lakas tama ang tagalog..) simula nun, nagkahiwalay na ang landas namin, parang si julio at juilia, kambal ng tadhana.. bale bumabalik lang siya here pag me okasyon ganyan ganyan.. pero nung pumunta ako sa maynila, siyet iba na siya.. ganun pala ang nagagaw ang siyudad sa mga taong barrio.. iba na siya.. eto ang paghahambing ko sa kanya dati..
Noon.. 1. Isa siyang simbolo ng libaging bata na pwedeng pagtaniman ng kamote ang kuyokot at batok.. 2. Sobrang itim ng gilagid at patay ang career ni wilma doesn’t sa pagiging ulikba.. 3. Buhaghag ang buhok at astang dugyutin (gaya ko noon) 4. Uhuging bata at parang takot sa tubig 5. Nakikinikinita mong paglaki niya, di siya magiging prinsesa, kundi magiging isang dakilang alalay. (siyet sana hindi niya malaman ang site na to kundi, patay ako nito..)
Ngayon.. 1. siya na ang simbolo ng kaputian, endorser ng Block and White (hehe) 2. Learned person na siya, alam na niyang gumamit ng tabo, panyo at toothbrush.. 3. Isa na siyang model-modelan ng caronia at iba pang brand ng cutex. 4. Isa na siyang tgahanga ni Sandara Park 5. Addict na siya sa kakatext at dala-dalawa pa ang phone 6. Sobrang krung krung na siya na parang ako.. 7. Isa na siyang mongoloid at abnormal na tao na love na love ng lahat.
Nung nasa manila ako, nagkaroon kami ng nakaraan ni Carmel Tengco. Nakaraan na roller coaster ride ang dating.. bakit hindi nagwork, kase nakonsensiya daw siya na siya ang dahilan sa pagbagsak ng mga pangarap at career ko.. (hehe, sana get niyo..) nakonsensiya siya na nauubusan ako ng allowance noon dahil sa pinapabili niyang blueberry cheescake, at nakokonsensiya siya ng ninanakaw niya ang oras ko para sa review na ginagawa ko.. ang masakit pa nito, imbes na damayan ako nun sa pagbagsak ko, hinintay lang niya ng one month after bago kami breaking the pot.. laswa ng ending ng kwento namin pero nanaig pa rin ang friendship namin, all of the above ang naging drama nito! Hehe.. hanggang ngayon, nagttextan pa din kami at pag pumupunta siya sa barrio dumadalaw siya sa amin. Siya si Carmel Tengco, kilalanin siya, ngayon at magpakailanman.. hehe!! |
posted by R.A. @ 12:20 PM |
|
|
Monday, November 19, 2007 |
BREAK-UP LINES.. |
eto ay nareceive ko via e-mail.. check this out, maaaliw kayo..
Ano yung mga chakang break up lines na nagamit na sa inyo? Heto angpinaka-memorable para sa akin, dahil hindi man lang niya ito na-explain ngmabuti:
1. "I just realized that I don't want to be touched."Whaddafuckisdat?! 2. I'm confused and I need some time out to findmyself!!!Eto flashlight, go look for yourself! 3. "Maybe this is not the right time for us."Anak ng tipaklong! di na kita tatanggapin ulit no?! 4. "Di kita maalagaan ng tulad ng ineexpect mo. Youdeserve someone better. That's not me."eh niligawan mo pa ako at pinasagot? jerk! 5. "Lasing lang ako kagabi. Sorry."Eh ako ba lasing?! 6. Ito kinwento sa aking ng friend ko, na sinabi dawsa kanya ng boyfriend niya."We are too different from each other."To which my angry friend retorted: "Tama kadiyan! I'm a woman, you're a wuss." 7. "We have to meet other people to see what it'slike to be with someone else. I'm giving you thatchoice. if you come back to me, we'll both bebetter from having chosen freely." 8. "Someday, hahanapin kita, when we're bothready. When we don't care about the odds. Kungtayo talaga, tayo rin in the end, di ba?"ULUL!!! Wala ka nang babalikan! 9. "I really think that we should break up.""Why?" "Because I don't know if I still love you."Ouch pare! Oks lang sana kung ganun langeh...tapos next week may kasama na siyang iba.Olrayt sa okei! 10. "I just realized I haven't had time to walk mydog..." 11. "It's not you, it's me..."Ket? Whats wrong with you?... Kunyari, pataymalisya para pahirapan sya...! 12. "I can no longer handle multiple priorities!!"eto naman sagot ko: Multiple orgasm kaya moi-handle! |
posted by R.A. @ 11:45 AM |
|
|
|
BUHAY PA BA YUNG GUMUPIT SAYO? |
ang mahiwagang tanong na gusto ko sanang itanong sa sarili ko after kong magpagupit.. tangna! napakamalas ko tlaga sa pagpapagupit.. lagi na lang akong sumasablay sa pagpili na gugupit sakin.. kahit kelan talaga, never akong nasiyahan sa pagpapagupit ko. Lage kase akong mukang tukmol apaglabas ko ng barbershop. Basta. Pasaway kase buhok ko, di marunong makisama. sagwa nung gupit ko nung nakaraan.. unang stroke pa lang nung barbero nagpalpitate na agad ako.. naramdaman ko agad na hndi sya madudulot ng kabutihan sa buhay ko.. nung unang round ng paggugupit nya sakin, muka akong patatakbuhin sa san lazaro at nung pinupulido nya na ung masterpiece nya, nagmuka nman akong kabayo.. sabagay hndi nman nakakapagtaka kung ganun ang gupit nila.. panu ba nman ung pinagpagupitan ko, magkasama ang barberya at tailoring. tangna! sastre ata ung yumari sa buhok ko.. mula noon, di na ako nagpagupit sa tang-inang barber shop na yun, nagtitiis na lang akong kapalan ang mukha kong magpagupit sa mga bading.. kahapon lang, pumunta ako ng f salon para magpagupit. Yoko nga sana dun kase dun nababoy ang buhok nung kaibigan ko. Nakapila ako at nung sinabing next, bigla akong kinabahan.. kase yung ginupitan niya kanina na kamuka ni william hung, pagkatapos ng gupit nagmukang abnoy!! Kaya pag-upo ko nilinaw ko na agad sa kanya lahat ng posibilidad na mangyayari sa kanya kung sakaling papalpak siya at gagawin akong kapatid ni petrang kabayo. Kaso ang tang-inang bading, dinaan ako sa sangkaterbang chika at ng mahimasmasan ako sa kwento niya..ayan na siyet, muka akong kabayo sa gupit ko.. sabi ko sa sarili ko..”naaawa ako sa iyo RA.. hello philippines, and hello kabayo!” Siyet!! Kung hindi lang talaga ako nakapagpigil nasuntok ko yung bading na yun..putanginang bading kase na yun. E hindi naman yata sa buhok ko nakatingin kundi sa aking naghuhumindig na sandata (yes! Pang xerex itoh!) dun sa buong paggugupit nya kaya ayun tuloy, nagmuka akong pangarera sa sta. ana. naku kung nakita lang siguro ako nun nung mga kaklase ko nung college at HS, sasabihan siguro akong katriplet nila B1 at B2. Mukang saging na kabayo.. siyet talaga.. tangna!! Kulang na lang si lone ranger sa tabi ko.. malamang alam niyo na ang ending sa kwentong to.. alis na ako..huhu (tigidig tigidig..!!)
|
posted by R.A. @ 12:45 AM |
|
|
Friday, November 16, 2007 |
PATAY GUTOM..!! |
Kani-kanina lang, papunta sana ako sa internetan sa may malapit sa nirerentan kong room, may nakita akong mga bata na naglalaro, akala ko yung nilalaro nila jolens, yun pala, lupa at mga daho.. biglang nagflashback ang mga pangyayari sa akin nung bata pa ako..
Lahat naman siguro tayo dumaan sa pagkabata. Dumaan sa mga larong titser-titseran, bahay-bahayan, at siyempre, lutu-lutuan. Naku kami?! Nung bata talaga kami ng mga pinsan ko, peyborit namin ang bahay-bahayan at lutu-lutuan. Mantakin mo banamang peyborit din naming maglaro ng bomba-bombahan.. yung tinutunaw mo yung plastic sa isang patpat tapos tinitira mo ang mga walang kamalay-malay na langgam.. hehe, mala action yun, ang gandah.. hehe.. parang meteorite na sumasabog sa kinalalagyan ng mga insektong nangangagat sa min.. pero ang pinakapaborito talaga namin nun, ang lutu-lutuan. Kasama na yun sa paglaki namin.. andiyan yung mamimitas ka ng mga dahon-dahon at kung anu-anong epek epek tapos cha-chop-chapin mo na parang vegetable kunwari.. lahat ng putahe posible pag bata ka. Mantakin mo bang nakaluto ako ng kare-kare nung bata pa kami using dahon ng kung anu-ano.. kailangan lang talaga ng wild imagination para syempre, para maging kare-kare (nuknukan na wild imagination talaga..) nakoow!! Tiyak na sasabihing, ang sarap ng niluto mo, na parang muka na kaming tanga sa pinaggagawa namin..pero sobrang enjoy naman siyempre. Ang lutuan namin, takip ng gatas o kaya yung mga lata ng sardinas ganyan ganyan.. parang kawali namin nun yun..pumupuslit ako dati ng kandila sa bahay, parang yun na din yung kalan namin.. ayus na ang frying pan, ayus na ang kalan, lutuan time na na mala jewel in the palace.. hehe..
Anu niluluto namin nun? Yung parang alupihan sa lupa, yung sumusuksok na parang surot, “ukoy-ukoy” ata tawag dun sa amin.. nanghuhuli kami ng ganun tapos walang awa naming niluluto.. hehe.. tapos nung mukang crispy na siya, siyet eto ang di ko makakalimutan,siyempre kunwari lunchtime na. Nakikita ko na yung ussual na acting ng mga batang kakain na, na parang ngunguya kahit wala ganyan ganyan tapos sinasabing “nyam nyam, tsalap naman..”.. basta. Tapos ako naman etong pasikat, sa sobrang kaepalan ko, guess what?! You cant guess noh?! Kinain ko talaga ang “ukoy-ukoy takki ti baboy”!! siyet! Kinain ko talaga!!! Tangina lasang ebak na di ko maipaliwanag.. nagmuka akong patay gutom nun, nashock lahat ng mga bata. Sabi ko try din nila pero walang gumaya.. kadiri noh?! At least nakaya ko (nangatwiran pa e noh?!) |
posted by R.A. @ 12:52 PM |
|
|
Thursday, November 15, 2007 |
PAANO PUMATAY NG ASWANG? |
Nung nanonood ako ng final fantasy over animax (yez mga kupal, may cable kami.. akala niyo ha, porque liblib lang kami, may cable kami mga tsong!), na-encounter ko itong song na ito.. siyet pamatay ang lyrics.. try niyo to feel the meaning.. goes something like this..
I never sang my songs, on this date, on my own. I never said my words, wishing they would be heard. I saw you smiling at me, was it for real? Or just my fantasy? You’d always be there, in the corner of this tiny little bar.
My last night here for you, same old songs just once more. My last night here with you? Maybe Yes, maybe No! I kinda liked it your way, how you shyly placed your eyes on me. Did you ever know that I had mine on you?
Darling so there you are, with the look in your face, As if you’ve never hurt, as if you’ve never down, Shall I be the one for you? Who pinches you softly but sure. If frown is shown then, I will know that you are no dreamer. So let me come to you, close as I wanna be. Close enough for me, to feel your heart beating fast, And stay there as I whisper, how I love your peaceful eyes on me. Did you ever know that I had mine on you?
Darling so share with me, your love if you have enough, Tears if youre holding back, a pain if that’s what it is. How can I let you know? Im more than the dress and a voice, Just reach me out then, you will know that you are not dreaming.
Di ba, walang phrasing at rhyming, kase ang gumawa ng kanta japanese ata. E walang sense ang rhyming, hindi exciting. Pero, bakit nga ba ang title ng entry kong to, “paano pumatay ng aswang?” basahin niyo ang lyrics at intindihin niyong mabuti, ayoko ng mag-explain. Intindihin niyo at namnamin niyo bawat word.. hirap kayang iexplain, or kaya pag nakita nyo ko, tanungin niyo na lang sa kin.. =) |
posted by R.A. @ 12:15 AM |
|
|
Tuesday, November 13, 2007 |
ANG MABISANG PARAAN PARA MAGKA-LOAD.. |
eto ang narecieve kong text sa friend kong si Mauritius con Carne na may 5 links:
i really dont know how to repay you. for all the kindness, benevolence, understanding and all the good things you did to me. thanks for always being a friend. im sorry if sometimes i only just listen to your griefs, without giving any pieces of advice or without giving any reaction-just a simple nod of the head. maybe im not a good counselor but i can be sure that, i could be a good listener and absorber. hopefully the biggest secret that i,ve told you will always be kept a secret. dont make yourself drowned thinking that your a bad guy. for me, no-youre not. siguro pag GF mo na si blah! blah!, i could say that she's very lucky to have you, not the other way around.. kase she will be secured, cared and loved. thanks for hearing my side and for not leaving me alone. i just wonder nga na bakit there are people na hindi ma-appreciate ang sacrifices mo just for their own good.. unfair sila! justinePS: paload mo naman ako ng 100, babayaran ko rin next week, short lang talaga ako ng allowance.. thank u..
|
posted by R.A. @ 9:34 PM |
|
|
|
ANG HINANAKIT NI BAKEKANG (Sanaysay itoh!) |
Isa siguro sa pinakamalungkot sa status sa mundo ay yung malaman mong panget ka. Pag panget ka kase, pwedeng hindi ka seryosohin, pwedeng hindi ka pakinggan, and on some worst case scenario, pwedeng hindi ka irespeto. At ang lahat ng yun ay dahil lang sa kadahilanang hindi ka attractive at hindi sinuwerteng mabigyan ng matangos na ilong, ng mapupungay at nangungusap na mga mata, makinis na balat at magandang labi. Masakit man pakinggan pero yun ang katotohanan. Pag hindi kanais-nais ang hitsura mo, bagsak ka sa universal term na PANGIT. Samantalang pag may hitsura ka, maraming variations ang pwede mong bagsakan. Pwedeng cute, charming, pogi, maganda, gwapo, malakas ang sex appeal at crush ng bayan. Pag may mga class pictures, unang napapansin sa sangkaterbang estudyante ang ulikba, bingot, luwa ang mata, dapa ang ilong, sargo ang labi, ngusong kabayo, at mga mukhang abnornal at retarded. Sila din ang madalas na gawing pang-asar o pampasaya sa mga induction of class officers at ninonominate bilang muse o escort, pinagtritripan. Bihirang isipin kung masipag ba silang estudyante at mabait na kaklase. Pag may umutot sila ang unang napagbibintangan Pag nasa field trips, sila ang front act para sa mga bagay na pinapa-try ng guide, halimbawa, ang paghaplos sa likod ng buwaya sa zoo, ang pagkain ng kakaibang exotic food, etc. sa TV at pelikula, mga panget ang kadalasang binabatukan o hinahampas ng diyaryo sa ulo, ginagawang joke, nilalagyan ng pie sa muka, pinapadamit ng basahan, tinatapid, pinapahabol sa aso and yet binabayaran ng mababa at dala dala ang titulong “extra” sa loob at labas ng trabaho nila. Sa department store, nilalampasan nung mga guard kapkapan yung mga magaganda’t guwapo lalo na kung matikas at sosyal ang hitsura, pero pag panget ka, maaabala ka ng mga twenty seconds dahil paghihinalaan kang magnanakaw o teroristang may dalang bomba, at minsan pati coin purse mo gagalugarin ng patpat nila. Kahit sa Santacruzan, wala kang makikitang sagalang panget. Bakit? Kase deprived ang mga pangit na magsuot ng mga gowns at barong, pwera na lang kung first communion nila o di kaya ikakasal o magdedebut yung isa sa mga kamag-anakan nila at sila’y naimbita, at kung minsan nga, pinaghihinalaang mga gate crashers din. Ang mga panget never naging hot commodity sa mga FLAMES at mga HOPE na yan.. Pag pangit na dalawa ang ikakasal, sinasabing Kapwa Ko Mahal Ko, pag Pangit ang isa sa ikakasal, sinasabing Pera lang ang habol.. Masaya ako na malungkot.. nakakaawa ang mga pangit at ginaganito sila ng mundong kanilang ginagalawan.. Masaya ako dahil hindi pangit ang tingin ko sa sarili ko. At pag papipiliin ako between PANGIT ANG MUKHA PERO MAGANDANG UGALI at MAGANDANG MUKHA PERO PANGIT ANG UGALI, hindi ako magdadalawang isip na piliin ang nararapat at tingin ko ay tama. Ang PANGIT NA PAG-UUGALI PERO MAGANDA ANG MUKHA.. Hehe.. Joke!! |
posted by R.A. @ 1:32 PM |
|
|
Monday, November 12, 2007 |
KAPAG TUMIBOK ANG PUSO (May Basbas ni Donna Cruz) |
masasabi kong isa ako sa mga di importanteng pagmumukha nung kolehiyo ako sa unibersidad na pinapasukan ko. Isang pangkaraniwang pagmumukha sa college campus namin, walang follower, walang fan, walang admirer at obviously, hindi nabibilang dun sa mga lupon ng mga kalalakihang dahilan ng massive laglagan ng panty at hampasan ng bra, at lalo ng hindi kabilang sa screaming group phenomenon. Walang nagkakagusto in short.. dahil bihira naman siguro na may babaeng nababagsakan ng poste at transformer ng kuryente sa ulo na nabubuhay. kaya hindi ko din masyado inexecute ang karapatang kong manligaw nung mga panahon na yun.. Karamihan din kase ng gusto ko, kung hindi taken na, malamang ginawa nang pambansang sawsawan ng bayan at pwede na ding ibenta ng naka bote gaya ng datu puti at silver swan. hanggang dumating sa buhay ko ang isang babaeng magpababago ng lahat.. itago natin siya sa pangalang “imang”, ang babaeng may napaka payak na pangalan na binubuo lang ng ilang baybay pero sa likod ng pangalan nyang animo’y gabay ng mga batang nagsisimula pa lang bumabaybay ng mga salita, nakatago ang isang napaka-sweet na babae na magpapatibok ng puso ko..
lahat ng nasa memorya ko, sana’y di ako magkamali, ay tama pagdating sa kanya.. Naging kaklase ko si “imang” nung nasa high school ako.. Di ko sya ganu pansin nun kase sa dami ba naman ng babaeng kaklase ko minsan iniisip ko na isa lang ang mga hulmahang pinanggalingan nilang lahat. Hanggang sa isang araw.. Nagising na lang ako na nasa ibabaw nya, este sa ibabaw ng long table na kinalalagyan niya.. Sa katangahan ng isa naming professor, naging mag-seatmate kami (mali ang ginawa niyang seating arrangement, palibhasa, de numero kase lahat ng galaw).. Naging talking-buddies kami, correction pala, ako lang ang nagsasalita.. Kahit walang namumutawi sa dila niya ni isang salita, para sa akin, naging sapat ang titig niya, ang patago niyang smile.. Wooow siyet, inlababo ako nun.. Kahit walang salita, kahit walang reaksiyon.. Mula nun, kahit di ko gaanong kagustuhan ang subject na tinuturo, naging excited ako sa asignaturang iyon, di dahil natutunan ko ng mahalin ang subject, kundi nainlab na ako sa katabi ko..
basta ang alam ko nun, nagiging masaya ang araw ko basta nakita ko siyang ngumiti, at natatawa sa mga jokes ko habang inaaliw ko ang naninibugho niyang mundo. Na kahit walang salitang mamutawi sa kulay rosas niyang mga labi, ay sapat na para sa akin ang ngiti niya, kahit laway man niya ay tumulo sa kakatawa.. dahil naging seatmate ko siya, nakabisado ko na ang lahat ng kilos niya, ang tawa niya kahit walang sound, ang amoy niya. Masaya talaga ako pag katabi ko si “imang”.. Hindi ko alintana ang oras at mga nangyayari sa kapaligiran, basta ang alam ko, masaya ako sa piling ng seatmate ko.. Inisip ko noon, tanungin ko kaya siya kung gusto niyang sumakay kasama ko sa scooter pauwi.. Pero wala akong lakas ng loob para itanong ang bagay na alam kong ikakapahamak ko sa huli.. Siguro masaya yun, kahit siguro batuhin kami ng pillbox ng mga adik sa daang pauwi sa amin, siguro iisipin ko lang fireworks yun.. at kahit sumitsit ang mga pokpok sa may malapit sa eskinitang papasok sa amin, bale wala lang siguro yun, pero di ko siya tinanong eh.. Kapag naiinlove ako, laging pumapasok sa background ang song na “kapag tumibok ang puso” ni donna cruz. At sa bawat oras na magkasama kami, para akong pinagtritripan ng lasing na kupido at tinadtad ng palaso ang mukha ko..
kaya naisipan ko nun na gawing pormal ang lahat at dito na pumasok ang ligawan blues after lso many long years, take note, years ang pinag-uusapan dito (hanep sa planning..).. Pinagbuhusan ko talaga ng sobrang effort nun ang panliligaw ko kay “imang”.. (para sa aking sobrang effort na yun, ewan ko lang sa iba, hekhek) Everyday, pinadadalhan ko siya ng mga text message na papansin at tumutusok sa puso.. Hindi ako yung tipong nagbibigay ng dose-dosenang bulaklak at ga-truck na tsokolate na kayang umubos ng isang buong set ng ngipin.. Mahal kase, may e-vat..
hanggang sa isang mainit at malagkit sa alak-alakan na araw.. Sinabihan ako ni “imang” na kung pwede daw kami mag-usap ng masinsinan.kaya ayun sinunod ko naman siya.. "masinsinan" daw ang usapan, kaya preperado dapat lahat.. pabango (check!), gel (check!), Shirt and pants (check!), punchlines (check!), reactions and moves (check!), killer smile (di dahil bad breath, check!) handa na ako nun. Pero sa di malamang kadahilanan, di natuloy, at nagtext na lang siya, tinanong niya ako kung ano daw ba ang intensyon ko sa kanya..
medyo napaisip ako noon sa tanong niya kase parang maasim ang dating... Para siyang chameleon na nagbelat este nagbalat-kayo.. Bigla.sinabi ko sa knya na gusto ko siya at kung bibigyan niya ako ng chance na manligaw sa kanya (kahit late na ung abiso) ikatutuwa ko talaga. Pero pagdating ng kinagabihan, tumunog ang phone ko at dali-dali kong binasa ang text. Tumahimik bigla ang paligid at unti unting narinig ko ‘yong kanta ni donna cruz na “kapag tumibok ang puso” sa background.. sinagot ako ni “imang” tuwang tuwa ako na parang gustong lumabas ang puso ko mula sa katawan ko at tumalbog-talbog.. Haaay, ang saya, ang sarap ng feeling..
every monthsary namin, binibigyan ko siya ng out of this world na love letter/card at may love letter na kusang nagbabasa sa sarili nyang laman at ang pinakamagarbo kong love letter na may kalakip na fireworks display at combo with majorette pag binuksan na.hanep kulang na lang gawaran at kilalanin ako ng TESDA at DOST sa pagiging creative na mga love letters ko..
pero isang araw, natulala na lang ako sa tinext niya pagkatapos ma-receive ang sulat na bigay ko.. Hindi ko malaman kung dahil ba sa sulat na iyon, baka may wrong spelling at naturn-off, or baka nabaduyan o whatever at naisipan niyang gawin ang bagay na ikinabagabag ng kalooban ko, for life.. sabi sa text: “.. sorry for everything.. in mot yet closing the doors.. (in summary)
pagkakita namin, sinuntok ko sya,hinawakan ang buhok at walang awang pinaguuntog sa inuupuan naming malaking tipak na ginibang pader hanggang sa malagutan ng hininga at mag tanggal-hulog ang kanyang mga ngipin sa lupa.. Yun ang iniisip ko sanang gawin sa kanya pag nagkita kami.. Kaso hndi yun ang nangyari eh.. Speechless ako bigla sa mga emotional na salitang binitawan nya, este, tinext niya.. Para nman akong kriminal.. Ala naman akong masamang intensyon sa mga sinabi ko.. Wala kahit pa itanong sa papalubog na araw nung hapon na yun..saksi ang sunset sa mga pangyayari.. biglang nagkandahulog ang mga dahon sa punong sinisilungan ko, na animoy nakikidalamhati sa mga pangyayari.. (remember, dapat cinematic itoh! Hehe)
mula noon,.nagbago na ang lahat sa pagitan naming dalawa.. Hindi ko na din sya pinansin... salbahe pala sya.. Ang kantang “kapag tumibok ang puso” ay biglang nawalang parang bula, at biglang dumikit sa hangin ang mga tono at poof!, it became koko crunch!.. naging bitter-bitteran ako sa loob ng siguro mga 3 months ng kulang-kulang.. but after ng kantang to. Matapos mawala ang “kapag tumibok ang puso” sa background ng utak ko, naging melodramatic na ang surrounding ko (syempre cinematic ang dating talaga ng buhay ko) naging red ang sky, at biglang may spotlight sa kinaroroonan ko.. (vietnam rose ba itoh?! Hekhek!!)
at eto sana ang sulat na ibibigay ko sana sa kanya, ginawa ko after an hour bago ko natanggap ang text na pinadala niya..
“I don’t know how to start this letter. For a while, I can’t decide if it is to be handwritten or just type it. But then I’ve decided to type it along with my thoughts, ‘coz my hands are shaking and it seems that I can’t control my motor skills due to emotional instability and disturbance as of the moment..
I haven’t cried in a long time, but since the day that you told me that you were going away, there never seems to come a time that my eyes are dry. It’s hard to believe that I’m never going to get to see your face, your smile, and feel the comfort that you made me feel every single day. I can’t seem to accept the fact that I am going to have to let you go. But I’m gonna hold on to you for as long as I can. I don’t think that I will never get over the pain that I will be left with when you leave. There will always be that empty space in my heart that you once consumed. But I promised myself, at itinaga ko sa bato, by hook or by crook, I WILL FORGET YOU!! At talagang kakayanin kong kalimutan ka. Bitter akong tao and it seems to me, you didn’t gave me what I opted to have, you just gave me reasons and nothing more. Kala mo ha, makakahanap din ako ng mas ok sa yo! I hate you! Kung ayaw mo, wag mo! Sana nag-audition ka na lang sa Darna para sa role ng Babaeng Tuod, bagay mo yun, para naman may pakinabang ka!!!!!!! I hope we could be friends ka diyan?! Simbolo ka ng Tupperware at image model ng Orocan. Ano yun? pagkatapos ng ginawa mo, you think ganun na lang kadali to accept everything!? Eng-eng ka!! Arch-enemy na tayo.. Don’t text me, or kahit I-misskol man lang. Kung iniisip mong tatawagan kita pag nag mis-kol ka, o itttext kita ng “hu u?” pag nagtext ka, MANGARAP KA UY!! At wag kang magpapakita sa akin alongway, or somewhere else, dahil if that will happen, uuwi kang isa lang ang paa mo, lawit ang dila, at basag ang bungo mo. TANDAAN MO ‘YAN! Nyeta ka, sana di na lang kita niligawan! Akala mo kung sino kang nagmamaganda, e ang baho naman ng *********** mo.!!”
At umenter ang kantang sasaklaw sa buo kong katauhan, ang makabagbag-damdaming, “I don’t wanna be your friend” ni nina.. tang-ina, ang kantang to ang sasalamin sa akin as of the moment.. “I don’t wanna see your face, I don’t wanna hear your name” ang drama pamatay!
PERO, may malaking pero, after three hours, naisip ko, hindi ko pwedeng ganituhin ang babaeng minahal ko (nakanaman tang-ina) kahit ganun man ang nangyari sa amin, bitter ako OO, pero di dapat personalin ang ginawa niya.. naisip ko, siguro sa part ko din ang kasalanang iyon.. marahil nga di lang talaga kami para sa isat-isa, someone else will come alongway for both of us.. tapos bigla na lang nagsidatingan ang mga imaginary paru-paro (kukunin na yata ako sa devas) yun pala, ibig sabihin, naenlighten na ako..
At pagkatapos nito, “can we still be friends na ang music ng buhay ko para sa kanya.. yun e kung gusto pa niya.. pero ang sa akin lang, tapos na yun eh, wala na sa akin.. at hindi ko magagawang pagsalitaan siya ng anumang masakit na bagay at lalong-lalo ng di ko maipaparating sa kanya ang mga sulat na ikakasakit ng kalooban niya. Kahit medyo masakit ang nangyari, ok lang yun.. its just a matter of acceptance.. mahal ko si “imang” pero may mas importante pa akong dapat isaalang-alang kesa sa pagmamahal ko sa kanya..
just in case gusto nyong malaman kung sino talaga si “imang”, malalaman niyo ang tunay niyang katauhan sa susunod kong mga entries.. oh di ba may suspense..
|
posted by R.A. @ 6:24 PM |
|
|
|
ANG MGA ADBENTYURS NI NOGNOG (Part III of IV) |
Dahil sa mga nangyaring kamalasan sa buhay ni Nognog, parang naisip na niya na siguro wala talaga at hindi totoo ang sinabi ng lola niya na kapangyarihan..
Dahil dito, habang nasa bakasyon siya sa bahay ng lola niya, naisipan niyang magsideline. Naisipan niyang maging taxi driver, hiniram niya ang taxi ng tiyo niya na kapitbahay din nila. Ang tiyo naman niya, pinaubaya sa pamangkin ang pagmamaneho.
Isang araw, habang nasa biyahe si Nognog, may nakita siyang isang matanda na nasa gilid ng daan, may hawak na basket. Dahil dito, parang nabuhayan ng loob ang binata sa kapangyarihang inaasam niya.
“siguro, eto na ang matandang nasabi at nakwento sa akin ni lola..” ang namuo sa isipan niya..
mainit ang araw na yun, at ang matanda’y parang kanina pa naghahanap ng masasakyang tricycle, walang payong..
“ah, eto na siguro, isasakay ko siya dito sa taxi, at ng makita ko kung siya nga ba ang matandang yun, baka testing niya lang to kung may tutulong nga sa kanya o mag-ooffer ng sakay, tapos baka ibigay na niya ang bote ng kapangyarihan..”
huminto si Nognog sa tapat nung matanda. At sinabing sakay na siya..
“Amang, salamat ha, kanina pa ko naghihintay ng masasakyan papuntang palengke kaso wala akong mahanap.. napakabuti ng iyoing puso..” ang sambit ng matanda.
“Ah! Wala pong anuman yun lola..” ang nasabi ni Nognog.
Habang naghihintay at nakikiramdam si Nognog ng mangyayari, napansin niya sa may salamin sa kotse na parang kamot ng kamot ang matanda. Ng pinansin niyang mabuti sa salamin, parang may sakit sa balat ang matanda.. may leprosy siya..
Biglang kinabahan si Nognog kase baka mahawaan siya nito.. kaya namuo ang isang simpleng solusyon sa kanyang isipan..ang hindi na kunin ang bayad ng matanda sa takot na baka mahawaan siya..dalawa ang punto niya, kung sakaling siya ang nagbibigay ng kapangyarihan, magiging mabuti ang tingin sa kanya ng matanda kase hindi na siya pinagbayad. Kung sakaling hindi naman siya ang matanda, at least di siya mahahawaan ng sakit..ng nasa palengke na sila..
“lola, wag na po, sa inyo na lang po ang pera..” ang pangiting sinabi ni Nognog. “Aba naku salamat iho, talagang busilak ang kalooban mo, at dahil diyan..” ang pa-suspense na nasabi ni lola. “at dahil dun, ano po..?!” ang excited na tanong ni Nognog.. “At dahil diyan. Bibigyan kita ng mahigpit na hug..” sabay yakap kay Nognog ng pagkahigpit-higpit..
biglang nagflashback kay Nognog ang mga nangyari sa kanya simula nung bata siya.. parang animoy mamamatay na siya at huling araw na niya sa mundo. Nangalti ang buong katawan ni Nognog..
abangan ang huling kabanata sa buhay ng bida-kontrabidang si Nognog na binalutan ng malas..
|
posted by R.A. @ 11:21 AM |
|
|
Sunday, November 11, 2007 |
THE OTHER SIDE..(Ang Nawawalang Kwento ng Pag-ibig) |
Alam ko, ni minsan hindi ko pa nababanggit ang character ng taong ito, me nagawa na akong blog sa kanya dati pero dinelete ko. May mga succeeding post ako rito tungkol sa kanya pero di ko pa pinupublish, kase parang out of topic range ang mga nasulat ko. Pero etong entry kong to, dapat lang na i-publish ko.. sa mga ayaw sa mga kwentong kabaduyan, kadramahan at kaOAyan, please, don’t attempt to go on reading this entry kase, eto na ang pinakamadamdamin at tingin ko pinakabaduy kong paglalahad.. (O di ba, umpisa pa lang, nuknukan na ng kabaduyan, pero kelangan talagang isulat to, outlet ko kase..) Gaya nga ng nasabi ko, mga dear bloggers and readers, siguro di niyo pa kilala si Happiness. Bakit Happiness? Kase eto ang naging tawagan naming dalawa. Bakit? kase trip lang talaga namin ang magpakabaduy..Sino nga ba si Happiness..
Si Happiness ay isang Friday the 13th believer, ipinaglihi sa empanada, simbolo ng isang Gabriela Silang, masayahin at kagaya ko ding krung-krung kung umasta. Ito siguro ang naging dahilan kung bakit ko siya nagustuhan. Saan ko siya nakilala.. Sabihin niyo ng baduy, pero sa isang TV Chatroom. Totoo, ngayon lang nag-sink in sa akin ang kabaduyan na ito.. Sa kasagsagan kase ng pinaka-emotional stage ko (hehe, breaking the pot kase ang drama ko noon..) naghanap ako ng way para maka-mingle ng ibang tao at makahanap ng new friends, alam mo na, after the breaking the pot scene, dapat anew lahat.. Paano nga kami nagkakilala, ganito ang kwento..
Nanonood ako ng TV sa office nun, at habang nagchachannel surfing ako, nakita ko ang isang TV Chatroom, at nakita kong nakapost ang number niya..
SWEETGURL20: W A N T E D textmate 20-25 years old, mabait at masaya kasama, cute at malambing text me here 0926 blah blah blah..
Ng nakita kong nakaflash ang number niya, naisip kong itxt siya, pero may mga opismeyt pa ako sa loob ng opis ni kuya kaya palihim kong sinulat ang number niya.. at dali-daling sinave sa phonebook ko. Aminado ako, dalawa lang ang nasa sa aking qualification, 20-25 years old at masaya kasama. The rest is questionable na..
Tinext ko siya at nagkakilala kami mga early August. Nagmeet kame, at dahil sa Globe, ang imposible, naging posible. Salamat na lang sa Globe Non-stop texting. Dahil dito, nagkaroon ako ng new friend. At dahil pareho kami ng naging sitwasyon noon (kagagaling din niya sa break-up situation), after siguro mga three weeks, si Sweetgurl20, naging Happiness na ng buhay ko. (nampootah, ang baduy noh?!) Siguro nga, medyo naging mabilis ang lahat, nakuha siya sa kwento ko, nakuha din ako sa kwento niya, naging sobrang attached, sympathetic at affectionate lang siguro kami sa isat-isa noon.
Naging maganda ang flow ng river para sa amin, may time nga na parang ayoko ng pumasok sa opis at siya na lang ang gusto kong samahan. Dumating kami sa point na nag-iisip na ng mga pangalan ng mga magiging baby namin, (ambilis at futuristic no, pero totoo to..). sabi pa nga niya, payag daw siyang anakan ko, kaya nga lang dapat yung mamanahin lang daw ng magiging baby namin e ang laway ko. O di ba, anlupet ng pagkakrungkrung..
May saying na: Kung gaano mo kabilis nakukuha ang isang bagay, ganun din kabilis kung ito ay mawala. Sa tingin ko, naging totoo itong kasabihan na ito sa akin. Sa loob ng four months, hindi ko alam kung ano ang naging problema.. siguro masyadong naging sobrang malapit lang kami at nagkasawaan na lang, siguro sa side niya. Sobrang okey naman kame pero all of a sudden, parang nag-collide lahat ng stars sa heaven at ako ang binagsakan.
Siguro mga four days na, tinetext ko siya at tinatawagan, di ko siya macontact at di siya talaga nagrereply. Sinubukan kong puntahan siya dun sa boarding house niya, pero palaging wala siya. Kinapalan ko na ang pagmumukha ko kahit sobrang takot ako dun sa landlady nilang bulldog. Tiniis ko yun. Nung Thursday morning, sa siguro mga 2,345 attempts ko na tawagan siya at palaging out of reach siya, sa wakas nacontact ko siya. Sabi ko, “Helloo, buhay ka pa pala, bakit hindi ka nagpaparamdam sa akin ng apat na araw..ikaw ba talaga to, o multo mo?!”. “Wala kase akong load eh..sorry..”, tugon niya. “Ano ba naman, mag-isip isip ka naman ng mas matinong palusot mo, para naman maniwala ako, naman oh!!.” ang pabiro kong nasambit. “alam mo, palagi na lang na ganito ang isyu, e sa wala nga akong load, ano bang problema mo?!” ang pasigaw niyang nasambit. “ano ba ito, galit ka ba?! E binabaliktad mo na naman ang mga pangyayari.. @#$#%$# naman oh, wala ka bang magawang mabuti sa akin.. !@$#^&%$! talaga, ano ba kase ang gusto mo ha..!!, bakit di mo na lang sabihin ng diretso para hindi ako nagmumukang tanga sa kakaintay sa wala..!!” Pagkatapos kong nasabi ang mga katagang ito, binabaan ako ng phone.. kasunod nito ang text na.. “Mahal kita! Pero yung pinakita mo, parang hindi ikaw. Alam mo noon tingin ko hindi ka makakapatay ng lamok, yun pala nasa loob ang kulo mo. Alam mo, sobrang paranoid ka talaga. Hindi lang ako nakatext sa iyo, ganyan na ang pina-iisip mo sa akin, tama ba naman yan?! Pagod na ako sa ganito, at pagod na din ako sa iyo. Ayoko na talaga. Don’t make me change my decision kase final na to. Ayoko na. Last call mo na yun, sana last text mo na din kanina.. maaalala ko lang yung mga sinabi mo sakin kanina pag nakakausap kita!!! Please lang hayaan mo nalang ako. Sinira mo lahat ng pinagsamahan natin kung meron man, dahil dun sa mga sinabi mo. Hindi ko na sasagutin ang mga tawag at text mo next time. Ingat na lang..”
Nabigla ako sa tinext niyang to. Sino ba naman ang di mabibigla at mabuburyo sa mga words na to, after 4 days of no communication, tapos ganito pa ang bubungad sa yung message galing sa kanya. Paksyet, ano to, lokohan?! Tsaka gawin bang isyu yung mga sinabi ko? E siya tong hindi maipaliwanag kung ano ang problema at ginagawa niya ang pang-iiwas.. So ayun, nagtextback ako..
“O sige, diretsuhin mo na ko, o kelangan pa ba ako ang mageexplain sa yo ng mga bagya bagay, o kelangan pa ba ako ang gumawa ng approach para huwag ka ng mahirapan pa sa kakaexplain at kakagawa ng mga useless points mo!? Diyan ka naman magaling, sa diversionary tactics mo..akala mo, 1.25 grade ko sa psychology, defense mechanism mo lang yan just for you to get out sa situation..”
opo dear reders, ganito katindi ang mala-ragnarok naming pagtetext, yung pudpod na talaga ang daliri ko, at todo sa haba, mga 15 links ang drama ng SMS exchange namin. Salamat sa Globe Non-stop at kahit papaano, puso lang ang sumakit, hindi sumabay ang bulsa.. after nasend ko yun, naghintay ako ng reply niya. Mga 20 minutes ang nakalipas bago siya nagreply. At ito ang sagot niya..
“hirap lang talaga akong makahanap ng signal sa loob ng bahay, tsaka may sira ang phone ko, hindi ako makatext. Yung tinext ko sa yo, test ko lang dapat yun kung ano magiging reaksiyon mo! Sabi ko MAHAL KITA di ba?! kaso nawala bigla nung murahin mo ko ng todo!! Maliitin moko!! Hindi ko alam, nasa loob pala talaga ang kulo mo! Mabuti na rin at hindi pa nagtagal nalaman ko din na ganyan ka. Salamat sa lahat ng oras mo! Sana makahanap ka ng katulad ko, yung tipong patatawanin ka, kakantahan ng favorite song mong Ulan para lang sumaya ka, salamat sa lahat. Wag ka na reply..”
naka CAPS LOCK talaga ang term na mahal kita. Di ba, inemphasize pa, pero in the end, sasabihing ayaw na niya, magulo no?! parang ambilis ng mga pangyayari na hindi ko talaga maipaliwanag kung bakit biglang nagkaganito ang ending. Parang mali ang script na di ko mawari kung totoo ba lahat ng to.. kakaiba..
REACTION:Oo totoo, natuwa ako sa kanya, napamahal ng sobra-sobra dahil na siguro sa situation, sa mga petty hirit niya gaya ng: “tumawag ako sa yo kanina, out of chuva yang CP mo!Luv you!”, “Empty bat na ako, tawag ako may”, “Kumain ka na ba, wag ka ng kumain, tataba ka..”,”yan kase ang tigas ng ulo mo, buti nga sa yo..”, “katatapos lang ng medical exam, asan ka ba?! wag ka na reply..” mga simpleng hirit niya na natutuwa ako.. Siya lang ang nakapagpa-iyak sa akin dahil sobrang ni-love ko talaga siya, na oras na nadidinig ko ang kantang Ulan, parang gusto kong pumatay (ng aso).. hindi talaga, iba siya, sana kase hindi naging ganun ang mga pangyayari. Pero ako yung tipong tinatanggap anuman ang desisyon ganyan ganyan, basta ako alam ko, wala sa akin ang fault na iyon. Alam ko nagawa niya yun para iinvert lang ang pangyayari, na siguro nakahanap siya ng mas okey sa akin, ganyan, o kaya talagang pagod na siya o ayaw na niya sa akin talaga..
Ngayon ngayon lang, nalaman ko ang sa tingin ko, yun yung reason kung bakit umiwas siya sa akin. Yung sinasabi niyang medical exam, gagamitin niya pala yun dahil pupunta na siya sa abroad. Parang tingin ko ginawa niya yung pag-iwas sa akin, kase alam niya masasaktan siguro ako kung malalaman kong iiwan na niya ako at pupunta na siya sa abroad. Hindi ko alam kung ito talaga yung reason, mas mabuti ng ito ang nasa isip ko kesa isipin kong me ipinalit siya sa akin.. Hindi ko pa siya nakakausap tungkol sa bagay na to, pero as soon as malaman ko ang truth sa mga pangyayari, ipupublish ko dito sa blog ko, dahil hindi nagsisinungaling ang ebidensiya (SOCO ba itoh) Love ko pa siya hanggang ngayon.. Gusto kong magchange ule ng SIM, pero di muna ngayon, umaasa pa rin ako kase.. pero as of now, ang Happiness na name niya sa phonebook ko dati, Heartbreaker na ngayon..
(story as of 10/28/06)
Happiness: refer to Joanne; entry from yo2ng.blogspot.com |
posted by R.A. @ 2:57 PM |
|
|
Saturday, November 10, 2007 |
OBER DA BAKOD.. (Liga ng mga Krung-krung) |
Akala niyo siguro eksklusib lang to sa kapamilya ko?! Para din ito sa mga kaibigan kong mas makulay pa sa rainbow ang pamilya nila.. Hehe. Siguro, mapagkakamalan silang mga adamyan kase anliliit nila, pero wag ka, di sa liit nakukuha kase, madami silang anak.. may anak sila sa abroad, may anak sila na palengkera ganyan-ganyan.. basta kaleidoscopic ang life nila.. madami ang populasyon nila sa mala-compound na space nila. May 1st degree cousins, 2nd degree hanggang 4th degree, magkakabatch ang mga magpipinsan.. hehe.. tinatamad gumawa ng mga bata ang drama nila!!.. si “gurnak” ang pinakaweird sa kanila, siya ang pinakamatandang kapatid ng friend ko. Kung baga sa classroom, siya yung binubully na type ng student, at kung halimbawa naging kaklase ko siya, malamang nalagyan ko na ng bote o hollow blocks ang bag niya. Madami siyang mga anak at ang lahat ng iyon ay inaasa niya sa Diyos. Medyo loser daw siya at mahirap makasundo. Special talent niya ang manghilot ng mga buntis, nabinat, may stiff neck, mga nabaliaan, nakagat ang dila at naghihina ang mga pananampalataya. Mahilig din siyang makitikim ng ulam ng kapitbahay nila kahit di siya iniinvite.
Sumunod sa kanila ay ang kapatid nilang tomboy..bakit tomboy?! Kase malamang hindi siya bakla..yun lang yun.. kaya siya naging tomboy daw kase dahil na din siguro wala pa silang kapatid na lalake nun. Isa siyang kasapi dun sa mga lahi ng mga tomboy na magkakamuka. Mataba, malaki dodo, nagsasando habang nakapolo at may balahibo sa kilekile. Eto ang isa sa pinakamalupet na nag-alaga sa kaibigan ko nung bata pa daw siya. Astang lalake daw kase. Sabi nung friend ko, hindi niya makakalimutan ang mga pangyayari nung nagwala itong kapatid niyang tomboy. Yung sumunod kaseng kapatid nilang babae eh medyo may aning-aning. Naghalungkat daw siya ng lumang picture nitong tomboy nilang kapatid na nakaevening gown habang nagsasagala dati. Ipinaskil daw niya to sa platera at tinatawanan daw hanggang matuyuan ng lalamunan at manikip ang dibdib. Bigla daw dumating itong si tomboy na kasama ang bebot niyang syota syotaan, nakita daw nilang dalawa yung mga picture niya nung pinamumukulan pa lang siya at presto!! Nagwala ang kapatid nilang tomboy at akalain mong si sonny parsons ang acting.. hindi siguro niya matanggap na puro ruffles ang gown niya nun, hehe..
Kasunod nga ang kapatid nilang aanga-anga na may aning-aning sa utak, ang equally praning na si “kikay”. Ang kapatid nilang walang lovelife. Sawi-sawian din ang drama nito sa buhay. Nasaksihan ko ang isa sa mga shining moments ng kapatid ng friend ko na ito mismo sa dalawang mata ko.. hindi ko kinaya ang moment niya, its her time to shine nga talaga non.. hehe (star in a million ba itoh!!) nung namatay kase yung lola nila, bigla itong umuwi ng humahangos sa bahay nila at hinawi lahat ng poon at rebulto sa altar at nagwikang: “Lahat kayo, hindi totoo!!!”” di ba pang-awards ang dating, pang FAMAS itoh, hehe. Hagulgol to the max at tinalo ang akting ni juday. Ewan ko kung matatawa ba ako nun o hinde, sobrang OA.. hehe.. at eto pa, malas kase ito sa lovelife, e may nanligaw sa kanyang hot papa daw sa factory na pinagwoworkan niya, at naging sila daw kase di niya pinalampas ang pagkakataon, sinagot agad, at yun nga, nagkaron ng lovelife. Eh bigla daw niyang nalaman na may asawa na pala yung kumag. Kaya sinugod daw ng tunay na syota ni hot papa si “kikay” sa apartment niya at hinampas siya sa ulo ng lata ng 555 sardines. Ayun, tinahi daw ang ulo at dahil dun, hiniwalayan niya si hot papa. Kaso tong hot papa na toh e ayaw papigil, kaya ang nasabi daw ni “kikay”, “we have the right love at the wrong time, I know we’ll meet again someday, I love you goodbye..” tang-ina, kantang-kanta ang dating.. nakakatawa..
Yung mga iba niyang kapatid hindi ko kilala kaya wala ako masyadong kwento. Yung kuya niya na nagkatulo at uminom ng coke na may halong tide ultra. Yun lang.. tapos yung isa din niyang kapatid na babae na medyo may trauma sa mga teachers kaya ayun nagpabuntis na lang para hindi na mag-aral.. yung mga iba di ko na kilala..!!
|
posted by R.A. @ 2:53 PM |
|
|
Friday, November 09, 2007 |
ANG MGA ADBENTYURS NI NOGNOG (Part II of IV) |
Dahil sa nangyari kay nognog, natulala ang binata. Hindi niya sukat akalain na duraan pala ng plema ang inaakala niyang kapangyarihang napapaloob sa bote. Nandiri siya sa ginawa niya. Tumila ang ulan, ang kulog, ang kidlat. Ang naiwan lang kay nognog, ang pangangati ng kanyang lalamunan. “siyet, akala ko pa naman, yun na ang kapangyarihang hinihintay ko, malas talaga oh..” ang nasambit niya sa sarili niya. Habang tinatahan niya ang kanyang sarili sa nangyari, umiisip siya ng paraan para matanggal ang yuckiness at pangangati sa lalamunan niya.
Pagkababa ng bus, dumiretso siya sa terminal papasok sa barrio ng kanyang lola. “siguradong hinihintay na ako ni lola ngayon” ang sabi niya. Pero hindi pa rin matanggal sa isip niya ang nangyari sa kanya sa loob ng bus. Nasusuka siya na nandidiri. Dali-dali siyang naghanap ng paraan para matanggal ang pakiramdam na yun.
Dahil sa pagod, napaupo siya sa isang bench sa ilalim ng puno. Bigla siyang nakakita ng luya sa may supot.. “ayos ito, luya, magaling sa lalamunan ito, kase alam kong ginagamit itong santgkap sa salabat.” Ang nasambit niya. Biglang nginuya ang luya na natagpuan niya sa bench.
Naging maige ang pakiramdam niya, nawala ang pangangati at lansa na naramdaman niya.. “haaay, buti na lang may luya rito..” Pauwi na sana siya ng may mapansin siyang matandang parang pulubi na pabalik-balik sa lokasyon ng kinauupuan niya. Nakita niyang may hawak na bote ang matanda, gusgusin at maraming mga sugat sugat sa katawan..
“siguro eto na ang pagkakataong hinihintay ko, siguro eto na ang matandang sinasabi ni lola na magbibigay ng kapangyarihan sa akin gaya niya..” ang nasabi niya sa isip niya..
Kinindatan ni nognog ang matanda, nagtwinkle ang mata niya na wari’y nagsasabing, “lola bigay niyo na ang boteng yan, ako ang recipient ng kapangyarihan niyo..” nilapitan ni nognog ang matanda at tinanong kung bakit pabalik-balik siya at parang balisang-balisa..
“lola, may maitutulong ba ako sa iyo..” ang nasambit ni nognog, na pansing diring-diri siya sa kalagayan ng matanda, na bukod sa mga nagnananang sugat e puno pa ng bukol ang ulo at duguan ang suot at nag-aamoy malansa na di maipaliwanag..
“amang, kase akala ko di pa ako ulyanin, pinuno ko lang ng tubig tong bote ko sa poso at ang pagkakaalam ko, dito ko nilagay ang luya na pinantapal ko dito sa sugat ko..”, ang sabi ng matanda sabay turo sa inupuan ni nognog na bench..
itutuloy ang kwento sa ikatlong kabanata..
|
posted by R.A. @ 2:49 PM |
|
|
Wednesday, November 07, 2007 |
ANG MGA ADBENTYURS NI NOGNOG (Part I of IV) |
Isang mabagyong gabi, may isang bus na medyo may kalumaan na papuntang probinsiya kung saan nakasakay si nognog. Magbabakasyon kase siya sa lola niya dun kase sembreak nila sa school. Paboritong paborito ni nognog ang lola niyang yun sa lahat kase bukod sa dun siya lumaki, siya din ang nagsislbing childhood superhero ni nognog. Sabagay, medyo exceptional nga ang lola ni nognog, kase sa edad ngayon na 88, buhay pa siya, at wag ka (peyborit expression ng friend ko,, hehe) kaya pa niyang umakyat ng buko, magsibak ng kahoy, magbunjee jumping, rapelling, chinese garter at kung ano-ano pang kahimalaan. Oh di ba? Sinong hindi magsasabing katangi-tangi ang lola ni nognog. Sa itsura niyang kulubot na ang balat, at ang boobs na pwede ng isampay, at ang buhok na naluto sa chlorox, sinong hindi mabibigla na kaya pa niyang gawin ang mga bagay na yun.. pero maraming bulong-bulungan sa barrio nila sa sikreto ng matandang hukluban.
Sabi ng iba, mangkukulam daw ito saka may sa demonyo. Pero ang totoo, may agimat ang matanda. Ayun na din sa kwento niya kay nognog, nung bata pa ito, minsan daw kase nakasabay sya ng matandang babae sa bus na may dalang bote sa kasagsagan ng napakatinding bagyo. Inakay daw ni lola ang matanda pababa ng bus kase mukang hirap na hirap na ito. Pagkababa daw ng bus,ibinigay daw ng matanda sa kanya ang bote at agad na pinainom. Mula nun, naging malakas na ang lola ni nognog. Hindi siya tinatablan ng kahit anong sakit at nananatiling malakas kahit pa nagkakaedad ito. Yun ang matagal ng minimithi ni nognog. Ang magkaroon ng agimat ng katulad sa lola niya. Sabi ng lola niya,balang araw daw, alam niya, makikisakay ule ang matandang yun sa bus upang ibigay naman sa iba ang kakaibang kapangyarihang nakapaloob sa bote.
Biglang nagising si nognog sa pagkakatulog sa bus sa lakas ng kulog. Sobrang lakas ng bagyo. Medyo pa siya sa bahay ng lola niya. Napalingon siya sa gawing kanan niya at may napansin na matandang babae na may hawak na bote na nakatutok sa bibig nya na animo iniinom unti-unti.
Bigla siyang kinilabutan sa nasaksihan. Isang matangkad na bote na parang bote ng wine, naalala niya bigla ang kwento ng lola niyangbalang araw alam niyang ipapasa ng mahiwagang matanda ang kapangyarihang nasa bote, sabi niya “isang mabagyo at napakalamig na gabi tapos nasa bus ako? Putangina! Siya na ata yung matandang sinasabi ni lola. Ako na siguro ang magmamana ng kapangyarihan.”
Bigla napatingin sa kanya ang matandang nasa tapat niya. Biglang nagbyutipul eyes si nognog na parang nagsasabing “hello po, ako po ang susunod na recipient nyang kapangyarihan niyo.” Pero inisnab siya ng lola, taray ng lola niyo! Hehe. Hindi pa din sumuko sa pagpapapansin si nognog, ayaw niya na pakawalan ang pagkakataon. Lam niya kase na oras na para maipasa sa kanya ang kapangyarihan lalo na at napapansin niyang medyo nanginginig na sa lamig ang matanda na parang matitigok na. Tumabi bigla si nognog sa matanda at agad hinawakan na ang mahiwagang bote. Pero nanlaban ang matanda na parang ayaw sa kaniyang inigay.
Hindi na mapigil si nognog, talagang nag-agawan sila ng matanda sa bote. “lola, ako po ang susunod na magmamana niyan kaya ibigay niyo yan sa aken!!!”, sabi ni nognog. “tumigil kang bata ka!!” sigaw ng matanda. “hindi pwede, hindi ako papayag!! Akin na yan, ang paghuhumiyaw ni nognog. At nakuha nga ni nognog ang bote at agad naman niyang ininom ang punong punong bote.
“bwahaha!! Sa akin ang kapangyarihan!” ang nasabi niya sa isip niya habang nilalagok ng walang patid ang medyo maalat at buo-buong kapangyarihan. Bigla siyang hinampas ng matanda sa ulo at nabitawan ang hindi pa nauubos na kapangyarihan sa bote. “ang baboy mo walanghiyang bata ka!!! Bakit mo inagaw sa akin yang duraan ko ng plema at ininom mo pa?! Lam mo bang ang hirap maghanap ng duraan dito sa bus?! Mga wala kayong galang sa matatanda!! Pakyu kayo!”, ang sigaw ng matanda..”
abangan ang susunod na kabanata sa pakikipagsapalaran ni nognog.. (medyo mahaba kase ang kwento kaya divided by parts itoh!!)
|
posted by R.A. @ 2:45 PM |
|
|
|
About Me |
Name: R.A.
Home: Philippines
About Me: i was born to make the world a better place to live in.. im the type of person who would do anything in the name of love!!(azuz) ako din yung tipo ng tao na malambing.. haha! Kontento na ako sa buhay ko ngayon, salamat sa mga taong nagbibigay ng kulay ng aking buhay.. to my friendsters, family at sa mga kaaway ko!!! salamat sa inyo.. halos madaig ko na nga ang 4 columns na Krayola sa sobrang kulay ng buhay ko eh..at sa mga nang-iwan sakin... sorry nalang kayo dahil mas lalo akong gumwapo ngayon.. hindi niyo na ako matitikman!! wawa kayo!!at sa mga present ko...just kip on hangin with me coz im gonna show you zum luv! punta naman tayo sa mga likes ko..
MY FAVORITES
foods: spag, sandwiches, tortillos na black ,chicharon, sitaw, baked macaroni & pizza.
cigarettes:marlboro & peace lights
perfume:polo sport, calvin klein & pureplay
superheroes: SPIDERMAN & X-Men
anime:GTO, fruits basket, shaman king, naruto & hunterX hunter
colors:black & white, red & blue and brown
pastime: texting, net browsing, daydreaming.. hahaha!
beverage: c2 green tea (lemon & apple flavor), no hard drinks ako.. no softdrinks din..
See my complete profile
|
Previous Post |
|
Archives |
|
Shoutbox |
I can not be complete anymore, i cant be whole anymore.. =( |
Links |
|
Powered by |
|
|